"Alam mo ang cute mo, hindi po ganyan ang paghuhugas ng pinggan" sabi ko sakanya.
Nakaback hug ako sakanya at naramdaman ko ang pag stiff nang katawan nya sa ginawa ko pero agad din naman itong nawala. Hinawakan ko yung kamay nya na may hawak ng sponge tapos tinuro ko kung paano ang tamang pagkuskos.
"Nananyansing ka lang ata" mahinang bulong nya."Hala hindi kaya" sagot ko naman. Agad ko rin naman syang binitawan. Baka iniisip nya manyak talaga ko. After non, naramdaman ko yung ackward feeling. Hindi ko lang siguro mapoint out. Pero parang may mali sa set up namin. I shrugged it off kasi pagkatapos nya, umakap na sya sakin ulit. Inaya nya kong magmovie marathon.
"Irene. Uwi na ko." napansin ko kasi na mag aalas singko na. Need ko nang umuwe, dahil ang paalam ko lang kay nanay ay isang araw lang akong magsstay dito kela Irene.
"Dito ka nalang ulit muna matulog?" suwestyon nito sakin.
"Gustuhin ko man, hindi po pwede. Kasi po mahal na prinsesa, Monday po bukas, at yung mga gamit ko nasa bahay" sagot ko sakanya.
"Edi maaga nalang tayong dumaan sainyo para sa things mo?" pangungumbinsi nya.
"Pwede po bang next week nalang? Please? Baka mamaya di na ko payagan ni Nanay magsleepover. Uwi muna ko" saad ko naman. Nakita ko syang umismid pero tumango rin agad.
"Sorry n--" nanlaki ang mga mata ko ng bigla syang umupo sa lap ko at hinalikan ako. Sinubukan ko syang ilayo pero sige parin sya sa paghalik."Irene ano ba!" nakahawak ako sa mga braso nya ngayon, kita ko sa mukha nya ang pinaghalong inis at shock.
"Sorry. Nadala lang ako" umalis sya sa pagkakaupo sakin at nagayos ng sarili.
"Tara na. Hatid na kita palabas" sabi nya sakin. Pumayag ako at nagbihis na ng damit kong isinuot sa event.
"Ill see you tomorrow?" tanong ko sakanya. Tumango naman sya. Bago ako tuluyan maka alis, ay hinila nya ulit ako sa braso.
"Sorry kanina." mahina nyang sabi. Pinat ko sya sa bumbunan at ginulo ang kanyang buhok.
"Cute cute mo. Wala yon sakin. Nabihgla lang din ako. Sorry din" sabi ko naman sakanya. Tinignan nya ko, nakangiti na sya sakin. Ang ganda talaga nitong babaeng to. Mabilis nya akong pineck sa lips sabay itinulak sa palabas.
"Umalis kana. Baka di pa kita pakawalan." natatawang sabi nya. Tumawa narin ako at pumayag.
"See you!" Pagwave nya at isinara na nya ang kanyang pinto.
Nasa byahe palang ako ng biglang nag ring yung cellphone ko. Hindi ko ito masagot since medyo siksikan kami sa jeep. Pagkababa ko ay agad akong pumara ng tricycle para makarating sa barangay namin. Nakauwe ako sa bahay pasado alas syete na at naghahanda na si nanay ng hapunan.
"Nay sorry hindi ko nasagot mga tawag nyo" paglalambing ko dito.
"Anong tumatawag? Pang teks lang yung iniregister mo sakin, dahil kamo yun lang ang kasya sa sampung piso na load ko. Kaya hindi ako yung tumatawag" mahabang litanya ni nanay sakin.
Dun ko napagtanto na baka si Irene or iba yung tumatawag sakin. Shuta. 11 missedcalls galing kay Irene lahat. Kumain muna kami ni nanay. Atsaka ko sya tinawagan. Kaso busy ang number nya, kaya tinext ko nalang sya.Pagtapos kong makipagusap kay daddy ay nakatanggap ako ng message galing kay Seulgi. Agad ko syang tinawagan ulit at this time singot na nya.
"Hello? Irene? Pasensya na kanina nasa byahe ako kaya di ko nasasagot" sabi nya sakin. Napaikot lang ako ng mata. Kanina pa kasi ko nagaalala dahil may napanuod ako sa balita na uso ang holdapan nyayon sa area na malapit sakanila.
"Dat nagtext ka man lang" sabi ko. Humingi ulit sya ng pasensya. Wala naman talaga akong magagawa dahil nangyare na.
"Wag kana magsorry. Nagalala lang ako, pero atleast nakauwe kana. Panatag nako" sabi ko naman sakanya.
"I miss you" bigla nyang sabi habang nagkkwento sya. Medyo kinilig ako. Medyo lang. Hay nako Seulgi.
Natulog akong may ngiti saking mga labi.
Sweet Talker: wifey!
Sweet Talker: huy!
Sweet Talker: tulog kana ba?
Sweet Talker: aww. may kausap.
Sweet Talker: :(Sweet Talker: Ms. Arroyo-- soon to be Mine.
Sweet Talker: pansinin mo naman ako.
Sweet Talker: ...wifey. Notice me.
Binato ko ang gamit kong cellphone sa kama. Kanina pa hindi nagrereply si Joy. Hindi ko alam kung magaalala ako o malulungkot. Nakita ko kasi sa post sa instagram nya na may nag bigay ng flowers sakanya. Minsan naiisip ko nalang gawing simple ang lahat kaso kasi hindi rin talaga ako yung pwedeng magdesisyon. Baka masira kung ano man ang meron kami ni Joy, bilang textmates, sayang lang ang pinaghirapan. May sapak pa naman sa ulo yung babaeng yon.
"Ate. Wala pa ring reply" sabi ko sa pinsan ko."Yung mga sinabi ko ba sayo yung isinend mo?" tanong naman nya.
"Oo. Di na ata eepekto sakanya yon, mag move on nalang tayo?" pabiro kong sabi sakanya.
"Hindi pwede! Sayang. Andyan na yan e!" sagot naman nya sakin. Napaisip ako. Tama naman talaga ang pinsan ko. Dapat ituloy nalang namin. Maya maya pa'y nakita kong umilaw ang cellphone na pang text ko kay Joy. Nagreply na sya.
"Oh ate. Nagreply!! Dalian mo. Basahin mo na" sabi ko kay Ate.
Joy: zzzzz
"Anong irereply ko?" Tanong ko kay Ate. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nya.
"Ano bang irereply mo sa ganyan?! Jusko, nageffort pa talaga syang mag text tas puro Zzzz" galit na sabi ni Ate.
"Ano nga irereply ko. Bilis" sabi ko ulit rito.
"Replyan mo na, sabihin mo tulo laway nya" seryoso nyang sabi.
Sent. After kong isend yon sinabihan ko na si Ate na matulog na kami, kaso nagreply nanaman si Joy.Joy: puta ka. Sinong nagsabi sayo na tumutulo ang laway ko?!
"Ate galit sya!" sabi ko"Huh?, bakit?" takang tanong nito sakin.
"Sinagot ko yung sinabi mo" pinakita ko ang reply ko.
"Kaya pala! Dali lambingin mo" sabi nito.
Iilang ilang nalang akong nagreply. Nagkatext pa kami ni Joy hanggang sa nagpaalam na kami sa isat isa na matutulog na.
BINABASA MO ANG
Tutoring Ms. Aphrodite
RomanceClichè story. SeulRene fanfic. :) There would be smuts along the way. So be prepared. WAG BASAHIN if hindi ganito ang type ng story na gusto nyo. Nabuo ko ang storyang to sa banyo. Bow. :D happy reading!