TMA 1

150 4 2
                                    


"Yo! Nerd!" Napatigil ako. Eto nanaman sila. Pinaligiran nanaman nila ko. Tinapik ako ng isa sa balikat.


"Asan na yung assignment namin? Due na non after luch. Bigay mo na para di ka nanamen guluhen mamaya." sabi ni Joy. Tinignan ko sila isa isa. At tumango, isa isa kong kinuha ang folders sa aking bag, at iniabot sakanila.


"Lamats Nerd." Pahabol na hampas ni Solar. Araw araw nalang ganito. Simula nung makabangga ko ang grupo nila, hindi na nila ko tinantanan.


Araw araw. Lagi may mangyayare, kukuhanin nila ang pagkain ko, uutusan nila kong gawin ang mga projects nila o ipapahiya ako sa buong klase. Nasanay na ko. Hindi ko nalang pinapansin. Total, kasalanan ko rin naman, kung hindi ko lang sana natapunan ng noodles ang leader nila sa ulo, ay hindi sana ganito ang buhay ko. Mapayapa sana kong nakakapagaral. Malas ata ako. Maling mali na dito pinili ni Nanay na pagaralin ako.

--


Ako nga pala si Seulgi Amarillo, 19 years old, nasa ika apat na taon na sa kolehiyo, nagaaral ng kursong Marketing Management. Isa akong iskolar, student assistant at atleta ng chess team. Hindi ako marunong magpalda o magdress. Tanging malalaking tshirt at polo lang ang sinusuot ko katerno ng aking kupas na maong at lumang rubbershoes. May salamin ako at laging naka messy bun ang aking buhok. Hindi ako in sa uso. Baduy daw ika nga ng iba. At yung grupo kanina? Sila ang Mean Girls dito sa campus na to. Mayayamang babae na walang alam kung di magparty at maglustay ng pera ng kanilang magulang. Hindi ko nilalahat pero parang ganun narin kasi. Lalo pa't kung tratuhin nila kaming mga iskolar at hindi mga socially inclined e, parang basura lang.


"Huy! Seul! Ano kaba. Nakatulala ka nanaman" pinipitik pitik pa ni Wendy ang kanyang mga daliri sa harap ko.


"Sorry Wan, napapaisip lang" yun lang ang naisagot ko sakanya.


"Subukan mo nalang na wag dumaan sa Accountancy Department para di mo sila makasalubong kesa ganyan na lagi ka nilang pinapagawa ng assignments nila, para silang may yaya dito sa school" madiin na sabi ni Wendy. Wala naman akong choice talaga. Mahahanap nila ako kahit san ko pilitin magtago. Isang malalim na buntong hininga nalang ang naiganti ko sa sinasabi ni Wendy sakin.

*Flashback*


Kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria ni Wendy, masama ang pakiramdam ko at medyo hilo ako, papunta na kami sa may basurahan para itapon ang aming kalat ng biglang may pumatid sakin, nadapa ako at ang noodles na kinakain ko kanina, tumilapon, saktong sakto sa bumbunan ng leader ng Mean Girls. Gusto ko nalang lamunin ng lupa. Ang kaninang maingay na mga estudyante, ngayon ay mga nagsitungo at mga nakamasid sa pwedeng mangyayare. Pupunasan ko na sana sya ng panyo ko, pero agad din syang tumayo at hinarap ako. Nagbow ako sakanya at nagsorry ng paulit ulit.

"Miss, im so sorry, hindi ko po sinasadya. Pasensya na po. May pumated po kasi sakin. Im sorry" ilang ulit akong nagbow. Hindi ko sya matitigan sa mga mata. Nakakatakot.


"Name?" isang salita lang ang binigkas nya.


"Ah-eh Seul-gi Ama-amarillo." nauutal kong sagot sakanya.


She smirked, she snapped her fingers at isa sa mga nasa table nila ang tumayo para bigyan sya ng wet wipes, tissues at panyo. Well, pinunasan narin non ang blonde nyang buhok. Ugh. Yaya siguro nya yun.

*end of flashback*


Yun na ang simula ng kalbaryo ko sa eskwelahang to. Maling mali na binigay ko ang pangalan ko sakanya. Isang buwan na ang nakakalipas. Pero pakiramdam ko matagal na kong nagpapaalila sakanila.


Kasalukuyang kaming nagkaklase ng biglang kumatok ang isa sa professor namin sa accountancy, may hinahanap sya. Nung nagawi ang mga mata nya sa gawi namin, agad nya kong pinaexcuse sa klase at pinapunta sa dean's office. Kinakabahan ako. Never pa kong napatawag sa dean's office pwera nalang kung may achievements at iuutos sila para gawin namin.


"Uhm Sir? Bakit po ako pinapatawag sa office ni Dean?" Mahina kong tanong.


"Malalaman mo nalang mamaya." Nasa pinto na kami ng ni Dean, nang may marinig akong nagagalit na babae.


"Why do I need a tutor tito?! Hindi mo ba pwedeng kausapin nalang si Maam Hyo? Para ipasa ako?! Para san pa't naging dean ka dito!" patuloy niyang pagmamaktol.


"Iha, kung nagaral ka lang sana edi sana hindi ka mangangailangan ng tutor, Bagsak ka ng prelim sa major mo pa. At nanganganib ang scores mo sa iba mo pang subjects. Kailan kaba matututo? Paulit ulit tayo. Magaling naman ang magtutor sayo. Isa sya sa iskolar ng departamento. Alam na ng daddy mo ang nangyare at may go signal na sya na ako na ang magdesisyon, and pinapasabi nga pala nya na pag hindi ka pa pumayag, iffreeze nya ang mga credit cards mo at tatanggalan ka nya ng 80% ng allowance mo." Mahinahon na sagot ni dean.


"Alam ni Daddy??! Tito naman. Maawa ka naman sakin. Pano na ko nito baka naman hindi ako lalong pumasa sa major ko kung estudyante lang din ang magtutor sakin" mangiyak ngiyak na ang boses nung babae.


Kumatok si prof sa pinto dahilan para matigil ang paguusap ng dalawang nasa loob.

"Come in" sagot ni dean.


"Sir, andito na po si ms. Amarillo" sagot ni prof, sinenyasan ako ni dean na pumasok. Hindi ko alam pero, bigla akong kinabahan, nakatalikod sakin ang isang blonde na babae. Para kong hihimatayin ng makita ko kung sino ang itututor ko. Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kanang kilay.

Ayoko.

Ayoko.

Ayoko.

Hindi pwede. Magsasalita sana ko ng naunahan ako ni Dean.

"Ms. Amarillo, kaya kita pinatawag ay para itutor mo si Ms. DelMundo sa isa sa mga major subjects nya. Extra points ang pagtututor, dagdag allowance maeexempt ka sa pagiging student assistant dahil magtututor ka, at dahil isa ka sa mga outstanding students at patuloy na dean's lister, ikaw ang nairekomenda ng faculty nuong nakaraang meeting." tuloy tuloy na sabi ni Dean. Hindi na ko nakasagot. Hindi na ko nakaalma. Napatango nalang ako. Napapikit. At napadasal.

"Great. Ms. DelMundo, meet Ms. Amarillo, your new tutor." pakilala samin ni Dean.

Shit.

Puta.

Im dead.

Killed.


Deceased.

Ang itututor ko na si..

Ms. DelMundo.. Ang leader ng Mean Girls.

Tutoring Ms. AphroditeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon