Chapter 7

5K 125 8
                                    

Linggo ngayon, at ngayon ang araw na ipapakilala niya ang anak sa ama nito.

After siyang ihatid ni Blaine at nagpaalam na agad ito. Nakausap nadin niya ang mama niya at hindi na ito nagulat dahil kamukha ng anak niya si Blaine. Pinagbiyak na bunga kumbaga. Ang gusto lang ng mama niya ay ang suportahan siya sa kung ano ang sa tingin ko ang tama para sa anak ko.

"Ang bango na nang baby namin." Dinig niyang sabi ng mama niya habang sinundan naman iyon ng bungisngis ng anak niya.

Nang lumabas siya sa kwarto niya ay nasa sala na ang mama niya at ang anak na kinikiliti nito sa leeg. Malusog ang baby niya, kaya laging pinanggigilan ng mama niya.

"Morning ma." Bati niya dito bago lumapit sa anak niya. "Morning baby."

"Oh kargahin mo muna. Mag bubukas lang ako ng tindahan. Napakain ko na yan at naligoan na din."

"Salamat ma." Sabi niya sa ina bago ito tumalikod. "May ipapakilala ako sayo mamaya baby." Kausap niya sa anak na agad na kumunot ang noo.

"M-ma ma."

"Yes baby. Makikilala muna papa mo." Sabi niya. "Gusto mo makilala si papa diba?"

"Opo, papa."

Ang laki ng ngiti niya bago hinalikan ang anak sa pisngi tsaka ito inilagay sa walker nito. Nakakalakad na ito pero hindi pa masyadong mahusay, natutumba parin ito minsan kaya pag nasa bahay siya ay nilalagay niya ito sa walker. Nakakapagsalita na din ito pero konting words palang.

"Nak may bisita ka." Sigaw ng mama niya kaya napatingin siya sa pinto only to see Blaine standing behind her mom.

"Good morning." Bati nito kaya napatingin siya sa relo sa sala.

Alas syete palang nang umaga. Ang agad nito.

"Maiwan ko muna kayo." Sabi ng mama niya bago ito umalis at maiwan sila ng lalaki at nang anak nila.

"Ahm tuloy ka." Sabi niya bago nilapitan ang anak at kinarga ito ulit tsaka siya lumapit sa lalaki na nakapako na ang tingin sa batang karga niya.

"Good god." Bulong nito pero dinig niya naman.

"Gusto mong kargahin?" She ask kya napatingin ito sa kanya. Ngumiti siya bago tumango. "Its ok. Hindi nananampal ang anak mo at hindi din siya nangangagat."

Napalunok ito bago huminga ng malalim bago mas lumapit sa kanila.

"Baby." Tawag niya sa anak na agad naman tumingin sa kanya. "Diba sabi ni mama may ipapakilala ako sayo?"

Tila nakakaintindi ang anak niya dahil tumango ito kaya napangiti siya.

"Siya ang ipapakilala ko." Turo niya kay Blaine. "Siya si papa mo."

"P-papa?"

"Yes anak." Sabi niya bago pinisil ang malusog na pisngi ng anak. "Karga ka muna ni papa ha?" Sabi niya bago siya tumingin ulit kay Blaine na titig na titig sa kanila ng anak niya. "Ready kana?"

"Baka maibagsak ko o mabalian ko?" Takot nitong sabi kaya napatawa siya bago inabot ang bata dito.

"Here." Sabi niya at agad naman niyang kinarga ang anak nila. "Alalayan mo ang likod." She said na agad nitong sinunod. "Kaw muna bahala sa anak mo, may kukunin lang ako sa kusina." She said bago iniwan ang mag ama.

Wala naman talaga siyang kukunin sa kusina. Gusto niya lang bigyan ng oras si Blaine na masolo ang moment na to. Sumilip siya sa may pinto at napakagat labi kasabay ng pangingilid ng mga luha niya nang makita ang lalaki na mahigpit na yakap ang anak nila habang umiiyak.

Yes, umiiyak ito habang ang anak nila ay nakayakap naman sa leeg nito na tila pinapakalma ito.

When Blaine open his eyes ay agad iyong tumingin sa kanya kaya napalunok siya.

"I'm sorry baby." Sabi nito habang nakatitig sa kanya. "I'm sorry for leaving."

Ok hindi siya sigurado kung siya ba ang sinasabihan nito pero baka sa anak niya ang pag sosorry nito. Dahil hello, bat naman ito mag sosorry sa kanya. Wala naman silang relasyon dati at lalo na ngayon.

Tumikhim siya bago naglakad palapit sa mga ito.

"Ok ka lang?" She ask.

Tumango ito bago siya nilapitan at biglang hinila gamit ang isang kamay nito, he then grab her nape and kiss her forehead.

"Best moment."

Rumor Has ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon