TMA 13

11 0 0
                                    

Since nakapagusap na sila at nagkasundo na sa kanilang new rules. Agad na hinila ni Seulgi si Irene sa kanyang munting study table. At may kinuha itong libro. Mukhang pagbabasahin agad sya ni Seulgi.


"Malapit na magmidterms, need na natin magdoble kayod para makapasa ka. Etong librong to, mabilis lang aralin ang formulas, iuwe mo. Basahin mo ha?" sabi ni Seulgi. Tumango naman si Irene. Napagdesisyunan ni Irene na gawin ang best nya para sa kanyang pagaaral.


"Nga pala, para saan yung mga paper bag?" turo ni Seulgi sa kaninang bitbit ni Irene.


"Ah. Sorry gifts ko para sayo." tugon ni Irene.


"Hindi naman kailangan. Gumastos ka pa? Isang maayos na sorry lang naman ang hinihintay ko mula sayo" seryosong usap ni Seulgi sakanya. Tama si Mina, kung marunong lang sanang magcontrol si Irene ng temper nya, hindi na siguro sila aabot sa ganito. Agad hinawakan ni Irene ang kamay ni Seulgi. Napatingin si Seulgi sakanya at tila ba'y nagtataka.


"Im sorry. Totoo yon. Ive been childish and irresponsible, hindi ko iniisip ang iba. Im really sorry" nakatungong sabi ni Irene. Inangat ni Seulgi ang mukha ni Irene na ikinalaki naman nito ng mata.


"Wag mo nalang ulitin ha? Pintawad naman na kita" sabi ni Seulgi.


"Pero hindi mo na kailangan gumastos sana. Sana inipon mo nalang yung pinambili mo nito or binigay sa mas nangangailangan." saad ni Seulgi habang tinitignan ang mga laman ng paperbag.

"Try mo. Ako pumili nyan. Feeling ko bagay sayo" sabi ji Irene at inisa isang nilabas ang mga laman ng paperbag.


"Luh?! Okay naman na ko sa polo at tshirts ko." Sabi ni Seulgi.


"Dali na. Try mo lang naman." pamimilit ni Irene.


"Sige pag naisipan ko." tugon ni Seulgi.


Biglang nagring ang phone ni Irene. Tumatawag si Bogum. Agad tong sinagot ni Irene. Pagtapos makipagusap, nagpaalam na si Irene kayla Seulgi at Aling Anita


Naabutan nyang nakatayo si Bogum sa harap ng kanyang condo unit na may dalang bulaklak.

Hinatid si Tzuyu ng kanyan ama sa DMU. Kung tutuusin, daddy's girl talaga si Tzuyu kaya normal na sakanya ang ganitong set up. Protective kasi ang papa nya. Only child lang din kasi sya.


"Have fun anak! Pag may problema, tawagan moko agad okay?" wika ni Don Alejandro sa anak nya.


"Yes pa! Good luck sa meeting mo. See you later!" sagot naman ni Tzuyu sa kanyang ama. Tumango ito at kumaway habang papaalis ang kanilang sasakyan. Nang hindi na matanaw ni Tzuyu ang kanyang papa. Humarap sya sa gate DMU, at nagbuntong hininga.


"Okay Tzuyu. You can do this" usap nya sa kanyang sarili.


Papasok palang sya ay pinagtitinginan na sya ng mga estudyante. Palibhasa ay nalate sya ng halos isa at kalahating buwan sa klase. Agad nitong hinanap ang BSBA na building.


"Oops! Sorry miss!" nabangga nya kasi si Tzuyu, nalaglag ang mga libro. Agad silang yumuko para pulutin ang mga ito. Pagtayo nila ay bigla silang nagkagulatan.


"Ikaw?" Gulat na gulat na tanong nila sa isat isa.


"Haha. Yes. Dito ko nagtransfer. You? Are you also a student here?" tanong ni Tzuyu kay Seulgi.


"Oo." Kakamot kamot si Seulgi ng kanyang ulo. Hindi nya iniexpect na makikita nya sa school si Ms. Miranda.


"Can you tour me around the campus? Ikaw palang ang kilala ko dito e." Nahihiyang tanong ni Tzuyu.


"Oo tamang tama. Wala kming prof at vacant ko gang 10am. Akin na yung school registration and list ng klase mo" saad ni Seulgi. Inabot naman ito agad ni Tzuyu. At sila ay naglakad na.


Samantala, nakita ni Irene lahat ng nangyare. Nasa ika pangalawang palapag sya at nakatambay sa corridor ng makita nya si Seulgi at ang babae na nagkabanggaan. Naningkit ang mga mata ni Irene ng nakita nyang hinawakan ng babae ang balikat ni Seulgi. Hindi nya gusto ang nakita nya at pinagdadasal na sana wag nang maulit.

Nakakatuwa. Medyo at ease na ang isip ni Tzuyu, kasama niya ngayon ang babaeng nakausap nya sa clubhouse. Hindi pa nagpapakilala ang babae sakanya, pero pakiramdam nya ay matagal na silang magkakilala. Kinalabit niya si Seulgi sa balikat, agad naman humarap si Seulgi.


"Im Tzuyu Miranda, just thought na need kong magintroduce sayo." sabay abot ng kanyang kamay kay Seulgi.

"I know. Hehe. Nakita ko yung name mo sa likod ng book na naiwan mo sakin. Im Seulgi, Seulgi Amarillo" at nakipagshakehands narin ito kay Tzuyu.


"Management ang course mo? Nice! Ako marketing! May pareho tayong klase." wika ni Seulgi. Dahil nagkkwentuhan sila, hindi nila namalayan na nasa accountancy department na pala sila, may klase don si Tzuyu. Nawala rin sa isip ni Seulgi na doon din ang klase ni Irene. Nasa may pintuan na sila ng biglang sumulpot si Irene sa likod ni Seulgi.


"Bakit ka nandito?" seryosong tanong ni Irene.


"Ah, hi Irene! Sinamahan ko lang sya. Dito kasi klase nya. Ay, wait. Magkaklase kayo! Tzuyu, si Irene, Irene si Tzuyu." mabilis na pagpapakilala ni Seulgi sa kanilang dalawa. Nilahad ni Tzuyu ang kanyang kamay, tinignan lang ito ni Irene. Kung hindi pa umihem si Seulgi ay hindi pa nya ito tatanggapin. Nagring na ang bell hudyat na magsstart na ang sunod na klase. Dirediretsong umupo si Irene ng hindi na nagpapaalam sa dalawa. Matalim na tingin ang ipinupukol nya sa dalawang nasa may pintuan parin at parang ayaw maghiwalay. Mas lalong humigpit ang hawak nya sa kanyang ballpen ng makita nyang hinalikan ni Tzuyu si Seulgi sa pisngi na ikinagulat naman ng isa.


"Thats my way to say thank you! See you later?" tanong ni Tzuyu. Nagkasundo silang sabay maglunch. Tumango si Seulgi at nagpaalam narin na aalis, pero hinila sya ulit ni Tzuyu.


"I forgot to get your number. Pano ko malalaman kung tapos na ang klase mo?" agad na binigay ni Seulgi ang kanyang number kay Tzuyu.


If looks can kill kanina pa bulagta ang dalawang nasa may pintuan. Sinubukan naman ni Irene na ibaling ang atensyon sa iba. Ngunit dun parin bumabagsak sa dalawang taong masayang naguusap sa pinto ng classroom nila. Kita pa nya kung pano hinalikan ni Tzuyu si Seulgi sa pisngi. Nanggagalaiti sya sa di malamang dahilan.


Nasa classroom na si Seulgi nang makatanggap sya ng text.


From: 0916*****

Hi Seulgi! Tzuyu here. See you later! ;)

Agad napangiti si Seulgi at sinave ang number ni Tzuyu.

Tutoring Ms. AphroditeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon