TMA 10 (harassment and bullying)

26 0 0
                                    

"Bogum, ano ba? Kanina pa ko nagaantay dito. Sana hindi mo nalang ako pinapunta. Sayang oras ko sayo" iritableng sabi ni Irene kay Bogum na kasalukuyang nasa bar at nakikipagsocialize sa barkada nya.


"O edi sige. Umalis kana kung nabobored ka" sagot ni Bogum. Bagaman, alam ni Irene na lasing na ito, ay sumama parin ang kanyang loob. Bihira na silang magkita ng kanyang boyfriend, at madalas puro pambabae at barkada nalang ang inaatupag nito. Padabog na umalis si Irene ng bar. Galit sya. Galit sya sa nangyayare. Naalala nya lahat ng nangyare sakanya nung kinaumagahan. Kinausap sya ng Dean about sa progress nya ayon sa kanyang tutor.

-Flashback-


"Tito? Pinatawag mo daw ako?" Saad ni Irene pagkapasok nya ng office ng tito nya.


"Oo Irene. Basahin mo tong report ni Seulgi. Ayon dito, sa 8 araw na tinuruan ka nya, at sa 24 na beses ka nyang pinagquiz. 4 lang ang ipinasa mo! Parang lumalabas na wala kang improvement, maawa ka sa tutor mo. Mawawalan syanng scholarship pag hindi ka nya naipapasa sa mga test. At syempre. Nasabi ko na to sa daddy mo at hindi sya masaya." seryosong sabi ng tito nya.


Kung aalamin ang nararamdaman ni Irene ngayon. Galit sya. Galit na galit. Una dahil pinagalitan nanaman sya ng kanyang ama, pangalawa ay binabalewala na sya ng boyfriend nya, pangatlo, masyadong pabibo si Seulgi. Nabuo na sa isip nya na sitahin si Seulgi at pahiyain ito dahil sa nangyare.

"Hello, ako to. May papagawa ako sa inyo" utos ni Irene sa kausap nya sa cellphone. Gaganti sya sa ginawa ni Seulgi sakanya.


3rd Person POV


Nagkakagulo ang lahat ng estudyante sa quadrangle kung saan may nangyayareng di magandang eksena. Ang target ng grupo ay si Seulgi. Mga taga ibang school ang mga ito. At hindi alam ni Seulgi kung pano at bakit sya pinupuntirya ng mga babaeng nasa harap nya ngayon.


"Ano bang kasalanan ko sa inyo? Akin na yang gamit ko! Project ko yan! Maawa kayo. Tatlong araw kong pinaghirapan yan. Nagmamakaawa ako. Ibigay nyo na sakin yan." pangungumbinsi ni Seulgi. Pero tila walang naririnig ang mga ito at pinagpapasa pasahan parin ang mga gamit nya. Hanggang sa iniingatang project ni Seulgi ay nalalaglag at nasira. Iiyak na si Seulgi. Pero pinipigilan nya dahil ayaw nyang ipakita na mahina sya. Itinulak sya ng isa sa mga babae, napaluhod sya at nalaglag ang suot nyang salamin. Akmang aabutin ni Seulgi ang salamin nya ng agad itong inapakan ng babae.

Dumating si Irene, nakita nya ang nangyayare. Ibang iba sa napagkasunduan nila. Ang usapan lang ay sisirain ang project para hindi sila makapagtutor at magkaron sya ng oras kay Bogum, pero ang sirain at saktan si Seulgi ay wala na sa kanilang napagkasunduan. Agad syang lumapit. Umiiyak na si Seulgi. Agad nakaramdam si Irene ng pagkaguilty at sinenyasan na ang mga babae na tumigil na. Bagaman malabo ang mata ni Seulgi, alam nya na si Irene ang kausap ng mga babae.


"Wala sa usapan natin ang mananakit kayo at maninira kayo ng ibang gamit bukod sa project nya." giit ni Irene

"Ah Ms. Irene, sabi kasi ni Jimin gawin narin naman dahil mas matutuwa ka." Sagot ng isang babae.


"Umalis na kayo tapos na ang kasunduan" saad ni Irene.


Kinuha ni Irene ang basag na salamin ni Seulgi. At akmang lalapitan nya ito, ng bigla itong nagsalita.


"Hindi paba sapat sayo na sa mahigit isang buwan ako ang utusan ng mga kaibigan mo? Hindi pa ba ako nakakabayad sa hindi ko naman sinadyang pagpapahiya sayo? Kulang pa ba yung paghingi ko ng tawad ng paulit ulit? Kulang paba yung pagtanggap ko sa lahat ng insulto na sinasabi nyo sakin? Kulang paba na sumunod ako sainyo para ganyanin mo ko?" dirediretsong sabi ni Seulgi. Halata sa mga boses neto ang labis na pagkadismaya at halong galit.


"kung hindi mo sinabi kay dean na hindi ako nagiimprove edi sana hindi ako papagalitan, hindi rin sana ako mawawalan ng time para sa boyfriend ko, im grounded dahil dian sa improvement report mo!!" sigaw ni Irene sakanya.

"Dahil lang don? Kaya kaya mong mangutos ng manakit at makasakit ng tao? Naniniwala na ko. Hindi ka na magbabago. Sorry kung nasira ko ang mga plano mo. Pero sana, isipin mo rin na para sayo tong ginagawa ko." pagkasabing iyon ni Seulgi ay tumayo na ito at umalis.


Naiwan si Irene na nakatulala. Naging childish sya. Padalos dalos sa emosyon at pagiisip. Nadala lang sya ng galit. Gusto sana nyang pigilan si Seulgi pero hindi nya alam kung paano ang tamang approach. Tinignan nya ang sirang salamin ni Seulgi at ang sirang project na kung tutuusin ay ginawa nilang dalawa nung maagang natapos ang kanilang tutor session.

Buong maghapon nagantay si Irene sa library. Day 16 na nagpagtutor sakanya ni Seulgi. Pero mukhang galit talaga si Seulgi at mukhang walang balak siputin sya ng biglang may isang babae na humahangos at papalapit sakanya.


"Hi Irene! Ako si Wendy. Sorry nalate ako. Kakakuha ko lang kasi ng schedule mo and ng materials na nagawa ni Seulgi." hingal na sabi ni Wendy.

"Ah? Nasan si Seulgi?" takang tanong ni Irene.


Nakita ni Irene ang pagseryoso ng mukha ni Wendy. Na agad nyang ikinaba. Baka naaksidente ito o baka kung napano. Andaming tumatakbo sa isip ni Irene.


"Wag ka magalala. Iskolar din naman ako. And nabigay na sakin ni Seulgi yung review materials nya." paninigurado ni Wendy.


Halata sa mukha ni Irene na naguguluhan parin ito. Kaya nagtutuloy tuloy si Wendy sa pagsasalita.


"Nakipagusap si Seulgi kay Dean kanina, regarding sa scholarship at sa pagtututor. Alam mo Irene, mabait ang bestfriend ko. And sa span ng panahon na tinuturuan ka nya. Alam nyang kaya mo, pero baka marami ka lang daw distractions kaya ganon. And willing nyang isakripisyo lahat ng free time nya para maghanap ng method na mas madadalian ka sa mga bagay bagay. Sana ngayon alam mo na na pinahahalagahan ka rin ni Seulgi." tahimik lang si Irene. Naiintindihan naman nya na masyado na syang naging o.a sa kanyang reaksyon. Pero parang nalaglag ang puso nya sa mga susunod na narinig nya mula kay Wendy.


"Ayaw na ni Seulgi na ipagpatuloy ang pagtututor sayo.. Kaya Irene, im your new tutor" mariin na sabi ni Wendy.

Tutoring Ms. AphroditeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon