Partner in Crime!

33 1 0
                                    

Wala din naman akong naging kaibigan noon, siguro nga dahil hindi naman ako Friendly, wala naman akong Bad record sa school, hindi naman siguro sila takot sakin! hindi naman pang wrestling ang mukha ko! Ang gwapo ko kaya!

Di kaya dating gangster si Tina? o di kaya dating ex-convict?
Mas malala!!!! dating prostitute! ang oa ko naman yata! di kaya boxer siya dati? kaya natatakot lumapit ang mga tao? dahil baka patayin sila? jusko! wag naman sana!

"Hoy Kuya!! Sino kausap mo?" biglang sumulpot si Jared.

"Wala! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Hindi mo kaya ako binigyan ng allowance. Ang aga mo kasing pumasok."

"ay, oo nga pala... eto oh!"
Inabot ko sa kanya ang pera.

"GOOOD MORNING!!" malakas na sigaw ng babae.

"WAHHHH!!!! " bigla akong napasigaw sa gulat!

"Hi :)" Bati ni Tina.

"Uyy! Ate Ganda, Mas gumaganda ka ngayon ah?!"
sabi ni Jared kay Tina.

Teka close sila?

"ahhhhw. Thank you Jared, ikaw talaga nangbola ka pa!"
sabi naman ni Tina.

"Teka, teka, Close kayo? Magkaibigan kayo? pano nangyari yun?! O.o"
Tanong ko

"uy! Jade! andyan ka pala? akala ko hangin lang!"

"HAHAHA!" Nagtawanan sila!

Pinagtawanan ba naman ako? -.-

"Kuya! Siya yung nakwento kong si Ate Ganda."

"Ha? "

"Nako! Mali-late ka na Jared, Pumunta kana sa classroom mo, at tsaka ipapakilala kita sa kapatid ko ha?" utos ni Tina

"Sige po, sige po, bye ate Ganda, bye Kuya!" umalis na siya

Tinignan ko siya ng masama.

"Hi Jade Santiago" Tumingin siya at ngumiti.

Please please! wag kang ngumiti nawawalan ako ng lakas.

Ang ganda nga niya ngayon, Ang kinis-kinis niyang mukha, ang nakakasilaw niyang ngiti at ang mga mata niya na parang kasing ganda ng diwata! Tapos biglang nagslowmotion ang mundo ko, mahinang lumilipad ang maitim na maitim niyang straight na buhok, Nakakasilaw! jusko puwede niyo na po akong kunin.

"Hoy Bro!! Anong nangyari sayo?! Nabaliw ka na ba? HAHA! buti nga sayo!" Sigaw niya sabay hawak sa mukha ko, napapanga-nga niya talaga ako *droooooooooolssss*

"Hoooy!!!" sinampal niya ko.

"Aray! Ano bang problema mo?"
Sigaw ko! Minsan kontrabida talaga ito.

*******
vote.comment.Share!
~Amazinggracel
#Partnerincrime!

Partner in Crime.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon