"Ah sir. Kako po ka--" napatigil si Seulgi. Hinawakan sya sa balikat ng papa ni Irene.
"Wag kang magalala. Boto naman ako sayo. Napapatino mo ang anak ko. Pero wag mong sasaktan ang anak ko ha. Kahit boto ako sayo, di ako magkakamali na balikan ka" seryosong tinapik tapik pa nito ang balikat nya. Tamang dumating naman si Irene.
"Daddy, wala naman don yung papers! Tsaka bat mo dinala si Seulgi dito?" biglang sulpot ni Irene.
"Nagusap lang kami. Hindi ba Seulgi?" sabi nito kay Seulgi.Nagthumbsup naman si Seulgi, hinila na sya ni Irene papanik sa kwarto.
"May sinabi ba si Daddy?" tanong ni Irene pagkasara na pagkasara ng pinto. Agad naman napailing si Seulgi.
"Sure ka?" paguusisa pa nya.
"Oo. Sinabi nya lang na aabangan nya yung results ng exam mo" saad naman ni Seulgi.
Napagpasyahan ni Seulgi na umuwe kahit tutol si Irene. Sinabi rin kasi ni Seulgi na meron order ang nanay Anita nya at kailangan nyang tulungan ito. Pasado alas nuebe na nang nakarating si Seulgi sa kanila.
Napapaisip si Seulgi. Totoo nga kayang nagkakagusto na sya kay Irene? Baka crush nya lang. Sinubukan nalang nyang baliwalain ang mga ito at natulog na.
0915xxxxxxx: Hello! Maganda kapa sa gabi!
Joy: ??
0915xxxxxxx: pwede makipagkaibigan?
Joy: who are you? And how did you get my number?
0915xxxxxxx: future asawa mo and it doesnt matter.
Joy: whatever creep. Im going to block you. F*ck you!!
0915xxxxxxx: i know u wont. Gnyt to you future wifey ko. <3
Joy: *seen*Pinatay ni Joy ang kanyang phone at binato ito sa kanyang drawer. Buong linggo nyang inaantay si Sungjae, inaantay nya na balikan sya nito. Pero mukhang nagmove on na nga si gago. Hindi rin naman kasi talaga bukal sa loob nyang makipag siping sa dati nyang nobyo, kahit naman kasi touchy sya, ayaw nyang gawin hanggat hindi sila kasal. Yun ang usapan nila noon, kaya hindi nya maintindihan kung bakit atat na atat ito na gawin nila yon. Iiyak nanaman sya. Si Sungjae ang first boyfriend nya. Bat ambilis para sakanya na iwan sya, wala lang ba sakanya ang pinagsamahan nila? 2 years na sana sila sa December. Pero itinapon lang ito ni Sungjae. Napaupo si Joy sa kama, susubukan nyang magmakaawa kay Sungjae na balikan sya nito. Kinuha at tinurn-on nya ulit ang phone nya. Magdadial na sana sya ng biglang may nagtext nanaman.
0915xxxxxxx: Wifey? Bat gising kapa?
0915xxxxxxx: nakaonline ka nanaman kasi sa messenger mo.
0915xxxxxxx: kailangan mo ba ng kausap? Katext? Kachat? Willing to listen!
Binasa ulit ito ni Joy. Hindi nya alam kung bakit nawala nalang bigla sa isip nya na tatawagan nga pala nya si Sungjae. Natuon na ito sa taong text ng text sakanya. Ngayon ay nacucurious na sya, dahil alam non na online din sya sa messenger. Napaisip sya. Siguro wala naman masama kung rereplyan nya ito.
Dumating ang araw na pinakakaantay nila. Midterms. Examination Week. Araw ng paghuhusga. Nasa classroom na si Irene at nagrereview ng mga pointers or notes na binigay sakanya ni Seulgi. Hindi sya pwedeng bumagsak. Kailangan nyang maipasa. Para sakanya at para maging proud si Seulgi sakanya.
"Irene! Psst" tawag sakanya ni Seulgi. Nasa labas ito ng pinto ng room nila at pilit na pinapalapit sya duon. Inabot ni Seulgi ang paperbag.
"Para mamaya. Alam kong mahabang magpaexam si Sir Apolinario. Kaya binaunan na kita ng sandwich tas pinagluto ka na rin ni nanay ng kutsinta. Kainin mo pag tapos mo magexam ha. Galingan mo! Fighting!" nakangiting sabi ni Seulgi sakanya.
"Salamat! See you later?" tanong ni Irene. Tumango lang ito, bago pa tuluyan makababa ng hagdan si Seulgi ay muli sya nitong hinarap at nagmuestra ng "goodluck!". Feeling ni Irene papasa na sya."Oh..Em..Gi!! Ang hirap ng exam! Kumulot ata yung buhok ko" sigaw ni Yeri. Kasalukuyang nasa private lounge ang magbabarkada at naghahanda para magbreak.
"Ginutom ako sa mga tanong. Muntik na kong magblack out. Bakit kasi ang daming essay???!" bulalas naman ni Joy.
"Anong sagot mo sa essay?" sabat ni Nayeon.
"Basta laging may I therefore conclude yung sagot ko" sagot ni Yeri. Nagtawanan ang magkakaibigan. Napansin nila na nagsscan si Irene sa kanyang notes.
"Okay ka lang girl? Nakasagot ka ba?" Silip ni Solar sakanya. Kumunot ang noo ni Irene. Tumahimik ang barkada. Inaantay syang magsalita.
"YEEESSSS!!!!" sigaw ni Irene.
"Tama ako sa mga answers!!!" proud nitong sabi at pinakita ang notes na ginawa ni Seulgi. Halos lahat kasi ng nasa notes nandon sa exam. Kinover talaga ni Seulgi lahat ng modules. Nag-unahan ang magbabarkada sa pag kuha sa notes ni Irene.
"Ugh!!!! Babagsak ako!" dismayadong sabi ni Yeri.
"Di ka nagaral noh?" tanong ni Mina.
"Busy sa nilalandi nya." sagot naman ni Solar.
"Sis, beke nemen pwede megpetere ke Cutie?" pabebeng sabi ni Yeri. Sinamaan sya agad ng tingin ni Irene.
"Okay okay, hindi na. Geez" saad ni Yeri.
"Pero seriously, yung barkadahan nila mga matatalino diba? Not sure with MoonByul pero.. Why not try to do a group study for finals?" tanong ni Joy."Hoy. Matalino si MoonByul noh! Hindi lang halata." sabat ni Solar.
"Let's ask nalang sila kung pwede sila" sabi ni Irene.
"Yey!" sabi naman ni Yeri.Kinahapunan, parang mga zombie ang mga estudyante na nagsilabasan sa kanilang mga classroom. Sa wakas, tapos na ang examination, pero need parin magaral dahil ang mga feeling major na subject hindi nagepaexam ngayon araw na to. Naawa ata sa estudyante..
Nagaantay si Irene sa may library ng lumapit sakanya si Wendy.
"Hi Irene, pinapasabi ni Seulgi, wala daw munang tutor ngayong araw. Bawi nalang daw sya sayo." sabi ni Wendy.
"Pero may exam pa ko bukas. Akala ko may tutor session kami kahit isat kalahating oras lang?" takang tanong ni Irene."Masama kasi pakiramdam nya. Umuwe sya kanina pagtapos ng morning class." saad ni Wendy.
"May sakit sya?? Anong nangyare? Bakit? Nagclinic ba sya? Need nya ba magpacheck up?!" sunod sunod na tanong ni Irene.
"Haha chill ka lang. Jusko. May lagnat lang, para kang si Tzuyu e." tatawa tawang sagot ni Wendy."Anong sabi mo?" Biglang naging seryoso ang mukha ni Irene. Napalunok nalang si Wendy.
"Si Tzz-uuyyuu kasi. Kaklase namin sya sa isang subject. Nag--tanong kung aas-an si Seulgi. Kaya sabi ko umu-we.." kinakabahang sagot ni Wendy.
"K. Thanks" maikling sagot ni Irene. Tila ba nagmamadali itong umalis. Napakamot nalang si Wendy ng batok.
"Anyare don? Parang si Tzuyu ganun din kanina" takang isip ni Wendy.
BINABASA MO ANG
Tutoring Ms. Aphrodite
RomanceClichè story. SeulRene fanfic. :) There would be smuts along the way. So be prepared. WAG BASAHIN if hindi ganito ang type ng story na gusto nyo. Nabuo ko ang storyang to sa banyo. Bow. :D happy reading!