Chapter 11

230 18 0
                                    

Silvianna's POV:

Naglalakad kami ni krazer sa hall ngayun pero nararamdaman kong naiihi ako jaya kinalabit ko siya.

"Teka lang Krazer mauna kana c-cr lang ako" pag papaalam ko.

Tumango naman ito.

"Basta bilisan mo" natatawang sabi niya kaya sinamaan ko muna ito ng tingin bago mag lakad pa alis.

Nag hu-humm ako habang naglalakad.

May nakita naman akong puting pusa na nasa gilid ng hallway sobrang cute pa.

"Hello, asan amo mo? " pagtatanong ko na ineexpect na sasagutin ako ng pusa.

" Meow" umalis nalang bigla yung pusa iniwan akong nakatulala sa ere.

Hanep ng pusang yun siya nanga tinutulungan siya pa umalis.

Naiihi na ako.

Tumakbo ako ng mabilis patungong CR.

Pero napahinto ako sa tapat ng pinto ng makita kong nasa loob si Charlotte.

Tinaasan naman ako nito ng kilay.

"Oh bakit hindi kapa pumapasok?"

Umatras ihi ko bigla.

"Pumasok kana" nakangiti ito ng matamis.

May kutob akong may masamang mangyayari.

Nagkakatotoo pa naman minsan ang kutob.

Pero minsan lang naman.

Wala namang magagawa yan.

Pumasok naman ako at humarap na sa salamin habang  siya nakatingin lang sa akin nang nakakatakot.

"Masyado ba akong maganda para titigan mo ng ganyan? " nakangising sabi ko para bawas bawasan ang tensyon sa aming dalawa.

Nakita kong nilock niya ang pinto sa Cr kaya naalarma ako.

Lumapit siya sa akin.

Gosh nababakla yata siya sa ganda ko.

" alam mo bang dahil sayo nagkabulilyaso ako? " galit na sabi niya.

"Kasalanan ko bang nagloko at pera lang habol mo sakanya? Hindi ko kasalanan na minalas ka sa lovelife" matapang na sabi ko tinaas ng bahagya ang kilay ko.

Akmang hahablutin nito buhok ko pero hinarang ko ang braso ko.

"TEKA LANG! PWEDE MAMAYA NA PUPUTOK NA PANTOG KO NAIIHI AKO! " malakas na sigaw ko at mabilis na pumasok sa isang Cubicle at umihi.

Narinig namag nag tch siya.

Haaa.. Muntik na yun buti nalang nailabas ko lahat.

Walang labis walang kulang.

"Tapos kana ba jan? Ang tagal ah" naiinip na sabi niya.

Ikaw kaya ang pigilan ang ihi ng napakatagal?

"Ito na ang mainipin naman"

Lumabas na ako at nag ayos muna.

"Sige Take 2" nakangiting sabi ko.

"Total malapit ka rin namang mamatay pag bibigyan kita" agad kumunot ang noo ko.

TAKE 2

hinablot niya bigla ang buhok ko.

Aray pucha.

"Napaka kapal ng mukha mo! " sigaw niya habang hinahablot parin buhok ko.

Hinablot ko rin ito sa buhok kaya napasigaw siya.

The Badboys Bet (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon