Napatingin siya sa cellphone niya nang malowbat ito. Hindi na niya tiningnan kung sino ang tumawag pero mukhang si Blaine yun.
"Umuwi kana, ako nang bahala dito." sabi nang mama niya nang lumapit siya dito.
Nasa ospital sila nang mama niya dahil isinugod nila ang anak niya dito. Bigla kasi itong nagsuka at subrang putla. Sabi naman ng doctor ay may stomach flu ang anak niya at kahit ok naman sila na umuwi ay nag pa admit parin sila para masigurado ang kalagayan ng bata.
"Ako na ma, kaw nalang ang umuwi. Hindi ako papasok bukas para maalagaan si Brooks."
"Sigurado ka?"
"Opo ma. Ingat po kayo sa pag uwi at laging mag lock ng pinto." paalala niya dito.
"Sige, basta tawagan mo ako pag may mangyari. Alis na ako." sabi nito bago kinuha ang bag at umalis na nga.
Habang siya naman ay napagdesisyonan na umupo sa gilid nang kama ng anak niya. Ibayong takot ang naramdaman niya kanina kaya talagang umiyak siya. Hindi sakitin ang anak niya kaya subrang nakakaawa ang mga palahaw nito at wala siyang magawa.
Hinaplos niya ang noo nang bata bago ito hinalikan sa noo. She then get up to check if dala niya ang magnetic charger na nabili niya sa shopee. Nang makitang dala niya ay agad niyang idinikit iyon sa likod ng cellphone niya para ma charge ang phone niya.
After few minutes ay naturn on na ang cellphone niya kaya agad niyang tiningnan ang mga text. Halos lahat galing kay blaine, kaya nagdesisyon siyang tawagan ang lalaki.
"Selene!"
"Pasensiya na, na lowbat ako."
"Can we talk? I need to tell you something."
"Wag muna ngayon, ahm pwede ba akong di pumasok nang dalawang araw?"
"Selene if you're mad at me please tell..."
"Nasa ospital kasi si Brooks." Putol niya sa sasabihin nito.
"What!!"
"Nasa ospital kami ngayon, may stomach flu ang bata so I decide to just stay for the night dito sa ospital para masigurado ang kalagayan niya."Paliwanag niya dito.
"What hospital Selene, and what room?"
"PGH. Second floor room 209."
"I'll be right there." sabi nito bago nawala sa linya.
Napailing siya bago ibinaba ang cellphone sa may paanan ng kama. Pinagkasya nalang niya ang sarili na titigan ang anak niya, nagugutom na siya pero ayaw niyang iwan ang anak niya. Sana nagpabili nalang muna siya nang pagkain sa mama niya bago ito umalis. Pag may nurse nalang na mag check makikisuyo nalang siya na bantayan ang anak niya.
Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatitig sa anak niya dahil nagulat nalang siya ng bumukas ang pinto ng kwarto kung asan sila at pumasok ang tatlong tao. Si Blaine at ang mga magulang nito. Agad siyang napatayo nang lumapit ang mga ito sa kama.
"Selene." Blaine said bago hinawakan ang kamay ng bata. Her son didn't even flench maybe because of the medicine na itinurok ng doctor dito. "What happened?"
"Stomach flu daw. Baka may nakain ang bata na may bacteria o nakasalamuhang tao na bitbit ang bacteria. Napainom na siya ng gamot at pwede naman daw kaming umuwi pero napagdesisyonan kong manatili muna dito over night just to have nurses and doctors to check on him." Paliwanag niya bago napatingin sa dalawang may kaedaran na magkapareha. Ang mga magulang ni Blaine.
Nakilala na niya dati ang mama nito pero hindi niya pa nakita ang papa nito sa personal.
"Magandang gabi po." Bati niya sa dalawa.