Chapter 9

4.8K 114 13
                                    

"One o'clock inspection in two hotels in Makati and four of the restaurants sir. After that you are free for the day." Sabi niya after basahin ang schedule ni Blaine.

Monday na ngayon at balik trabaho na sila. So far so good. Civil and professional naman sila dito sa trabaho.

"Thanks Selene. You will accompany me during the inspection then we will go straight home to your house para makita ko ulit ang bata at makalaro. We will leave here around eleven thirty para sa labas nadin tayo mag lunch. Then after that, we will go home to your house para makalaro ko uli ang anak natin."

"Di ka napagod kahapon?" She asks dahil halos alas diyes na ito nakauwi dahil sa pakikipaglaro sa anak nila.

Ngumiti ito bago umiling. "Not at all. Plus I wanna spend more time with him to make it up noong wala ako sa tabi niya."

Tumango siya at di na nakipag argumento. "Kaw bahala. But for now magtrabaho ka muna at permahan mo na ang mga dokumento na kakailanganin ng finance department."

"Yes ma'am." Sabi nito kaya nagpaalam na siya.

The moment she get back to her chair ay nagsimula nadin siyang mag trabaho. Ang dami niyang files na aayusin at mga kleyinte na tatawagan. So the whole morning passed by with both of them so busy, nagulat nalang siya ng makita si Blaine na nakatayo sa gilid ng mesa niya.

"May kailangan ka?"

"Lets go." He said kaya napatingin siya sa orasan at nakita niyang eleven twenty five na.

"Ok, wait lang." she said bago isenave ang mga ginawa sa computer bago kuha ng bag niya at notebook at pen na nakasanayan na niyang dalhin. "Tara."

Inside the elevator ay nakatayo siya sa likuran ni Blaine but since it's lunch hour na ay kada floor humihinto ang elevator at may mga empleyado na napapasabay sa kanila kaya ngayon ay nakaharap na sa kanya si Blaine habang ang dalawang palad nito ay nasa magkabilang gilid ng elevator wall na tila pinoprotektahan siya.

She could see other employees keep on looking at them kaya yumuko nalang siya para maiwasan ang mga matang nanunuri sa kanya.

Nang umabot na sila sa lobby ay pinauna muna ni Blaine ang ibang empleyado bago siya nito hinawakan sa kamay at hinila palabas. He didn't let go of her hands habang naglalakad sila sa building.

When they reach outside the building ay naghihintay na sa kanila ang kotse nito at ang company driver.

"He will take us around. I don't feel like driving. But let's eat first." Sabi nito kaya tumango nalang siya.

Both of them seated sa backseat ng kotse. At habang nasa byahe ay pinag aaralan ni Blaine ang mga papeles ng dalawang hotel at mga restaurant na pupuntahan nila.

When they arrive to the restaurant that was also owned by Blaine ay agad silang inistema ng manager.

Papaupo na sana siya dahil nagpaalam na magbabanyo lang si Blaine ng may magsalita sa likuran niya.

"So the disgrace is here?"

Nang tingnan niya ang nagsalita ay agad na sumama ang pakiramdam niya dahil nakita niya ang numero unong taong nanmbully sa kanya si Messy.

"Kamusta na ang pokpok nang taon? Nakabingwit ka naba ng sugar daddy na pagkakaperahan mo?" Nang uuyam nitong sabi.

Hindi siya nagsalita na tila mas lalong ikinasaya nito.

"Kamusta na yong anak mo? Diba nabuntis ka ng walang ama? I bet pina ampon mo ang bata. Which is good dahil mag karoon ba naman ng nanay na tulad mo diba? Pariwara at mahirap." Malakas nitong sabi na tila sinadya nito dahil nagtinginan sa kanila ang mga tao.

"What's going on here?" Anang boses ni Blaine bago niya naramdaman ang palad nito sa likuran niya.

"Blaine!" Gulat na sabi ni Messy. "What are you doing here? And why are you with her?"

Right, kaya nga pala mainit ang dugo ng babae sa kanya dahil may gusto ito sa binata way back in college at dahil lagi siyang nakikita na kasama si Blaine ay todo ang galit nito sa kanya mula pa dati.

"Who are you?" Blaine asks.

Napakurap ang babae bago ngumiti ng malandi. "I'm messy, magka schoolmate tayo back in college." Sabi nito bago inilahad ang kamay sa binata.

Blaine look at the hand bago ito sumagot. "Ok." He said before ignoring Messy and looking at her. "You ok?"

Tipid siyang ngumiti at tumango.

"May anak na siya." Biglang sabi ni Messy kaya napatingin sila dito. "Pagkakaperahan ka lang ng babaeng yan. May anak na yan sa pagka dalaga." Nang uuyam nitong sabi.

"Correction may anak kami." Blaine said na ikinalaki ng mga mata ni Messy. "May anak kami at kung ka schoolmate ka namin, then you know damn well that since Selene is on her second year college ay may relasyon na kami. I don't need to explain this to you but for the sake of your mind let me tell you na nabuntis ko si Selene before I leave to go abroad. Hindi siya pokpok gaya ng sinasabi mo, I am the only man in his life. So for your safety , might as well leave bago pa kita ipakaladkad sa mga security dito." Blaine said bago siya hinarap. "Let's eat in a different table baby. The air here stinks like garbage." He said bago siya hinawakan sa kamay at nagpalipat sila sa pribadong area ng restaurant.

Nang makaupo sila ay agad na nagsalita si Blaine.

"Bakit dika lumaban? Is she one of the people who bullied you while pregnant in college?"

Tumango siya bago ngumiti dito. "Yes, at kaya ako lumaban dahil ano naman ang sasabihin ko? Totoo naman na nabuntis ako na wala ang ama ng anak ko. Ayaw ko namang sumagot dati dahil baka awayin ako ng physical at madamay pa si baby sa loob ng tiyan ko. So I endure it and it's over now. Ok na ako, those events is part of my past now." Sabi niya bago tiningnan ang mata nito. "Salamat sa pagtatanggol sa akin ha. Pero baka ipagkalat ng mga nakarinig na empleyado ang sinabi mo kanina. Baka makasama sa image mo."

"I don't care about my image Selene. Sooner or later malalaman din naman ng marami na may anak tayo."

"May anak kana?"

Gulat silang napatingin sa nagsalita at agad siyang napatayo ng makilala niya ito.

"Ma! What are you doing here?"

"Don't change the topic now. I heard you few seconds ago. May anak kana? May anak kayo?" Sabi nito bago siya tiningnan.

Patay

"Paano na si Beatrice? Ang kasal niyo?"

Gulat na napatingin siya kay Blaine na agad na napatiim bagang.

"Ma!"

"What? Malapit kanang ikasal iho. Ano na namang problema to."

"Please let's not talk about that here." Blaine said bago siya tininan. "I'll explain later Selene."

"Selene? You're Selene?"

"Ma please."

Tumingin ang ginang sa anak nito bago nagsalita. "Bakit hindi mo sinabi? We need to talk to your dad iho. Tonight, go home in our house. This is important."

Tangina ano bang nangyayari?

Rumor Has ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon