~♪Chapter TEN

140 2 0
                                    

Pangarap Lang Kita

WINTER MAY CHLOE’S POV

Okay andito na ako ngayon sa classroom. Hinihintay ko nalang na dumating yung teacher namin kasi malapit na din namang magtime. Unti-unting dumadami na nga yung mga kklase ko pero wala pa din si Venice eh. Nasan kaya yun? Ano bayan kung kailan naman kailangan eh.

Pero grabe, nakakahiyang drama yung kanina. May pahabol effect pa ako kay Summer ahh! Swerte ko na nga din ngayon kasi wala pa rin siya dito sa room.

Ano namang gagawin kong explanation sakanya pag tinanong nya ako kung bat ako tumakbo kaninang nakita niya ako? Ang OA parang nasa teleserye lang kami eh! Tsk!

Hayy, 3mins. Nalang at time na pero bat wala pa din si Venice?

Then saktong pagisip ko nun bigla naman dumating yung apat. Sino pa bang apat? Edi sina Venice, Juliane, Leo and Adrienne. Wow! So kailangan sabay sabay talaga sila? Kita ko naman na pulang pula yung bestfriend ko.

Dumiretso naman sya dito sa tabi ko. Sa upuan ni Summer, since wala pa naman siya.

“You can’t believe that guy! Grrrrr! Nakakabwiset talaga siya!” Venice.

“Anyare na naman sayo bestfriend? Para kang makakapatay nyan sa itsura mo ah? Woaaah! Kakatakot!” Binuntutan ko pa ng tawa yung sinabi ko sakanya.

“Makakapatay na talaga ako bes! Can’t you really believe it? Kanina nung umalis ka, kung ano-anong pang-aalipusta yung sinabi sakin nung Julianne na yun? Kesyo kaya pala daw ang taba ko kasi ang lakas ko lumamon, eh samantalang hello? Sandwich lang kaya yung kinakain ko kanina! Nakakastress sya! Grrr!”

 “Bes ano ba? Relax lang! Inaasar kalang nya! Para talaga kayong aso’t pusa! Kakatuwa nga kayo eh!”

“BES BULAG KA BA??!! ANONG NAKAKATUWA DUN EH HALOS MAGPATAYAN NA NGA KAMI TUWING MAGKAKAUSAP KAMI KASI HINDI KAMI HALOS MAGKASUNDO?!”

“Grabe bes! Uso huminahon! Kailangang nakasigaw? Yung totoo? Bawal kumalma? Grabe hah!” Nakakaloka talaga tong bestfriend ko! Parang dragon na anytime eh bubugahan ako ng apoy eh! Kakatacute!

“Sorry naman bes.”

Okay salamat huminahon na siya. “Nga pala bes, nakuha mo ba yung ballpen mo sakanya? Yung bigay sayo ng daddy mo?”

“Oo bes, nakuha ko na. Matapos niya ako lait-laitin binigay nya naman. Kasi kung hindi talaga nya ibibigay naku! Di ko na alam magagawa ko sakanya. Bigay ni daddy yun eh! Syempre importante sakin yun” Nagbuntunghininga pa yung bestfriend ko.

Halata mo talagang pagnababanggit yung daddy nya eh nalulungkot talaga sya. Engot ka talaga Winter! Bat mo ba nabanggit banggit sakanya yung daddy nya.

So iniba ko nalang yung topic. Since pumasok na din naman si Miss kaya pinalipat ko na sya sa upuan nya na nasa harap lang naman!

“Bes lipat ka na ayan na si Miss Mary oh. Alam mo naman yun si Mam Apple pag nalaman pa na lumipat ka eh patay ka dun!” Sabay tawa. Sanay na kasi kami nyan kay Mam Apple. Lagi atang galit sa mundo yun eh!

[A/N: Si Miss Mary po, teacher nila sa Com. Arts.]

“Okay sige bes maya nalang! Pero teka nga? Bat wala pa din si Summer? Akala ko pinuntahan mo sya bes?”

Hay nako to talagang bestfriend ko lahat napapansin! Di ko nalang sya pinansin at pinagtulukan ko na sya dun sa upuan nya.

“Bes chupi ka na nga! Maya ka na chumika! Si miss oh! Nakatingin na sa atin!”

You Are the Song of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon