Nasa chapel ako, nakaupo.
Ang dami ko ng iniisip, hindi ko na alam ang dapat unang gawin.
Dahil parang bawat kilos ko ay may nasasaktan ako.Naramdaman kong may tumabi saakin, Si Mommy.
Hinawakan ni Mommy ang kamay ko, umiiyak siya.
Shit! Ayoko ng ganito! Ang nakikitang umiiyak ang mga magulang ko.
"Baby Christine, I know, kahit lagi kayong nag-aaway. Alam ko... alam ko na mahal na *sobs* mahal mo ang kapatid mo." Maiyak-iyak na sabi ni Mommy.
Kung alam mo lang Mommy, Mahal na mahal ko si Ate Pristine, Natatakot akong mawala siya, ayaw kong mawala siya na galit parin saakin. Lagi naman akong nagsosorry, lagi ko na din binababa ang pride ko, pero ang tigas talaga niya. Ayaw niyang maging okay ang lahat.
Gusto ko lang naman na gumawa kami ng masasayang alaala sa buhay namin.
Tahimik lang ako.
Lumapit si Daddy at Tumabi din saakin. Ako na ngayon ang nasa gitna."Anak, I know it's hard to forgive, maybe you should approach her and say sorry." sabi ni Dad.
Tumayo ako.
At humarap sa kanila."Dad! Pagod na pagod na po ako!!! Wala naman akong kasalanan pero bakit parang pinapamukha niyo saakin na ako ang mali! ako ang may kasalanan! Ako ang kontrabida!
" Naiiyak na din ako.Tumayo si Mommy at niyakap ako.
"Baby, no..no. I know your not that kind of person, I know ayaw mo ng gulo. Pero nahihitapan na kasi ang Ate Christine mo!" Sabi ni Mommy
Sinusubukan kong umalis sa pagkakayakap kay Mommy.
"Shit! Mom! Sa tingin niyo hindi ako nahihirapan?! Parang ako lang naman ang nahihirapan dito eh! Buti nga sa kanya! Sana mamatay nalang siya!"
Sabi ko sabay alis.
I'm sorry, hindi ko akalain na masasabi ko yun. Mahal ko si Ate pero, bakit ako nagagalit sa kanya?! Ano bang nangyayari sa buhay ko. Ano bang nangyayari saakin.