Chapter 21

175 17 3
                                    

Nakatulala ako ngayun sa kwarto ko nakahiga sa kama.

"Mahal kita Silvia"

Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko yan.

Hindi ko na alam gagawin ko.

Nakarinig ako ng tunog sa tabi ko.

Nilingon ko ito at inabot.

"Yes? "

[Madam may nangyari po sa papa niyo]

Agad akong napabangon dahil sa sinabi niya.

Nakarinig ako ng bawat iyakan sa tawag.

"What happened? " kunot noong sabi ko.

[Nasagasaan mo siya at malala ang pinsala sa katawan inooperahan siya ngayun]

Parang kung ano malamig na bagay ang dumaloy sa buong katawan ko, napatakip ako sa bibig dahil sa gulat at agad na may namuong luha sa mga  mata.

"S-sige po maraming salamat sa pagsabi, pupunta na agad ako dyan"

Agad kong pinatay ang tawag at nanginginig na nagmamadaling  lumabas.

Nakita ko pa si Cylen na aakbayan sana ako pero iniwas ko kaya napakunot noo niya.

"Saan ka pupunt---

Hindi ko na siya pinansin dahil nagmamadali akong tumakbo patungong gate para mag hanap ng masasakyan.

Hindi na binalik ni papa ang sasakyan ko nung malaman niya ang pinanggagawa ko dito.

Nakita ko sila Charlotte na tumatawa kasama ang mga kaibigan niya habang naglalakad.

Pero wala akong pakealam sakanila ngayun... I need to go to my father.

Nangmakita nila ako agad niya akong Hinarangan  kasama ang mga kakampi niya.

" oohh asan ka pupunta?" hawak bewang na sabi niya pero pilit kong isiniksik ang katawan ko para makalagpas sakanila.

"Wala akong oras para makipag away nagmamadali ako! "

"Umalis kayo sa dinadaanan ko! " pilit ko silang itulak pero hawak nila ako.

"Hindi ka aalis" pilit rin nilang hinihigpitan ang hawak sa mga kamay ko.

Wala akong ibang iniisip ngayun kundi ang papa ko.

I need to go!

Baka ano na nangyari sakanya.

Nangilid na ang mga luha ko dahil sa kaba na kung ano ng nangyari sa papa ko.

My father needs me..

"Walang aalis silvia" ngumisi ito.

Punong puno nako sa mga ginagawa nila hindi pa nga ako nakakaganti dadagdagan pa nila.

"Oh bat ka umii--- PAKKKKKK!

isang malakas na sampal ang binigay ko sakanya na umalingangaw sa buong lugar.

Nahimatay siya.

Napatingin ako sa mga kasamahan niya.

" wag niyo ako pinagtritripan at hinaharangan baka gusto niyong kayo mismo gawin kong daanan? " nanginig sila sa takot ng boses ko.

"B-bakit nakakalaban ka parin eh mag isa kalang" takot na sabi nitong mukhang clown.

"I don't need  someone to fight for me darling, i can fight for myself" agad akong umalis sa lugar nayon.

Wala na akong sinayang na oras at sumakay na ako ng taxi.

******

Pagkababa ko ng sasakyan tumakbo ako sa kwarto kung saan inooperate si papa.

Papa please be safe...

Sa pag karating ko ang mismong pag labas din ng doctor.

Agad akong pumunta sakanya.

"Maayos naba papa ko? " nag aalalang sabi ko ngunit yumuko lang ito.

"I'm sorry, sinubukan namin lahat ng makakaya namin pero h----

" nagpraprank kaba? T-tell me you are joking right? " tumawa ako ng mahina pero pilit.

"We did our best but it's really h---

" No!! That's not true! You liar! Buhay pa siya! Kasi malakas siya! Hinding hindi niya ako iiwan! " malakas na sigaw ko sakanya na nanginginig ang boses.

Napayuko siya lalo....

No please don't....

I'm begging you please don't say it.....

"I'm very sorry....please excuse me. " napaluhod nalang ako habang humahagulgul.

"N-no.... My dad is alive... " wala akong pigil sa pag iyak habang nakaluhod.

Dad... Why did you do this...

"W-wala na po tayong magagawa" naiiyak sa sabi nitong katulong na nagdala dito kay papa sa ospital.

Tanging hagulgul ko lang ang naririnig ko sa buong lugar.

Ang sakit ng damdamin ko ngayun hindi ko na alam kung ano susunod kong gagawin.

Wala na yung taong nagsusuporta at nagmamahal sakin simula nung namatay si mama.

"P-papa.... "

****

Umuwi ako sa mansyon namin na mugto ang mga mata at walang ganang  tumitingin sa paligid.

Simula ngayun magiging malungkot na lugar na ito...

"Madam, ikaw na ang susunod na magmamaneho ng kompany---

" shut up, i don't want to hear that shit i want to rest" malamig na usal ko.

Ayoko ko munang pagusapan ang lahat masyadong malungkot ang araw na to.

Pagdating sa kwarto nagsimula ulit akong umiyak.

Naaalala ko yung mga kakulitan ng papa ko noong bata ako.

"Gusto mo ice cream? " may pa inggit inggit pa si papa sa harap ko kasi may ice cream siyang dala.

"Opo" liwanag na mukhang sabi ko.

"Kanta ka muna" nakabusangot ako ngayun.

Ito naman kasi palagi ako pinapakanta tapos tatawanan.

"Wag kana bumusangot jan dali na yung bahay kubo" napakunot ang noo ko.

"Hindi naman ako marunong nun eh" tumawa siya ng mahina.

"Alam mo yun" nginitian ko siya.

"Bahay kubo kahit munti, ang halaman doon ay sari sari" pumapalakpak pa siya kaya mas lalong ginananahan akong kumanta.

"Singkamas at talong, patatas at kamatis? " tumawa siya ng kunti pero pinagpatuloy ko parin.

"Bulalo, sinigang at talong! "

"HAHAHAHAH" napanguso ako sa mukha niya ngayun.

"B-bakit napunta sa bulalo hahaha haaa sakit sa tyan" tumatawa parin siya habang nakahawak sa tyan niya.

"Sabi ko hindi ako marunong eh, akin na" inilahad ko ang kamay ko para maibigay siya ang ice cream.

"Here"

Napangiti ako ng mapait...

Simula ngayun hindi ko na maririnig tawa niya.

Yung mga paalala niya at sermon niya...

Yung akalang kong gagabayan ako at sasamahan ako hanggang sa makatungtung ako ng entablado at sabihing "papa natapos na rin"

Yung pagsabi niya ng "I'm so proud of you anak"

Patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko habang nakahiga.

Hindi ko maiwasang magtanong ng bakit? Ang aga?

The Badboys Bet (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon