Sulitin ko narin ang pagkayakap sa kanya, dahil siguradong ma-mimiss ko siya.
Niyakap ko siya ng mahigpit, niyakap niya rin ako.
"Kung makayakap ka, parang aalis ka ah?" sabi niya
Hindi niya pala alam, na aalis ako.
May kasunduan kasi kami na walang iwanan, Hanggang High School at College.
Ang sakit, na ako paang nagsabing walang iwanan, pero ako pala ang mang-iiwan.
Nasasaktan ako, ang sakit magsinungaling.
Umalis siya sa pagkayakap.
"Okay ka lang ba Pristine?" sabi niya sabay tingin sa mga mata ko.
"Oo naman, namiss lang kasi kita."
"Pristine, hindi narin ako magtatagal. Tumakas lang kasi ako ng bahay, pumunta lang ako dito para ibigay to."
May kinuha siya sa pocket niya.
Isang Infinity necklace.
Lumapit siya at isinuot niya ito saakin.
"Ang necklace na ito ay naging saksi sa ating pagkakaibigan."
bulong niya.Bigla nalang tumulo ang luha ko.
Di ko kayang magsinungaling pero, hindi ko naman kayang aminin.
Mamimiss ko talaga siya, ang kakulitan niya, ang kaingayan niya, at ang sweet niyang boses.
"oh? Bakit ka ba umiiyak?" hinawakan niya ang mukha ko.
Pilit kong pinupunas ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko.
"a-ahh, wala! k-kasi ang ganda ng necklace eh."