TMA 8

19 0 0
                                    

"Young Miss!!!" hangos na tawag nung lalaki,


"Kanina kapa po namin hinahanap. Hindi ka raw po kasi macontact ni Don Alejandro" kakamot kamot na sabi ng lalaki. Napatayo bigla ang babae, at nagbow sa harap ni Seulgi.


"Sorry ha. Kailangan ko ng umalis." Mabilis na nagimpake ang babae..


"Uy teka. Etong libro mo." tawag ni Seulgi. Nilingon sya ng babae.


"Young Miss, halika na po. Tumatawag nanaman po si Don Alejandro, baka pagalitan na po ako" sabat nung lalaki at inakay na ang babae sa kotse. Sumakay ito at ibinaba ang salamin.


"Sayo nalang! Salamat! Babye!!" sigaw nya at kumaway kaway pa ito.


Napangiti nalang si Seulgi habang kumakaway din pabalik. Hawak nya ang libro, nang maalala nya, nasa babae din pala ang kanyang panyo. Dalawang panyo na ang naipapamigay nya.


"Hala. Yung panyo ko." Napakamot nalang nang ulo si Seulgi.


Tinignan nya ulit ang libro, nakita nya na may pangalan ito sa pinaka likod ng cover.

"Tzuyu Miranda"

"Saan ka ba nanggaling ikaw na bata ka?? Alam mo namang ayaw ni Don Alejandro ng hindi ka nagsasabi. Muntikan na kaming atakihin sa puso sa kakaalala sayo. Hala sige, magpunta ka sa daddy mo, asa study nya" bati ng matandang babae.


Agad syang pumunta sa study room. At kumatok.


"Pa?" sumilip ang babae at nakita ang kanyang ama na may kausap sa cellphone nito. Nilingon sya nito at tinanguan. Sinenyasan nya ang babae na pumasok at maupo. Inantay nyang matapos ang kanyang papa na matapos.


"Iha. Bat hindi ka nanaman sumasagot sa tawag ko at bat tumakas ka nanaman kela Pancho? Alam mong kakauwe lang natin ulit ng Pilipinas, hindi na natin alam kung safe parin dito." seryosong sabi ng papa nya.


"Pa, andun lang naman ako sa clubhouse. Para naman mafamiliarize din ako sa places kahit paonti onti lang." tugon ng babae.


"Kahit na. Sa susunod isama mo sila Pancho o si Manang Miling para hindi ako laging kinakabahan kung san ka nagpupunta. Okay?" Sagot ng kanyang ama. Umakap ang babae at nagpaalam na, na sya ay pupunta na sa kanyang silid.


"Ah anak, naayos na nga pala ang pagtransfer mo sa DMU. Eto ang school form and modules na need mo aralin." binigay ng kanyang ama ang mga gamit. Nagpaalam na ito sakanya. Tumungo na sa silid ang babae. Pagkarating doon ay may kinuha itong kahon. May litrato ng tatlong bata na naglalaro. Napangiti ang babae habang hinahaplos ang litrato.


"Sana natatandaan mo pa ako Gigi."

***********************************************************************************************

Napakaproductive ng weekend ni Seulgi. Wala syang masaydong iniintindi bukod sa pagtulong nya sa kanyang nanay at sa paggawa ng reviewers ni Irene.


*MB calling*


MB: Seeeeuuulllll!!!!!


Seulgi: bakit?


MB: kinakabahan ako. Pano kung tanggihan nya ko.


Seulgi: kaya nga natin gagawin ung plano bukas e. Kaya mo yan. Sasamahan ka naman namin.


MB: osige. Maghahanda na ko. Goodnight Seulgi! See you bukas.


Inioff ni Seulgi ang kanyang cellphone. At naghanda na para matulog.

Dala ni Seulgi ang kanyang gitara. Maaga syang pumasok para sa gagawin nila ngayon. Nagkita kita sa mini garden at mabilisang nagpraktis ni MB.


*Wannie's calling*


Seulgi: Wan?


Wannie: Andito na sila. Dalian nyo na. Lobby malapit sa registrar.


Seulgi: okay copy.


Tinignan nya ang kasama nyang nininyerbyos. At inaya na ito sa Lobby.


Pagkakita nila kay Wendy ay pumusisyon na sila. Nagsstrum na si Seulgi ng kanyang gitara. At sinusutsutan si MB na pumunta na sa gitna. Tumango ito..


"Ehem.." sabi ni MB. Nagtinginan lahat ng estudyante sa lobby area. Nagsimula na syang kumanta.


"Habang tumutunog ang gitara sa 'kin, makinig ka sana
Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana
Sa awit na aking i-sinulat ko kagabi
'Wag sanang magmadali at 'wag kang mag-atubili dahil...

Kahit na wala akong pera
Kahit na butas aking bulsa
Kahit pa maong ko'y kupas na
At kahit na marami d'yang iba

Ganito man ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo (ay ang...)

Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon"


Nagpapalakpakan ang mga nanuod pero ang gusto ni MB na mapaimpress, ay tumayo na at akmang aalis na.


"Yong! Saglit!" Tumakbo si MB para sundan ang babae.


"Yong, sorry na please. Totoo naman yung sinasabi ko. Ikaw lang talaga yung gusto ko. Please" pagmamakaawa ni MB. Inirapan sya ni Yong.


"Fine. Meet me later. You know where." Sabi sakanya ni Yong.


"I will." sabi ni MB. Nakangiti na ito, akmang hahalik si MB kay Yong pero agad itong umiwas.


"Bati na ba tayo? We'll just talk later." nakaismid ito. Tsaka sumulyap kay Seulgi, umalis na ito kasama ang mga kaklase nya. Tinignan naman agad ni MB sila Seulgi at nagthumbsup.

Tutoring Ms. AphroditeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon