TMA 26

2 0 0
                                    

"Oha! Pwede ka na dumilat Ms. Seulgi" sabi nito sakin ng matapos syang ayusin ang buhok ni Seulgi. Agad naman idinilat ni Seulgi ang isa nyang mata. Nagulat sya. Hindi nya alam kung maiiyak ba sya o magiging masaya. Unang una, ginupitan sya na hanggang lagpas balikat ang buhok nya at dark brown na ito. Parang nagkaron ng buhay ang kanyang buhok.

"Ms. Miranda, tapos ko na po ayusan si Ms. Seulgi" proud na proud na sabi ni Charles.


Paglingon ko kay Tzuyu ay nakita ko na bumuka ang kanyang bibig pero agad din nya itong isinara.

"Wow! You look stunning Gi!" agad syang lumapit at inakap ako. Ng makauwe ako, nagulat si Nanay sa itsura ko. Pwede na daw akong irampa sa Binibining Intergalactic sa fiesta na gaganapin next month. Kwentuhan lang kami. May usapan na kami ni Tzuyu sa isusuot ko, at may usapan narin kami na susunduin nya ko.

Parang dumaan lang ang maghapon. Kinakabahan si Seulgi. Bukod sa hindi nya talaga alam kung bakit sya pumayag sa alok ni Tzuyu na maging plus one nito. Natatakot sya na baka hindi sya magblend in sa mga nandoon.

Tzuyu's Calling:


Tzuyu: baba kana. Andito na ko sa sala nyo.

Seulgi: ha? Teka!!! Pumanik ka muna dito. Hindi ko alam kung okay na ba tong suot ko.

Agad nakarinig ng katok si Seulgi. Pag bukas nya ay andon ang nanay Anita nya at si Tzuyu na mukhang anghel sa ganda.


"Napaka bagal mo anak. Pinagaantay mo pa itong si Yui" sabat ng nanay nya.

"Itak-in mo yang damit mo. Para hindi ka mukhang balahura." sabi ng nanay nya habang inaayos ang damit ni Seulgi.

"Nay, baka hindi bagay sakin ung tuck in" sagot naman ni Seulgi sa nanay nya.

"Anak, si aling Luzviminda nga na halos magsumigaw ang puson nagtatak-in." nagtawanan ang tatlong nasa kwarto.

"Ayan. Maayos na, hala't sige na. Mahuhuli kayo" sabi ni Aling Anita ng makita nito ang oras.


"You look good" sabi ni Tzuyu.


"Ikaw din. Ang ganda ganda mo ngayon" sabi ni Seulgi na agad ikinapula ng mukha ni Tzuyu.


"Ready?" tanong ulit ni Tzuyu.


"Ready" agad na sagot ni Seulgi. At sila ay umalis na papunta sa event.


"Matagal pa ba kayo?" inip na sabi ni Solar. Kasama nya si Mina at Joy na inaantay sila Irene, Nayeon at Yeri magbihis. Kasalukuyan nagaayos ang magbbarkada sa isang hotel na nirent nila para dun nalang sila matutulog after ng event. Para makapagbonding narin.

"Ang tagal nyo! 5:47pm na! 6pm yung event!" sigaw naman ni Joy.

"Oo na. Lalabas na." sigaw naman ni Yeri. Lumabas ang tatlo na nakaayos na.

"Finally!" sabi nanaman ni Joy.

"Tara na?" tanong ni Mina.

"Ready na tayo girls?" sabi ni Solar. Agad sumangayon ang lahat at bumaba na sila sa lobby at nagtungo sa venue ng charity event.

"Sorry Tzuyu. Late tayo. Dapat kasi nauna kana. Susunod nalang sana ko." hindi mapakali si Seulgi. Late na kasi, 6pm ang start. 6:10pm na, ayaw pa naman ni Seulgi ng may nalelate ng dahil sakanya.


"Gi, it doesnt matter. Pagkain lang talaga habol ko don. Haha" agad na sabi ni Tzuyu


"Seryoso kaba?" takang sagot ni Seulgi.


"Partly yes. Masarap magluto yung magccater ng food ngayon e. From Japan pa kaya looking forward ako. Besides, opening remarks palang, 7pm pa talaga yung event." sabi ni Tzuyu. Agad nakahinga ng maluwag si Seulgi. Lumipas pa ang bente minutos ay nakarating din sila sa event.

"Girls dun daw ang table natin!" sabi ni Nayeon.


"E bakit walo yung upuan?" tanong naman ni Yeri

"Baka may guests tayong kasama?" sagot ni Solar.

"Sana mga bachelor" agad naman na sagot ni Joy.

"Upo na tayo. Nagsstart na." sabi ni Nayeon

"Wait. Magccr muna kami ni Mina" sabi ni Irene.

Nagspecial entrance ang dalawang dalaga na nalate. Agad naglingunan ang mga nasa likod na bahagi ng silid. Binati ng iba si Tzuyu, ng makapunta sila sa table nila, agad bumilis ang tibok ni Seulgi.


Kasama nila sa table ang grupo nila Irene.


"Omygoodness" sabi ni Yeri ng nakita nya si Seulgi.

"Kaw na ba yan nerd?" sabi naman ni Joy

"Bagay sayo." sabi ni Solar.

"Ah? Salamat." yan lang ang naisagot ni Seulgi. Masyado syang naging conscious sa nangyayare. Kasama nya sa table ang mean girls. Naramdaman nya ang hawak ni Tzuyu sa braso nya.

"What did we miss?" sabi ng babae. Kilala ni Seulgi ang boses n yon..hindi sya pwedeng magkamali. Nilingon nya ito. At napawow sya, ang ganda ganda ni Irene sa white and gold dress nya. Nagkagulatan pa sila. Dahil hindi agad namukaan ni Irene si Seulgi.

"Ahem" pangagaw pansin ni Tzuyu sa dalawang nagtititigan.

"Hi Irene!" sabi ni Tzuyu. Agad naputol yung pagtitinginan nila at binati narin nila Irene ang mga ito.

"Hi" "Hello" sabay nilang sabi.

"Hindi kita namukhaan" mahinang sabi ni Irene.

Napakamot lang sa batok si Seulgi. Habang nagmamasid ang ibang nasa lamesa sa interaksyon nung dalawa.

"Gi?" tawag ni Tzuyu sakanya. Agad naman itong tumango at tumabi na kay Tzuyu.

Nang lahat ay settled na sa kanilang upuan, nagsalita na ang emcee. Lahat ay tahimik at nakikinig. At inintroduce narin ang nagsponsor ng event.


"Let's all welcome Mr. Tomohiro Ochavez" saad ng emcee. Agad naman nagpalakpakan ang mga bisita kasama naron sila Irene at Tzuyu. Narinig na ni Seulgi ang pangalan na yon. Pero hindi nya lang matandaan kung saan.

"Hello, thank you for coming everyone. Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. Nais kong malaman nyo, na lahat ng malilikom dito sa charity event na to ay idodonate sa mga napiling foundation and at ang iba naman ay para sa research and development ng Ochavez Motors sa Japan at sa Suarez Pharmaceutical Group. Also, I would like to take this opportunity to introduce to you my unica ija, Aryiza "Sana" Ochavez" saad ni Mr. Ochavez.

Lahat kami nakatingin sa magandang dalaga na may orange na buhok. Para syang manika. Nakita ko rin ang pag titig ni Tzuyu dito. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Agad nya kong tinignan at ako'y kanyang nginitian. Ramdam ko ang mga tingin ni Irene sakin. Agad kong binitawan ang kamay ni Tzuyu. Nang kainan na, ay di ko napigil ang aking sarili na hindi mapa wow sa sarap ng pagkain. Tuwang tuwa naman ang mga kasama namin sa table. Para daw kasi akong bata. Pagtapos namin magdinner, nagsimula na ang bidding, mula sa mga properties, stocks, magagarang kotse at pati sa mga mamahaling paintings lahat nasold. Ngayon ay nagaayaan na magsayaw. Inaya ako ni Tzuyu. Napansin kong ang sama ng tingin ni Irene. Inaaya rin naman syang magsayaw nila Solar at nung pumayag ako, ay pumayag din sya. Masaya sa dance floor, pero biglang naging soft and mellow yung kanta. Tzuyu pulled me closer, halos magdikit na ang aming mga katawan. Ipinatong nya ang kanyang mga braso saking mga balikat at inilagay ko naman ng aking mga kamay sa kanyang bewang. I can almost feel her heartbeat. And dun sa moment na yon, Tzuyu said.

"Seulgi, I think I'm inlove with you" 

Tutoring Ms. AphroditeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon