Nakauwi na kami sa bahay.
Na-abutan namin si Tita na nag-iimpake."Hi Tita!" bati namin ni Jared.
"Oh! buti napa-aga kayo ng uwi."
"Tita? Saan po kayo pupunta?" tanong ko
"Jade? Jared? Kayo na muna bahala sa bahay ha? Mawawala lang naman ako ng limang araw, oh baka matatagalan pako." sabi niya.
"eh saan, nga po kayo pupunta?" tanong ni Jared.
"Pupunta na muna ako sa probinsya may sakit kasi ang Tita Myra niyo, eh alam mo naman na nasa abroad ang mga anak niya kaya walang mag-aalaga."
"Paano na po kami?" tanong ni Jared
"Nandito naman ako Jared eh." Sabi ko.
"bibigyan ko nalang kayo ng allowance at tsaka, nag-grocery nako kanina. Tawagan niyo lang ako pag may problema kayo, At tsaka gabi-gabi ko kayo tatawagan ha? Oh, aalis nako."
"Babye Tita! " sabi ni Jared.
"Mag-ingat kayo Tita ha?" sabi ko.
"Mag-ingat din kayo, nasa kwarto mo ang allowance niyo ha?"
"Opo Tita."
****
7:30 na! at tapos nako mag-aral, Habang nanunuod lang ng mga cartoons si Jared. Tapos narin kaming kumain. Ang boring sa bahay, at sobrang aga naman kapag matutulog nako.Lumabas muna akong bahay, magpapahangin :)
Nakikinig lang ako ng music ko sa headset ko.
Now playing: Aking Prinsesa by Gimme 5
(search it on youtube to listen the song)Wala akong pera
walang magarang sasakyan
At kung sasabihin ay akoy simpleng tao lang
Alam ko naman na sadyang magkalayo ang ating mundo
pero aking maipapangakoAraw gabi kaya kitang pagsilbihan
Hatid at sundo ako ay lagi lang nandyan
Pangako sayo ay di na kita iiwananPatuloy lang akong naglalakad, wala naman akong pupuntahan para lang ma-relax ako sa araw na ito.
Ang ganda ng panahon, ang handa ng mood ko ang ganda ng musika at..... wow! Ang handa ng langit, tumigil ako sandali at nakatingin lang sa langit. Ang ganda ng mga bituin, parang ang saya-saya nila. Parang ako lang? Haha! Teka? O.o bakit ako masaya? eh Normal lang naman ang araw na ito.Mahal kitang labis
susubukan ko kahit
Wala kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
dala ko ay ligaya
O aking Prinsesa...."Ang emo mo naman Bro!" sabi ng boses babae, na nasa likuran
"Hoooy! Anong ginagawa mo dito? stino-stalk mo ba ako?! Pano mo nalaman ang bahay ko? Bakit nandito ka? Ang gabi-gabi na! baka ma-kidnap ka jan sa kalye! umuwi ka na! delikado ka dito!" Gulat kong sabi, Alien ba ito'ng babaeng to?
"Ewan ko sayo! Ang dami mong sinabi! Tanga! tagarito ako."
sabi niya. HA?!!!!! O.O********
Vote.Comment.Share!
~Amazingracel
#partnerincrime<3