Chapter 38

123 6 3
                                    

"Mahal mo ba ako?"

nakita ko ang pag aalangan sa mga mata niya.

At hindi siya makatingin ng tuwid sa akin.

"Silvia i l-"

Isang malakas na tinig ang pumukaw sa katahamikan namin dito.

tinatawag ang pangalan niya sa loob.

tumingin siya sa akin na may maluhang mga mata.

No, not now i still want to know the truth....please....

Akmang tatalikuran niya ako pero nagsalita ako at hinawakan ang mga braso niya.

"Please Claider tell me the truth mahal mo ba ako?" hindi ko na makilala ang boses ko ngayun sa kakaiyak at kakasigaw ko kanina.

Hindi siya lumingon at deretso lang ang lakad niya.

ito na naman sinasaktan niya na naman ako ng ganto.

humigit ako ng malalim na hinga.

"isang hakbang papalapit sa lugar nayan isang sagot ang maiisip ko....h-hindi moko mahal" pumiyok ang boses ko dulot ng sakit sa ginawa niya.

napahinto siya at nagdadalawang isip kung hahakbang paba siya at pinipigilan ang sarili niyang lumingon sa akin.

Napangiti ako ng mahina.

"That's right baby.. Come back to me hug me, kiss me like you always did" mahinang bulong ko na tama lang para marinig niya.

Akmang lilingon na siya pero pinipigilan niya ang sarili niya.

"please come back....claider i know you want me please..."umiiyak na saad ko sakanya.

" kahit lumuhod ako dito at maakaawa sayo bumalik ka lang at harapin moko... Please kahit....gawin mo akong kabit sa relasyon niyo, tignan mo lang ako at bigyan ng atensyon I'm ready to sacrifice my pride to be with you" humahagulgul sa sabi ko.

"Kahit..gusto ko ako lang... K-kaya kong maging kaliwang asawa mo, kakayanin ko please... Bigyan mo ulit ako ng atensyon... Tignan mo ako sa mga mata ko gaya noon. "

It's too hard to let you go..

napaiyak nalang ako ng todo dahil sa humakbang na siya papalayo sa akin ng wala man lang pag dadalawang isip na lingunin ako.

Nang tuluyan na siya malawa sa paningin ko doon ako nakaluhod dahil sa pang hihina

Sumigaw ako... "C-claider"

hindi niya ako mahal...

mga ilang minuto pa akong iyak ng iyak dun hanggang sa naisipan kong umalis sa lugar na yun at pumunta sa roof top ng building.

Umupo ako sa pinaka dulo kung saan nakikita ko ang ibaba ng building na kay umuuwing mga tao.

Kitang kita ko ang mga ilaw dito ang sarap ng hangin.

Sumasakit na ang mga mata ko kakaiyak hindi ko mapigilan.

Naramdaman kong may tao sa likod pero hindi ko nilingon.

"M-miss masama ang binabalak mo" nanginginig ang tono sa nagsalita sa likod ko.

Umiling lang ako.

Naramdaman ko ang presensya niya na papalapit na siya sa akin.

"Wag kang lumapit kundi tatalon ako" matapang kong giit.

Hinarap ko siya.

Isang magandang babae, morena at may pag aalala sa mukha niya.

Hindi siya gumalaw at tumingin lang sa mga mata ko.

"May problema kaba? Masusulosyonan naman yan" napangiti ako sa sinabi niya at may munting luhang tumulo sa mga mata ko kaya agad akong nag iwas at umiling.

"Masusulosyonan? Kahibangan" umiling iling ako habang humihikbi na naman.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap sa likod at humagulgul din.

"Hindi ko alam ang pinagdadaanan mo pero ramdam ko yung sakit mo ayaw na ayaw kong may nakikitang umiiyak sa harapan ko kaya niyayakap ko sila at sinasamahan sa pag iyak" ngumiti siya.

May kung parang humaplos sa puso ko.

"Pwede mo bang sabihin kung anong problema? Okay lang naman kung ayaw mo" hinihimas niya ang likod ko.

Mahina akong tumango at sinabi sakanya ang lahat.

"Aba! Hayop pala yan eh kapal ng balat! " komento niya sa mga sinabi ko.

"Sino yung lalaki? "

Nag aalangan ako sa huli pero sinabi ko.

"C-Clai----"

Hindi ko na madugtungan kasi ayaw kung sabihin ang pangalan niya.

Ayoko.

Tumingala siya sagot ko.

"Ahh si Claid--" pinutol ko ang sasabihin niya at tumango naman siya.

"Eh nung nandoon ako hindi naman siya nagpakita" inosente niyang sambit.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"B-bakit daw? " may pag asa pa akong nakikita ngayun.

Babalik pa siya...

"May sakit daw" kasinungalingan!

Sakit sa ulo kasi sinabihan ko siya ng ganon?

O

Sakit sa puso kasi nag sisi siyang iniwan niya ako?

Hindi ko maintindihan!

Naguguluhan ako...

Pero isa lang ang sigurado sa akin.

Babalik pa siya may pag asa pako.

Kahit lumuhod ako magmakaawa bumalik lang siya.

Ganun ko siya kamahal.

"S-sa tingin mo may pag asa pa kami? " tumingin ako sakanya at ngumiti siya at tumango.

"Hanggat may pag asa lahat gagawin" napangiti ako sa sinabi niya.

Right! May pag asa pa!

Gumaan ang loob ko at kinalimutan ang mga nangyari kanina.

I will let him explain everything clearly.

"Thank you" ngumiti ako sakanya sinuklian niya rin naman iyon.

"Welcom basta best friends na tayo ah! I'm Via" inakbayan niya ako.

"Silvia"

Sa gabing iyon nag kwentuhan kami sa mga problema namin at chineer up ang isa't-isa

Nag plano rin siyang samahan akong puntahan sa bahay nila Claider bukas.

I will bring him back...

The Badboys Bet (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon