TMA 15

11 0 0
                                    

Para kay Irene, hindi naging madali ang mga nangyayare. Nakipaghiwalay sakanya si Bogum nung kamakailan lang. Although, hindi naman na nya ito tinutulan, dahil lagi lang naman silang hindi nagkakasundo at alam naman nya na may ibang babae na ito. Nahihirapan lang syang magadjust dahil nasanay sya na andian ang dating nobyo.

Malapit nang magmidterm, abala ang lahat. All hands on deck na ika nga, tulong tulong para magreview at magaral. Ang ikinakatuwa ni Seulgi ay ang malaking improvement ng kanyang tinuturuan. Mas naging focus na kasi si Irene sa kanyang pagaaral, kesa noon, distracted sya. Isama mo na dito na hindi na sya masyadong pala reklamo at bitchy sa kapwa.


"Pag napasa mo yung tests mo, ililibre kita" seryosong sabi ni Seulgi habang nagaayos ng gamit nya. Napatingin naman sakanya si Irene.


"Bakit? At para saan?" tanong naman ni Irene.


"Kasi you've worked hard. And deserve mo ng reward pag may naachieve ka" ngiting sagot naman ni Seulgi sa kanyang katabi.


"Kinakabahan ako. Pano pag nalimutan ko yung mga tinuro mo or pano kung mali mali ako ng formula na gagamitin??" worried na tanong ulit ni Irene.


"Nagaral kang maigi. Nakakaramdam akong kaya mong ipasa yan. Magaling ka naman e. Tsaka magaling ang tutor mo" saad ni Seulgi. Sabay silang nagtawanan. Bagamat, nakikita nyang si Irene na nakangiti alam nyang nagpapakatatag lang ito, parang gusto nya itong icomfort pero ayaw nyang magpakafeeling close dahil baka magaway nanaman sila. Nabalitan din kasi nya na naghiwalay sila ng boyfriend nya. Seulgi is trying to test the waters, susubukan nyang magopen si Irene sakanya, para gumaan ang pakiramdam nito.


"Seulgi, huy Seulgi! Anong iniisip mo? Nakatulala ka dian" sabi ni Irene habang niyuyugyog ang kanyang balikat.

"Anong oras na?" tanong sakanya ni Seulgi.


"3:10 palang. Bakit?" Takang tanong sakanya ni Irene. Dali daling nilagay ni Seulgi lahat ng gamit nya sakanyang bag at inaya si Irene.

"Tara. Labas tayo. Ngayon na kita ililibre" mariing sabi ni Seulgi. Walang nagawa si Irene kundi ang sumama at magpatangay kay Seulgi.


"Teka. Sa Monday exam na. Diba dapat nagaaral tayo?" ulit na tanong ni Irene.


"Sabi mo sa rule mo you need breaks too diba? Pag sobra aral, nakakasama. Minsan kahit alam mo yung sagot makakalimutan mo parin, need na natin magunwind" sagot ni Seulgi. Nasa harap sila ng school gate, hindi alam ni Irene kung anong plano ni Seulgi pero tiwala sya na hindi sya pababayaan nito. Pumara ng tricycle si Seulgi, maang syang tinignan ni Irene.


"Kuya sa may labasan po, sakayan ng jeep pa Moa" sabi ni Seulgi, siniko sya ni Seulgi para sumakay na sya.


Okay. First time ni Irene magcommute. First time nyang magtricycle, first time magjeep. Lahat bago sakanya. Hindi sya mapakali. Natatakot sya na naeexcite. Binalingan sya ni Seulgi.


"Okay ka lang ba? Malapit narin tayo, isang liko nalang" sabi ni Seulgi. Hindi sya sumagot. Nang bumaba sila ay kinausap ulit sya ni Seulgi.


"Gutom kana ba? Merienda na muna tayo?" Tumango si Irene. Nagiisip na sya ng kakainin. Okay na sya sa pasta. Hinila sya ni Seulgi sa mga stalls na may bisikleta, medyo madaking tao na nakapaligid sa mga ito.


"Anong kakainin natin? Gusto ko ng pasta" sabi ni Irene. Nilingon sya agad ni Seulgi at tinawanan.


"Anong pasta ka dian. Yung pera ko pang kwek kwek lang. Tara dito" saad ni Seulgi. Binigyan sya ni Seulgi ng mangkok na may plastik at barbeque stick.


"Ano gagawen ko dito?" tanong ni Irene habang tinitignan ang mga binigay ni Seulgi.


"Yan ang ipangtutusok mo dun oh, sa niluluto ni kuya. Tas pagnakapili kana, eto yung mga sauce na pwede mo sawsawan nun." nginunguso ni Seulgi lahat ng nasa kart ni kuya.


"Kuya, akin isang tokneneng, isang order ng kwek kwek tas 10 pesos na mix squid balls at fishballs." Mabilis na order ni Seulgi. Tinignan nya ang katabi nyang nahihirapan parin atang pumili.


"Magshare nalang muna tayo. Pag ayaw mo, try mo yung iba. Sa sauce lang talaga minsan nagkakatalo e" sabi pa ni Seulgi. Pumayag si Irene na tikman muna ang nasa mangkok ni Seulgi. Naghalo si Seulgi ng sauce, sabi pa nito, tamis at anghang daw yon. Imaginin nyo ang mukha ni Irene nung una nyang matikman ang fishball. Halos naubos nya lahat ng order ni Seulgi. Nagrerequest pa itong magtake out na ikinatawa lang ng nanglibre.

Alam naman ni Seulgi na first time ni Irene kumain ng ganon. First time magcommute. Base narin sa mga reaksyon at kilos ni Irene. Ayaw nyang pangunahan dahil gusto nya magsabi ang dalaga sakanya at mas maging open ito.


"Dun tayo!" Turo ni Seulgi. Dali dali silang pumunta at naupo. Overlooking nila ang dagat. Nasa Moa Seaside sila. Habang bitbit ni Seulgi ang takeout na fishball ni Irene. Kitang kita nya ang pagpikit ni Irene, na para bang nagiinternalize. Alam nya, any moment, magkkwento na si Irene.

"Alam mo break na kami ng boyfriend ko" mahina ang boses ni Irene. Eto na yon. Eto yung gusto ni Seulgi, yung mailabas ni Irene lahat ng sama ng loob nya. Makikinig lang sya sa mga rants nito. Yun ang plano.


"Hindi ko din alam kung bakit kami nahantong sa ganito. Masaya naman kami noon. Kaso, wala." nakatungo na si Irene at pinagmamasdan ang kanyang mga daliri.


Naramdaman ni Irene na bigla syang kinabig ni Seulgi palapit sakanya, at inakap sya nito. She can smell Seulgi's cologne, the smell of something sweet and vibrant and mix ng sweat nito. To be honest, nakasanayan na nya ang amoy ni Seulgi, and it would pass as addicting para kay Irene. Minsan narin nyang hinanap ang cologne ni Seulgi sa mall.

"Iiyak mo na. Willing naman akong mabasa ng luha mo yung mga damit ko, ayoko lang talagang nakikita kang ganyan" bulong ni Seulgi kay Irene habang akap parin sya. Hindi alam ni Irene na humahagulgol na pala sya. Ang bigat ng nararamdaman nya. Pressure. Lungkot. Sama ng loob. Lahat ata nakay Irene na. Here she is pouring herself out and here is Seulgi na willing makinig at willing syang intindihin, its all so new. Sanay sya na sya yung laging mataas at laging hinahabol. Pero pag si Seulgi yung kasama nya, she can be herself.


"Luh. Sabi ko iyak lang e. Bat pakiramdam ko may uhog narin yung tshirt ko" biro ni Seulgi sakanya.

Tutoring Ms. AphroditeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon