"Gusto ko ng pink!" sigaw ko sabay turo sa kulay pink na balloon.
Binagyan kami ni Manong ng dalawang blue balloons.
"Alagaan mo yan ha? kasi pag nabitawan mo yan ibig sabihin, may mawawala." seryoso niyang sabi.
"Ganun pala yun?"
"Oo, kaya hindi ko to bibitawan!"
"Hindi ako manga-ngako, dahil Dadating din ang araw na mabibitiwan ko rin ito."
"Hahaha! Ang korny mo naman! Uwi na tayo baka hinahanap ka na ng Ate mo!"
"Oo nga pala no?!"
Sabay kaming tumakbo papuntang park, para maabutan si Ate.
Ng makarating kami sa park, wala na si Ate, umalis na.
"Jes! Wala na si ate, hindi pa naman ako marunong umuwi."
"Ha? Paano yan!"
"Ewan ko. Maaga pa naman kami bukas."
"Bakit? Saan ka pupunta?"
"Pupunta kami ng canada bukas. Hindi ko din alam kung bakit."
"Sayang naman, Ngayong araw lang kitang nakita, pero magiging huli na din"
"Oo nga eh, pero babalik naman kami dito."
"Kailan pa?"
"Di ko alam."
"Ano ba yan! Oo nga pala! paano ka uuwi nito?"
"Hindi ko din alam."
"Magtatanong nalang ako doon sa may tindahan. Dito ka lang Jes ha!"
Tumakbo nako papunta sa kabilang kalsada ng may
.
.
.
.
.
.
Diko masyado makita dahil sa sobrang liwanag."TINTIN!!!!!!!!!!!!!!"
Niyakap ako ni Jes! at nawalan ng malay.