Chapter 23

4.5K 127 13
                                    

Nagtatakang napatingin siya kay Blaine ng huminto ang kotse nito sa building nang condo nito kung saan ito nakatira sa college dati.

"Bat andito tayo?" She asks nang bumaba sila ng kotse at naglakad patungo sa elevator.

"Don't you miss this place Selene? Ang dami nating memory together dito." He said bago siya niyakap sa bewang.

She let him be dahil silang dalawa lang naman sa elevator. When they reach the top floor ay hindi niya mapigil ang mapangiti.

Tama ito dahil ang dami nilang memory sa condo nato. She could still see herself standing infront of his condo door and thinking hard if kakatok ba siya o uuwi nalang. The nervous and fear she felt that day knowing she will surrender her body for the sake of money.

"Anong pang ginagawa mo diyan? Pasok."

Napatingin siya kay Blaine at nakita itong nakangiti. Goodness mukhang naalala din nito ang unang punta niya dito dahil yun ang exact word nito sa kanya.

She gets it at inilibot ang tingin sa paligid. Tila siya nagteleport sa nakaraan. The place still looks the same. Even the sofas and how she still remembers it.

Lumakad siya patungo sa gitna ng living room area bago bumaling sa binata.

"Hindi mo ito binenta?"tanong niya.

Blaine shook his head. "No. This place holds too much memory that is important to me Selene." He said habang nakatitig sa kanya.

This passed month alot has changed. Kung dati eh halos araw araw siyang ulam sa chismis sa opisina, ngayon naman ay kinatatakutan siya. Mula ng malaman ng mga empleyado sa kumpanya ni Blaine kung sino siya sa buhay nito ay iba na din ang trato sa kanya.

But she doesn't really care about that. All she cares about is how her relationship with Blaine and his family blossoms these passed months. Her mom and Blaine's mom became friends at magkutawang ang dalawa sa pag aalaga ng apo. While she helps Blaine as much as she could when it comes to work lalo pa at mas lalong lumago ang negosyo nito.

"You see this is the place where my girl surrender herself to me." Sabi nito kaya napakurap siya. "The day I claimed her body and soul as mine."

Napakagat labi siya bago napatitig dito. Ang gwapo din talaga ng lalaking to.

"I have a story to tell you. You see when I was in college, I always saw this girl who's too oblivious about her surroundings. Lagi itong nagmamadali pag napapadaan sa tambayan namin. She always got this messy hair sa umaga na tila di man lang sinuklay and she always looks lost every time she step inside the campus. Then one day she bumped at me, or should I say I didn't move so she could bumped at me. Big mistake dahil yun ang dahilan kaya mas nakita ko siya ng malapitan at maamoy. Her scent entice me. Ang bango niya and her voice is so seductive when she said sorry."

Lumapit ito sa kanya bago huminto sa harap niya. Habang siya ay nakikinig lang dito.

"Then from that day I always see to it na makita ko siya sa campus. I became her stalker. Fuck I even know her schedule and make sure na walang umaaligid sa kanyang lalaki." He said na ikinalaki ng mga mata niya at ikinangisi nito. "Yes, I made sure na walang lalaking makakalapit sa kanya. But I guess faith got tired of my antics and decided to help me out. Things happened that landed her inside this condo and surrendering herself to me."

"B-blaine."

Huminga ito ng malalim bago hinaplos ang pisngi niya.

"The moment na nakita ko ang mukha mo, alam kong magiging parte ka nang buhay ko. My friends always told me why am I so obsessed with you back in college but never got the courage to confess to you, well because I don't know how. Masaya na akong nakikita ka lagi. Pero marunong maawa ang tandhana. Kaya nangyari sa atin ang kailangang mangyari para lumabas sa mundo si Brooks."

Hinaplos nito ang labi niya bago isinandal ang noo sa kanya.

"Siguro nga wala kang pakialam sa paligid mo because back in college rumor has it na boyfriend ka ng isang ako. Geez I don't even know if you heard that, but for me masaya akong napabalita ang chismis na yan."

Huminga ito nang malalim bago itininga ang mukha niya para magka titigan silang dalawa.

"What I'm saying here is, I love you the moment my eyes laid on you. It took me too many years to realize it but after thinking and thinking hard, I realized mula pa dati mahal na kita, I just don't like you Selene. Mahal kita at ang bobo ko para di narealize yun."

Napakurap siya bago nagsalita.

"Mahal mo ako?"

"Tsk maganda nga, bingi naman."

Rumor Has ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon