Jade's pov
"Oh! Jade? bakit ka ganyan mukha mo?" pang-aasar na tanong ni Vince.
Nagulat naman ako bigla.
Kung kailan seryoso na ako, tsaka pa siya sisingit."H-ha? Bakit? Anong nangyari sa mukha ko?"
"Ang panget sobra. hahaha!"
At talagang tumawa pa siya.
"Basag trip ka talaga! Nage-emote yung tao, dini-disturbo mo." sigaw ko
"Sorry na! *sabay peace ^_^v* May namimiss ka siguro noh?" tanong niya
Napalingon ako sa kanya.
"Obvious ba?" mahina kong sabi
"Pare! OO Sobra! Kanina ka pa kaya nakatulala. Teka? Sino ba namiss mo?.... Si Pristine o si Christine?"
Oo nga? Bakit ba ko natunganga? tss. wala kasi akong kausap kaya ang boring.
Miss ko naman sila pareho, pero mas namimiss ko talaga si Pristine, matagal-tagal narin ng hindi niya ko kinakausap. hayy, Bakit pa kasi sumingit si Nikko sa buhay namin, okay na sana ang lahat. Aaminin ko na sana na..
"HOY! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!"
ano ba naman tong sa Vince!"Pareho ko silang namimiss, siyempre." sagot ko
"Sigurado ka? Alam mo Jade! Kung ako sayo Si Christine nalang piliin mo."
*Tiiiiing!! Tiiiiiiing!!*
"Sige uwi nako ha?."
sabi niya sabay alis.Bakit si Christine?