"Ah. Mrs. Amacillo, may dala akong gifts." Turo ni Irene sa driver nyang bitbit ang mga paperbags. Nashock si Aling Anita.
"Hindi naman kailangan yan." bored na sagot ni Seulgi. Agad naman syang binatukan ng kanyang nanay. Napangiti nanaman si Irene.
"Hala osige ipasok mo na yan. Pogi, ipasok mo yan at ilapag diyan sa may lamesita. At halika narin dito't sumabay kana samin kumain" pagaya ni Aling Anita kay kuya Enteng. Tumango si Irene, hudyat na pagsunod ng driver.
"Ay maam, kape nalang po ako. Nagumagahan napo kasi ako kanina bago umalis" sagot ni Mang Enteng. Pinagtimpla naman ito agad ni Aling Anita. Pagtapos ay sumalo na sila kayla Seulgi na nagsisimula nang kumain.
"Kumain ka, Ayren, masarap akong magsinangag. Eto, nagluto din ako ng Bibo at ng iskrambol na itlog" alok ni Aling Anita. Agad naman tumango si Irene at naglagay ng pagkain sa kanyang plato. Tutusok sana ng hotdog si Seulgi ng suwayin sya ng kanyang ina.
"Seulgi, magtuyo ka muna. Hayaan mo na ang Bibo kay Ayren" sabay lagay ng hotdog ni Nanay Anita sa pinggan ni Irene."Nay. Nagtuyo na tayo kahapon at nung isang araw. Baka naman mangati na ko" maktol ni Seulgi. Sinamaan sya ng tingin ng nanay nya.
"Sabi ko nga, maglalagay na ko ng kamatis. Haha" saad ni Seulgi.
"Ano yan?" turo ni Irene sa kinakain ni Seulgi. Nagkatinginan ang mag-ina.
"Nako Ayren, sa susunod na punta mo dito, ipagluluto kita nito. Wag mo na muna tikman ngayon. At tira na ni Seulgi yan kahapon." Tumawa ang matanda at nakitawa narin si Irene.
Natapos sila sa pagkain. At inutusan ni Aling Anita si Seulgi na dalhin sa kwarto si Irene dahil maglilinis daw sya ng bahay at para don sila makapagusap. Kagaya nga noon, alam ni Aling Anita ang nangyare. Umuwe si Seulgi na umiiyak. Sa totoo lang ay masama ang loob nya kay Irene dahil sa ginawa nito sa anak nya. Pero nung nakita nya na mukha namang sincere ito ay hinayaan nalang nya. Alam nya na alam ni Seulgi ang dapat gawin.
Nasa kwarto na ngayon ni Seulgi si Irene.
"Ano bang ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni Seulgi. Huminga ng malalim si Irene atsaka ito humarap sakanya.
"I--im S-sorry" mahinang tugon ni Irene. Bingi ata si Seulgi o sadyang mahina ang boses ni Irene.
"Ano? Hindi kita narinig" sabi ni Seulgi. Agad naman tumungo si Irene at bumuntong hininga ulit."IM SORRY. IM SORRY KASI NASAKTAN KITA" malakas na sabi ni Irene. Napangiti si Seulgi na ikinagulat ni Irene.
"Oh diba? Hindi naman mahirap magsorry? Pero bat ka nagsosorry. Ano bang ginawa mo?" maang na tanong ni Seulgi. Tumungo ulit si Irene. Bago sakanya lahat ng to. Never syang nagbaba ng pride, pero hindi nya alam kung bakit pagdating kay Seulgi ay willing syang gawin ito.
"Kase binully kita. Naging matigas ang ulo ko. Hindi kita pinapakinggan, atsaka kasi nasaktan kita" tugon ni Irene.
Tinignan sya ni Seulgi, lumapit ito at pi-nat niya ang ulo. Agad na namula ang mga pisngi ni Irene sa ginawa ni Seulgi.
"Good job Princess! Papatawarin kita sa isang kundisyon" sagot ni Seulgi. Nakangiti ito sakanya. Sa pakiramdam ni Irene ay okay na sya. Masaya sya at bati na sila ni Seulgi. Nginitian narin nya ito."Wag mo pahirapan si Wendy sa pagtutor sayo" dagdag ni Seulgi.
"Pero nagsorry na ko" agad na sagot ni Irene kay Seulgi. Tinignan lang sya ni Seulgi.
"Nagsorry na ko kaya dapat ikaw na ulit ang tutor ko" nakapout na sabi ni Irene. Seulgi is laughing at how cute Irene is now. Ngayon nya lang nakita nang mas malapitan ang pagiging childish nito. So nagdecide sya na lalo pa itong asarin.
"Ayoko. Matigas ang ulo mo e" nakahalukipkip na saad ni Seulgi.
"Hindi na! Promise! Makikinig na ko at iintindihin ko na lahat!" nagmamadaling sagot ni Irene.Halatang nagiisip si Seulgi kaya nagsalita ulit si Irene para makumbinsi itong bumalik na sa pagtututor sakanya.
"Promise. Susundin na kita. Hindi na ko magrereklamo pag madami yung tests at exams! Atsaka, magbabasa na talaga ko at di na ko manghuhula ng sagot!" dirediretsong sabi ni Irene.
"Ayoko nga. Ang hirap mong turuan." Sabi ni Seulgi. Inaasar parin nya ito. Tinitignan nya kung babalik na ang pagiging dragonesa ng kausap nya."Hindi na nga. Makikinig na ko lagi sayo" halata sa boses ni Irene na nawawalan na sya ng pasensya. Pigil na pigil na ang tawa ni Seulgi. Sa totoo lang ay, pinakiusapan lang nya si Wendy na sya na muna ang magtutor kay Irene di dahil umayaw sya, kundi dahil wala syang salamin. Nahihirapan syang magbasa. Kaya hanggat di pa tapos magawa ang salamin nya, si Wendy muna ang magtututor kay Irene. Hindi rin totoo na nakipagusap si Seulgi sa dean para ipalit si Wendy sakanya.
Hindi na nya napigil ang kanyang pagtawa. Kumunot ang noo ni Irene.
"Hahahahahaha ang sarap mo palang asarin" sabi ni Seulgi habang tumatawa. Naningkit ang mga mata ni Irene at magwawalk out na sana ito ng bigla syang hilahin ni Seulgi sa braso. Agad na napaharap sya kay Seulgi at nagkatitigan sila.
"Im sorry." seryosong sabi ni Seulgi. Nahigit ni Irene ang kanyang paghinga. Masyadong malapit ang kanilang mga mukha. Hindi nya maiwasan tignan ang mga mata ni Seulgi. Pababa sa mga labi nito.Para syang hindi makagalaw. Natuyo ang kanyang lalamunan, at hindi makapagsalita. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kung hindi pa nagsalita si Seulgi ay hindi pa sya matatauhan.
"Papayag akong bumalik sa pagtututor sayo kung papayag ka sa rules ko." Nakangiti parin ito sakanya. Tumango nalang si Irene. At agad pumunta si Seulgi sa kanyang study table, inabot kay Irene ang papel. Binasa to ni Irene.
"Seulgi's Rules:1. Listen and Trust your Tutor
2. Be Optimistic
3. Lets have fun while studying
4. Be Open Minded
Tinignan sya ni Irene, at akmang may sasabihin ito pero agad syang naunahan ni Seulgi.
"Basahin mo yung Rule 5" sabi ni Seulgi.
Agad na tinignan ni Irene ang part na nakatupi at binasa ito.
"Rule 5. Smile More..." Basa ni Irene. Biglaan nagsalita si Seulgi na ikinabilis ng tibok nanaman ng puso ni Irene."Ps. Because even though you are already pretty, you are more gorgeous when you smile. You can rival the sun when you smile more. :)"
Nagbblush nanaman sya! Hindi ito normal. Para syang aatakihin sa bilis ng tibok ng puso nya.
"Seulgi, anong ginagawa mo sakin?!" Pagiisip ni Irene.
BINABASA MO ANG
Tutoring Ms. Aphrodite
RomanceClichè story. SeulRene fanfic. :) There would be smuts along the way. So be prepared. WAG BASAHIN if hindi ganito ang type ng story na gusto nyo. Nabuo ko ang storyang to sa banyo. Bow. :D happy reading!