"Alam mo Ate! hindi ko alam kung ma-aawa ba ako o magagalit sayo!" Sigaw ko kay Pristine.
"Edi magalit ka!! Wag mokong ka-awaan." sabi niya sabay lipat ng tingin.
"Matagal nakong galit Ate!"
tumingin siya saakin."Pero diko magawa! dahil Kapatid kita! Kambal kita!! Mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sayo! At tsaka bakit ka nga ba galit saakin?!!" sigaw ko.
She fake a laugh.
"Hindi mo pa ba talaga naiintindihan Christine? Ang bobo mo naman! Hindi mo ba naa-alala ang lahat ng ginawa mo?!" Sabi niya
Mas lalo akong naguguluhan.
Flashback.
Pristine...Uuwi na sana ako dahil, umuwi narin si Kokoy, pero bigla kong na-alala si Tintin (Christine).
"Naku po! Nakalimutan ko si Tintin, asan na yun?"
Hinanap ko ang buong Park, pero wala naman siya doon.
Hindi ako pwedeng umuwi ng hindi siya kasama.
Nilibot ko ulit ang buong lugar, wala parin siya sa paningin ko, gumagabi na siguradong papagalitan ako nito.
"Tintin? Tintin? Asan ka?" sigaw ko sa kalye.
Lahat ng taong dumadaan, tinatanong ko kung may nakita ba silang batang kamukha ko.
Pero wala naman daw silang nakita.
Naglakad ulit ako.
30 minutes na ang nakakalipas pero naglalakad parin ako sa kalye. Hindi ko talaga siya mahanap.