Partner in crime!

10 0 0
                                    

Pristine...

"Ate Tantan? (pristine) uwi na tayo, gabi na!" sabi saakin ni Tintin (christine).

Nasa isang park kami. Naglalaro.

"Mamaya na tintin, sulitin na natin ang matitirang araw natin dito sa pilipinas, bukas pupunta na tayo ng canada. Mamimiss ko ang maglaro dito."

Lilipat kasi kami ng canada, dahil aayusin kasi ang bahay namin, doon narin kami mag ha-high school.

"Pero Ate Tantan, Sabi ni Mommy, uuwi raw tayo bago mag 5."

"Sige na Tintin, mamaya na. May hinihintay pa kasi ako."

Hinihintay ko si Kokoy, ang katabi ko sa klase. Naging kaibigan ko narin siya, dahil lagi siyang pumupunta dito sa park.

Sana sa huling pagkakataon, makita ko siya.


Sa hindi kalayuan, may isang batang lalaki ang papalapit saamin.

Si Kokoy.

Abot hanggang langit ang ngiti ko ng makita ko siya.

Naka light blue pantulog lang siya, na may spiderman print.

Tumakbo ako papalapit sa kanya, at niyakap siya.

Partner in Crime.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon