Maagang nagising si Seulgi, susubukan nyang kumbinsihin si MGL na magpatutor na sakanya. Isang buong linggo din kasi sya nitong iniiwasan. Nabawasan narin ang pagpapahirap ng Mean Girls Members sakanya. Matutuwa sana si Seulgi kung ganon nga, pero kasi scholarship nya ang nakasalalay dito. Pag hindi pumasa si MGL, paalam scholarship sya. Dahil it will show na hindi sya effective magtutor, ika nga ni Dean. Napabuntong hininga sya habang nakaharap sa salamin.
"Kaya mo to Seulgi. Lalapit ka lang. Pipilitin mo lang sya. Lumaban ka kasi! Bat kaba natatakot. E babae lang din naman sya. Kung tutuusin mas matangkad kapa sakanya. Kayang kaya mo syang buhatin. Fighting!" tinapik tapik pa ni Seulgi ang munti nyang mga braso."Seulgi!! Bumaba kana dian at kakain na!!" napatalon si Seulgi sa sigaw ng nanay nya. Dali dali syang bumaba. Ayaw nyang nagagalit at nagaantay ang nanay nya lalo nat usapang pagkain. Ika nga ng kanyang nanay. "Wag pinagaantay ang pagkain at mawawala ang grasya"
"Goodmorning Nanay!!!" Masiglang bati ni Seulgi sa kanyang ina.
"Kumain kana at malelate kana. Pinagbaon na rin kita ng sandwich. Andun na sa may bag mo."
"Nice nay! Sandwich. Anong palaman? Bumili ka ba ng peanut butter kela aling Tekla? Hindi ko gusto yun nay. Ang tamis. Mas nalalasahan mo yung giniling na asukal kesa sa mani." nakalabi si Seulgi na inaalala ang peanut butter na tinda ng kanilang kapitbahay.
"Abay itong batang to. Nagreklamo ka nanaman. Pagkain parin yon. At hayaan mo na. Tulong na natin yun sakanila, alam mo namang nagdidialysis ang anak ni Tekla" mahinahon na sagot ng kanyang nanay.
"Char lang naman nay. Pero ayun nga. Hinalo ko rin yung peanut butter nila sa kape ko nung nakaraan. Ang labnaw kasi. Naging toffee flavor yung kape ko!" natatawang sabi ni Seulgi. Dali dali syang binatukan ng kanyang nanay, dahilan para mailuwa ang pandesal na subo nya.
"Abay napakagago mo talaga." natawa narin ang kanyang nanay.
"Kung ganon ay ipagtitimpla narin kita ng kape para maibaon mo" pahabol ng kanyang nanay.Napatingin si Seulgi sa kanyang ina.
"Kasi tama ka. Peanut butter ni Tekla ang palaman ng sandwich mo. Dalhin mo na yung isang bote at ihalo mo dun sa kape mo" sabay silang bumungisngis ng kangang ina.
"Nga pala anak, kamusta ang pagaaral mo?" tanong ng kanyang nanay.
Ayaw ni Seulgi na magalala ang kanyang nanay. Madalas syang magkwento ng mga nangyayare sakanya sa eskwela at sa buong maghapon nya, pero dahil nga nakabangga nya nung kamakailan ang Mean Girls, ay tahimik nalang si Seulgi. Paminsan minsan nalang sya nagkukwento at sinasagot nya nalang ang mga tanong ng nanay nya, iniiwasan ni Seulgi na isipin pa sya ng kanyang ina. Laki naman sa hirap si Seulgi. Ang nanay nya naglalako ng mga kakanin, at paminsan minsan umeextra sa pagpplantsa o paglalaba. Proud si Seulgi sa nanay nya. Naitaguyod sya ng maayos nito kahit magisa. Hindi nya totoong magulang ang Nanay Anita nya. Ang kwento ng matanda, dati syang katiwala sa isang mayamang pamilya. Si Seulgi ay napulot lang daw nya sa tapat ng gate ng mansion at magmula noon ay kinupkop na ni Aling Anita si Seulgi at itinuring na sarili nyang anak.
"Anak, nakatulala ka. May nangyayare ba sayo sa eskwela na hindi maganda?" pagalalang tanong ni Nanay Anita.
"Ah eh, nay, sa totoo lang po. May bumabagabag po sakin. Kasi po, inatasan po ako ng dean namin maging pulis pangkalawakan eh, kailangan ko po ng wonder pets." pagbibiro ni Seulgi."Wonderpets ba kamo? Osya ihuhuli kita ng dagang kanal mamaya. Gawin mong wonderpet mo, mas malaki pa iyon kay Muning. Ipaglalaban ka non" eto ang gusto nya kay nanay Anita nya. Sumasabay sa trip nya. Tinignan nya ang nanay nya at hinawakan ang kamay nito.
"Nay, huwag po kayong magalala. Okay lang po ako. 2 sem nalang ggraduate na ko. Makakatulong na ko sa inyo. Pag natapos ako. Hindi kana maglalako ng paninda mo, papatayuan kita agad ng Kakanin Store! At ikaw ang mamamahala don! Ikaw na s Doña Anita Amarillo de Puto Kutsinta" marahan syang sinampal ng kanyang nanay Anita sa mukha. Tawang tawa si Seulgi sa mukha ng kanyang ina.
"Puro ka kalokohan. Seulgi, pag may nangyayare sayo o may umaaway sayo. Sabihan moko. Susugod ako don. Ayokong inaagrabyado ka nila" seryosong wika ni Nanay Anita.
"Oo nay. Pero nay, kinuha akong tutor ni dean. Itututor ko ang isa sa may ari ng school. Maganda ang benefits nay. Hindi na ko magtatagal sa library hanggang 8pm. Mas mapapaaga ang uwi ko. At may dagdag allowance din. Kaso nay, pag di pa nakipagkasundo sakin si MGL at di sya pumasa malelegwak ako sa scholarship, wag ka magalala nay tutulong nalang ako sa inyo o lilipat nalang ng school kung sakaling maaalis ako bilang iskolar.." seryosong usap nya sa nanay nya.
"Kaya kaba laging puyat nung mga nakaraang araw? Dahil iniisip mo yan? Na hindi mo kaya? Hindi naman kitang pinalaking ganyan. May tiwala ako sayo at sa kakayanan mo. Hala, sige, mag handa kana at ipagbabaon ko rin ang itututor mo ng sandwich. Ibigay mo sabihin mo, ako ang nagluto. Puno kamo ng pagmamahal yon. Kaya masarap." Tumayo ang nanay nya.
"Nay. Baka lalong hindi magpaturo. Parang sabaw na sa kare kare yung palaman ni aling Tekkkllllaaaa" pumapadyak padyak pa si Seulgi at parang nagmamaktol.
"Aba sino nagsabing yun ang palaman. Sabi mo mayaman ang tuturuan mo diba? Is-pam ang ilalagay ko sa tinapay nya." sagot ni Nanay Anita.
"Huh? May spam tayo?" Takang tanong ni Seulgi.
"Hindi bat ispam ito?" Tinaas ng nanay nya ang lata ng Maling.
Hagalpakan nanaman silang magina sa kakatawa.
**
Humahangos si Seulgi ng nakarating sya sa eskwelahan. Muntikan na syang matrapik. Mabuti at naihatid sya ni Mang Banjo na naghahabal habal. Ligtas nanaman sa pamasahe ang ate nyo.
Tinahak ni Seulgi ang daan patungong BSBA building. Dadaan sya sa dean upang malaman ang schedule ni Irene. Dahil nga hindi ito nakikipagcooperate sakanya.
Balak nyang puntahan ito sa kanyang vacant time para mapagusapan ng maayos yung tutoring. Nasa isip na nya lahat ng sasabihin nya, nang biglang may humila sakanya at kinaladkad sya sa mini garden ng school.
"Seulgi, may sasabihin ako sayo".
BINABASA MO ANG
Tutoring Ms. Aphrodite
RomanceClichè story. SeulRene fanfic. :) There would be smuts along the way. So be prepared. WAG BASAHIN if hindi ganito ang type ng story na gusto nyo. Nabuo ko ang storyang to sa banyo. Bow. :D happy reading!