TMA 25

2 0 0
                                    

Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa table nila. Kasalukuyan akong tinututor ni Wheein.


"Ahm, ms. Irene?" tawag sakin ni Wheein. Agad ko syang nilingon. Hindi ako magpapakabitch. Una sa lahat dahil alam kong mabait naman tong isang to. Pangalawa, wala naman syang ginagawa sakin na ikinakairita ko. At pangatlo, ginagawa nya lang ang task na inatas sakanya. Agad akong humingi ng dispensa. Tumango naman sya at agad naming pinagpatuloy ang lessons.


Minsan napapatingin din sila samin. Pero madalas ako ang sumisilay. Tinitgnan kung masaya rin ba sya pag tinuturuan nya si Tzuyu. Kasing caring ba sya kay Tzuyu kagaya ng pag care nya sakin non? Nakikita kong nagbabasa ng libro, kagaya ng ginagawa namin noon. May ipapakita sya saking mga phrase or paragraphs na sabi nya maiinspire ako pag nabasa ko. Pero this time hindi na ako kausap nya. Hindi narin ako yung pinagbabaon nya ng kakanin.


Sa buong linggo kong pagiwas kay Seulgi, unti onti na kong bumabalik sa dati. Yung walang pakialam. Unti onti narin bumabalik sakin ang pagmamahal ko kay Bogum, naglalaan naman na kasi sya ng effort. Mas clingy narin sya. At mas may oras. Pagtingin ko kayla Seulgi, nakita ko na hinilig ni Tzuyu ang ulo nya sa balikat ni Seulgi. Napabuntong hininga nalang ako.

"Ms.Irene? Pakisagutan naman yung exercise 5?" sabi sakin ni Wheein. Agad ko syang tinanungan.


"Anong oras na?" tanong ko kay Wheein.

"3:58 pm na. Gusto mo na bang magbreak?" tanong din sakin nito pabalik.

Nagpanic ako. Bakit nagaayos na ng gamit sila Seulgi? Diba dapat hanggang alas singko pa sya? May pupuntahan pa ba sila ni Tzuyu? Nakita ko na nagsulat na sa log book si Seulgi at humawak na si Tzuyu sa kanyang braso. Naalala ko nanaman yung tinanong sakin ni Yeri kahapon. Sila na nga ba? Hindi man lang ba pinatagal ni Seulgi yung pangliligaw ni Tzuyu? Ganon lang ba dapat kadali? Nawala na sila sa paningin ko. Naiwan ako dito.

"Hindi. Tapusin na natin to. Para makauwe na tayo." agad kong sagot kay Wheein.


Natapos ang tutor namin, sinundo ako ni Bogum.

"Hello Ms. Beautiful, lets have dinner?" suwestyon nya.

"San? Medyo pagod kasi ko. Pwede bang sa malapit lang tayo kumain?" baling ko dito.

"Sa condo mo?" Sabay kindat nya. Napapikit ako. Parang hindi ko kaya na gawin ulit yon kasama si Bogum. Parang hindi pa ko ulit ready.


"Pwede bang next time nalang? Pagod talaga ko" sabi ko dito. Nakita ko ang mukha nya na parang iritado, pero agad din syang sumangayon. Hinatid nya ko sa condo.

"You sure ayaw mo gawin tonight?" Sabi nito. Napairap nalang ako sakanya.

"Im tired. Thanks sa pag hatid. Night" agad kong isinara ang pintuan para hindi na sya makapasok.


I did my night routine. Kinuha ko ang cellphone at nagscroll sa gallery. There I have a picture of Seulgi sleeping sa library, she looked so peaceful. So sobrang serene ng mukha nya hindi ko mapigilan ang hindi sya kuhanan ng picture nung araw na yon. I stared at her that day. Her face, her voice, her smell.. Her presence alone makes me feel calm. Natawa nalang ako sa sarili ko at napailing. Siguro dahil matagal ko na pala syang kilala. Naalala ko nanaman ang pinagusapan namin ni Tzuyu bago sya umalis papuntang Taiwan.



-flashback-


"Renie, pag nakita mo si Gigi, sabihin mo na yung sasabihin mo sakanya ah? Kasi baka mamaya unahan kita" sabi ni Yui.

"Natatakot ako Yui. Pano kung hindi naman pala nya ko gusto." Tanong naman niya kay Tzuyu.


"Pano mo malalaman? Pag di ka umamin, ako nalang aamin" saad ni Tzuyu. Nanlaki ang mga mata ni Irene. Alam naman nya na gusto rin ni Yui si Gigi. Pero nagparaya ito dahil alam din ni Yui na hindi nya kayang sabihin. Natatakot sya.


"Basta pag nagkachance ka na mahanap sya. Sabihin mo na agad." seryosong usap nila ni Yui


-end of flashback-


"Sorry Yui. Pero hindi din talaga ko sigurado kung yun parin ang nararamdaman ko ngayon" usap ni Irene sa sarili nya. Sinubukan nyang magpahinga na.


"Tomorrow's a new day" isip pa ni Irene.


Nagdaan ang mga araw na same routine ang ginagawa ni Seulgi, sa library sya pupunta, darating si Tzuyu, makikita nya si Irene. Repeat. Dumating ang Friday, napakabilis ng araw. Pero mukhang itong araw na ito ay iba. Hindi kasi mapakali si Tzuyu. Kaya hindi nya maiwasan tanungin ito.


"Anong nangyayare sayo?" tanong ni Seulgi.

"May gusto sana akong hingin na pabor" nakayukong sabi ni Tzuyu.

"Ano ba yon? Basta wag pera. Wala ako masyado non e. Haha" biro ko pa sakanya.

"Will you come with me tomorrow sa event?" mahinang tanong ni Tzuyu.

"Anong gagawen ko don? Di ako bagay don" agad kong sabi. Hindi ko gets bat nya ko sinasama, eh puro mayayaman don. Alam kong maaout of place lang ako.

"Please Gi? Yung event na yun is full of business people. Diba? Pwede mo mapractice ang social skills mo don if gusto mo talagang ipursue ang pagiging business woman mo." pangungumbinsi pa ni Tzuyu. Eto na nga. Pag may salitang "PLEASE" hindi nakakatanggi si Seulgi. Bumuntong hininga sya at nagisip. Wala naman sigurong masama kung sasama sya, may point din naman si Tzuyu, pwede syang matuto kung pano makipaginteract ang mga business people. Sort of a training narin siguro.

"Osige na nga. Pero anong isusuot ko don?" tanong nya kay Tzuyu. Agad nyang nakita na ngumiti ang dalaga.

"Tara, sama ka sakin" hila ni Tzuyu sakanya.

"San nanaman tayo pupunta?" natatawa nalang talaga si Seulgi. Para na syang kaladkarin, kahit san pwede.

"Basta!!!" saad ni Tzuyu.

Lingid sa kaalaman nila, nakikita ni Irene ang lahat ng ginagawa nila, at walang nagawa ito kundi ang tignan sila ng matatalim.

Friday


Setting: Mall

Oras: 6:21 pm

"AYOKO TZUYU!!" Alam ni Seulgi na nakakahiya itong ginagawa nya, pero pinilit sya ni Tzuyu na umupo at pagupitan sya. Ang malala, pinakulayaan pa sya ni Tzuyu ng buhok.

"Okay na yan Charles. Go na. Basta make sure na babagay sakanya ha" sabi ni Tzuyu sa kumakalikot sa buhok ni Seulgi.


"Absolutely Ms. Miranda! Ill make you the most beautiful girl after this." agad naman na sabi nitong Charles kay Seulgi.

Natatakot syang magiba nang hair style. Nasanay kasi sya na sa bakla sa parlor lang na kilala ng nanay nya sya nagpapagupit. Sumagi ang masaklap na alala nya ng tangkain nyang magpagupit sa ibang parlor. Hindi kasi sila nagkaintindihan ng bakla sa gupit na gusto nya,

kaya ang ending, para syang nagkaron ng helmet. Ilang buwan din nyang ininda ang panunukso ng mga kaklase nya. Napakasalimuot. All through out na pagpapaayos nya, nakapikit sya. Natatakot syang hindi bagay sakanya ang gupit ni Charles.

"Goodluck nalang talaga sayo Seulgi" isip ni Seulgi sa kanyang sarili.

Tutoring Ms. AphroditeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon