Chapter 8

4.8K 122 8
                                    

Nakatingin siya sa mag ama na nakahiga sa ibabaw ng kama niya. Well, Blaine is laying on the bed habang ang anak nila ay nakadapang natutulog sa ibabaw nito.

Halos limang oras na sa bahay nila ang binata at walang kapaguran ang mag ama na naglaro mula pa kanina, well ngayon knock out na ang anak nila sa ibabaw nito.  Habang ang lalaki ay halata mo masyadong masaya.

"Can you take a picture of us Selene?" Tanong nito.

"Dikapa nakontento sa mga pictures at video na kinunan ko mula kanina?" She asks dahil ang naging cameraman siya kanina.

Ngumisi ito bago umiling. "Nope. But this time I want you also in the pictures. Come lay next to me." Kaswal nitong sabi.

Di na siya nagpacute pa at humiga na sa tabi nito habang inilipat nito sa kama at sa gitna nila ang bata. Di man lang nagising o gumalaw ang anak nila sa lalim ng tulog nito dahil sa pagod.

Once everything is settle ay iniopen niya ang camera sa phone ni Blaine at nag group pictures silang tatlo. Both her and Blaine have this big smile on their faces habang tulog naman na medyo nakanganga ang anak nila. After taking couple of pictures ay inabot na niya ang cellphone ng binata dito.

She already got some pictures of them on her own phone na ginawa na niyang wallpaper sa cellphone niya.

"This is one of the happiest moments of my life Selene." Sabi nito kaya napatingin siya sa mga mata nito. He got this little smile on his lips habang nakatingin sa kanya.

"Hindi mo naman siya kukunin sa akin diba?" Tanong niya. Kanina niya pa iyon gustong itanong.

"No! Why would I do that? I am not that bad Selene para kunin sayo ang anak natin after what happened. Pero sana bigyan mo lang ako nang karapatan na maging ama niya at makasama siya." Sabi nito.

"Oo naman. Gusto ko din namang lumaki si Brooks na kilala niya ang ama niya at mafeel niya kung ano ang pakiramdam na may ama sa tabi niya habang lumalaki." Sabi niya bago tumagilid ng higa paharap dito. "Paano pala ang trabaho ko? Hindi mo naman ako tatanggalin diba?"

Umiling ito. "No Selene. You will still work with me. You know damn well how much I need an assistant right. So yes, you will stay and work with me."

Ngumiti siya bago bumaling sa anak niya ng madinig niya ang mahina nitong paghihilik. "Pinagod mo masyado."

"No baby, siya ang pumagod sa akin. Geez this kid surely got some energy."

Napatawa siya bago bumangon na sa kama. Magluluto pa siya ng lunch nila.

"Dito kana muna. Magluluto lang ako ng pananghalian."

"Nah, let's just order some food Selene. I'll take care of it." Sabi nito bago tumayo nadin.

"Sasabihin mo ba sa pamilya ang tungkol kay Brooks?"

"Yes. I need to. I want my family to meet the both of you."

Napakunot noo siya. "Bakit kasama ako?"

"Dahil ikaw ang ina ng anak ko Selene." Kaswal nitong sagot. "Anyway, I'll just pick the food in a restaurant and buy some new toys for our son. Because I know once this little monster woke up, we will play again."

"Ok. But not alot of toys Blaine. Isa o dalawang laruan lang."

"Hmm."

"Seryoso ako." Sabi niya na ikinangisi nito.

Blaine come closer to her bago siya inabot para halikan sa noo.

"Yes mama." Sabi nito kaya hinampas niya ito sa dibdib na ikinatawa nito. "What? Gusto mo wife?"

"Magtigil ka." Namumula niyang sabi.

Mas napangiti ito bago dinampian ng halik ang labi niya. "Yes baby. Bye, I'll be right back." Sabi nito bago lumabas na nang kwarto niya.

Napahawak siya sa labi niya bago napabuntong hininga. Ayaw niyang mag isip.

Tangina

Rumor Has ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon