Partner in Crime!

9 0 0
                                    

Nagising nalang ako na nasa gilid ni Ate Pristine.

Nakatulog pala ako.

"Lumayo ka nga!" Sigaw ng babae sa tabi ko.

Ano ba naman to!
Ang bait pag tulog! pero ang sungit pag gising!

Lumayo ako sa kanya,

"Ano?" sigaw niya, Tinititigan ko kasi siya, ayun sa nabasa ko. Pagtinitigan mo raw ang enemy mo tapos umiwas siya ng tingin, may 76% raw na makokonsensya siya.

Haha!
Umiwas siya ng tingin.

"Pristine? Bakit ba tayo nag-aaway? Bakit tayo nagkakaganito?" tanong ko,

diko na talaga kaya pigilin ang nararamdaman ko, miss na miss ko na kasi siya. Pero mas lalong lumalalim ang pagkagalit ko sa kanya sa otas na nakikita ko si Jade.

Si Jade.

Si Jade na crush ko na may crush na iba,

na kapatid ko pa.

Hayyyy, gusto ko talaga siyang yakapin, at mag-sorry. Pero wala naman akong kasalanan, bakit ako pa ang magso-sorry? sawa na akong, ako na lang palagi ang kailangan ibaba ang pride.

Lumayo siya ng tingin.
Matagal bago siya nagsalita.

"Bakit saakin mo yan tinatanong? Diba dapat ako ang tatanong sayo niyan?" sabi niya

"Yun na nga eh, Hindi ko kasi alam kung bakit ka galit saakin." mangiyak-ngiyak kong tanong

"Kung hindi ka lang kasi pinanganak na mang-aagaw, Hindi sana tayo nagkakaganito." Naiiyak niyang sabi.

Aaaraayy, para akong binuhusan ng malamig na tubig at tinusok ng napakalaking Injection ang puso ko.
Ano ba kasi ang inagaw ko? Si Jade ba?

"Sino ba ang inagaw ko sayo?" sigaw ko

Lumingon siya at tinignan ako.
Namumula na ang kanyang mga mata.

Please, Pristine wag kang iiyak. Nasasaktan ako.

"Gusto mo talagang malaman?!" Sigaw niya.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Natatakot ako sa sasabihin niya.

Tumulo na ang kanyang mga luha, shit! Nasasaktan talaga akong nakikita siyang ganyan.

Noon pag may nang-aaway sa kanya, Ako lagi ang tinatawag niya pag nasasaktan siya, ako lagi ang nag cocomfort sa kanya.

Ngayon,
Ako na ang dahilan sa pag-iyak niya.

Ako na ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.

Pero wala na ako sa tabi niya para icomfort siya.

Partner in Crime.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon