TMA 11

13 0 0
                                    

Madaming tumatakbo sa isip ni Irene. Sa oras na sinabi ni Wendy na sya na ang bagong tutor nito, nasaktan sya. Kailangan nyang mapabalik si Seulgi, hindi na dahil may pustahan sila nila Chanyeol. Pero dahil alam nyang nakasakit sya ng iba.


Magdamag syang hindi nakatulog kakaisip kung paano nya makakausap si Seulgi.

Kinabukasan, maagang nagpaluto ng mga pagkain si Irene para madala nya sa school. Nabanggit ni Seulgi noon na mahilig sya sa pagkain at kung papalarin ay makapagaral din sya kung pano magluto para maexpand nila ang mga tinda ng nanay nya. Magsosorry sya kay Seulgi. Napagdesisyunan nyang ayain ito sa private lounge sa school na para lamang sa mga board members at guests. Para narin makapagusap sila.


Hiningi narin nya ang schedule ni Seulgi kay Wendy para hindi sya nito matakasan.


Pagkarating sa eskwela ay agad nyang pinahanda lahat. Si Seulgi nalang ang kulang. Nang nakita nya na palabas na ng classroom si Seulgi, agad nya itong nilapitan at hinila sa manggas ng kanyang polo. Nilingon sya ni Seulgi. Medyo natulala pa si Irene. Wala na itong salamin, kaya kitang kita nya ang maganda nitong mga mata.


"Bakit?" seryosong tanong ni Seulgi. Iniwas din nya ang kanyang balikat para mawala sa pagkakahawak ni Irene.

"Sumama ka sakin. May papakita ako" sabi ni Irene. Agad na tumanggi si Seulgi at mabilis na naglakad palayo.


"Seulgi!" Sigaw ni Irene, pero hindi na sya nito nilingon.

Failure. Isang malaking epic fail at waste ng time ang ginawa ni Irene. Hindi nya napapayag si Seulgi na pumunta sa private lounge. So ang ending, sila silang magbabarkada nalang ang nagsikain ng mga pagkain na pinahanda nya.


"Bat mo pa kasi ginawa?" tanong ni Solar habang puno ang bibig ng pagkain. Napairap si Irene. Kanina pa sila kumakain. Pero parang hindi nabubusog ang mga dalagang kasama nya.


"Balak ko naman kausapin sya e. Kaya ko nga to pinahanda! Tas ang lakas ng loob nyang ireject ako." Nakalabi na sabi ni Irene.


"Girl, sabi ni Byulko, hindi nagagalit si Seulgi. Diba they were friends since elem days pa. Ngayon lang din daw nya nakita na ganon si Seulgi. You must've trigger something kaya ayaw ka na nyang pakinggan." saad pa ni Solar.


Nagtanguan ang iba pa nyang mga kasama.


"Bat di mo nalang suyuin?" suwestyon ni Yeri habang humihiwa ng cake.


"O nga." Sabay na sagot ni Joy at Nayeon.


"At pano?" tanong ni Irene.

"Magsorry ka. Yung sincere at di nakikipagtalo. Tanggalin mo muna yang attitude mo. Magpakumbaba ka." mahinang sabi ni Mina.


Lahat sila nagtinginan kay Mina. Bihira lang kasing makisawsaw sa ganitong usapan si Mina. Pero infairness, may sense.

Lumipas pa ang 3 araw pero lalong humirap at onti onting nawawalan ng pagasa si Irene na makausap si Seulgi. Pagnakakasalubong nya ito ay hindi man lang sya tinitignan at laging lumilihis ng daan.


"Ugh!! Pano ko makakapagsorry kung lagi syang umiiwas!" paupong sumalampak si Irene sa sala, kasalukuyan silang may movie night magbabarkada. Nahihirapan na sya. Never syang naghabol, pero para kay Seulgi, lulunin nya ang kanyang pride.


"I already asked Byulko to help you. She gave me Seulgi's address. Go nalang sa bahay nila to apologize" sabi ni Solar habang inaabot ang papel.


"Bring food and something for her nalang din" wika naman ni Yeri. Etong si Yeri puro pagkain nalang ata ang nasa isip.

"And please. Wag mo muna pairalin pride mo" sabi ni Mina.


Sumangayon ang lahat at nanuod na ng movie.


Sabado


Setting: Barangay Kalayaan
Oras: 6:39 am
Mga Karakter: Irene na may paayuda at Seulgi na aayudahan.

Tinignan maigi ni Irene ang papel na naglalaman ng adress ni Seulgi, hindi sya sanay gumising ng maaga, at lalong hindi sya sanay na maraming tao at dikit dikt ang bahay.


"Maam, sigurado po ba kayo na dito nakatira ang kaklase nyo?" tanong ni Mang Enteng na family driver nila.


"Opo kuya e. Tulungan nyo nalang po ako magbuhat ng pinamili at hahanapin ko pa ang bahay nila." Bumaba si Irene at nilinga linga ang paligid. Naglakad sya padiretso sa eskinita at hinanap ang numero ng bahay nila Seulgi. May humila ng damit nya sa likod, nilingon nya ito.


"Ate, may limampiso ka? Penge naman. Bili lang pandesal." sabi ng batang nasa harap nya. Imbis na mandiri sya ay nakaramdam sya ng awa. Binigyan nya ito ng limang daan.


"Eto. Pambili mo ng madaming pagkain. Damihan mo ha at wag ka magpapagutom" sabi ni Irene. Nakangiti si Irene. Iba pala sa pakiramdam ang nakakatulong. Ang hindi nya alam ay nakikita na sya ni Seulgi mula sa bintana ng kwarto nya.


Nahanap ni Irene ang bahay nila Seulgi at marahan syang kumatok. Pinagbuksan sya ng pinto ni Aling Anita.


"Magandang umaga po. Ako po si Irene. Kaklase po ako ni Seulgi. Pasensya na po at nakaistorbo ako. Pwede ko po ba syang makausap?" Saad ni Irene. Bakas sa mukha ng matanda ang pagkagulat at pagkamangha. Pinatuloy nya ito.


"Nako iha, pasensya kana, hindi ako nakapaglinis. Teka. Nagalmusal kana ba? Halika't kakain kami ng umagahan ni Seulgi. Sumalo kana muna samin" aya sakanya ni Aling Anita.


"Seulgi! Anak! Andito si Ayren! Bumaba kana dian at kakain na!" sigaw ni Aling Anita sa kanyang anak. Dali daling bumaba si Seulgi at nakakunot ang noo na hinarap si Irene.


"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Seulgi. Sasagot na sana si Irene ng biglang hinampas ni Aling Anita ng sandok si Seulgi sa balikat.


"Ay aba ikaw na bata ka. Maayos syang pumunta dito para sayo. Wag kang ganyan at maging mabait ka sa bisita mo, hala sige. Maghain kana." Utos nito kay Seulgi.


"Nay naman! May mantika yung sandok! Kakaligo ko lang!" Reklamo ni Seulgi.


"Abay maligo ka nalang ulit at labhan mo yang damit mo para hindi magmantsa yung mantika" natatawang sagot ni Aling Anita sa kanyang anak.


Nakangiti si Irene habang pinapanuod ang mag-ina.

Tutoring Ms. AphroditeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon