Kasalukuyang nagppraktis si Wendy sa music room ng may narinig syang nagdadabog sa labas. Dahan dahan syang sumilip, nagulat sya ng may makita syang babae at lalaki na nagaaway sa hallway. 5pm na. Dapat wala nang masyadong estudyante. Hindi naman likas na pakialamera si Wendy. Kaso nga lang masyadong malakas ang mga boses ng nagtatalo kaya narinig narin nya.
"Putang ina naman Sungjae! Ngayon ka na nga lang bibisita makikipagbreak kapa?!" dinuduro duro nung babae ang dibdib nung lalaki.
"Oo. Wala naman talaga tayong time para sa isat isa! I have my needs! Hindi mo naman maibigay! Putanginang antayin natin pagkasal na tayo pamahiin yan!! Ayoko na.. Kung ayaw mo sa gusto ko. Maghiwalay na tayo!" galit na hinablot ng lalaki ang braso ng babae at may ibinalik na singsing.
"Sungjae!!! Ano ba! Sungjae!" sigaw nung babae. Halatang umiiyak na ito dahil garalgal na ang kanyang boses.
Hindi mapigilan ni Wendy ang sarili. Dali dali syang bumalik sa kanyang bag at kumuha ng tissue at bottled water para maiabot nya dun sa babae.
Sumilip sya ulit. Nakaupo na ang babae sa hallway at nakatungo. Dahan dahan sya lumapit. At kinalabit ang babae.
"Miss? Eto oh." tumingala ang babae sakanya at nagpunas ng mga luha sa pisngi."Nakikinig ka ba kanina?! Pakialamera!" Bulyaw ng babae sakanya at mabilis na umalis. Naiwan si Wendy na nakatulala. Ngayon lang nya nakita ng malapitan ang crush nya, at masaklap pa nito, Umiiyak sya.
Humigpit ang mga hawak ni Wendy sa tissue at bottled water. Galit sya sa lalaking nagpaiyak sa kanyang dream girl.
"Kailangan sumaya ulit ng reyna ko. Papasayhin ko sya." determinadong sabi ni Wendy sakanyang sarili.
Pabaling baling si Wendy sa kanyang kama. Hindi maalis sa kanyang isip ang babae na unang nagpatibok ng puso nya. Una nyang nakita ang babae noong Acquintance party sa school. Napakaganda. Naka simpleng red dress ang babae at nakalugay ang buhok. Matangkad ito, at talaga namang head turner. Lalapit na sana si Wendy para sya ay magpakilala pero agad namang bumalik dahil inabutan sya ng hiya at dahil nakita nya na dumating na ang mga kaibigan nito. Sa loob ng halos apat na taon. Silay lang ang tanging nagagawa ni Wendy. Matagal na nyang sinusubukan na magpakilala pero laging may mali at may iistorbo. Kaya kanina, nagkaron na sya ng lakas ng loob. Yun nga lang mukhang badshot sya dahil baka iniisip ng babae na pakialamera nga sya.
"Hayst! Bat kasi ganon!" Nagpagulong gulong sya sa kama nya. Nilabas nya ang litrato na kuha ni Seulgi noon. Naging photobomber sya sa dream girl nya nung nagkasabay sila sa cafeteria noong 2nd year sila.Pumunta sya sa study table nya at nagsimula nanaman magsulat sa kanyang diary. Balang araw masasabi din nya sa kanyang reyna lahat ng nilalaman ng diary nya..
Patulog na si Seulgi nang bigla nagring ang kanyang phone.
"Seulgi. Tuloy ang tayo sa Monday................"
Hindi na binasa ni Seulgi dahil alam naman na nya ang plano. Ang hindi nya lang maintindihan ay kung bakit dawit sya dito. Tinignan nya ulit ang lyrics ng kantang kanina nya pa kinakabisado. Sana lang wag silang mapahiya sa gagawin nila sa Lunes.
BINABASA MO ANG
Tutoring Ms. Aphrodite
RomanceClichè story. SeulRene fanfic. :) There would be smuts along the way. So be prepared. WAG BASAHIN if hindi ganito ang type ng story na gusto nyo. Nabuo ko ang storyang to sa banyo. Bow. :D happy reading!