♪Chapter Three

232 7 4
  • Dedicated kay Choco Mo
                                    

CHAPTER THREE



"Oh hindi naman liban sa kaalaman niyo, nasa bagong grading na naman tayo. Kaya i want to implement some RULES." Announce ni Miss Apple sa buong klase.

Wahhh rules rules na naman! Pwe! Kaasar naman. Kailangan ko ng magready kung ano yun. Kapit na sa upuan at maghahasik na naman ng lagim yan si Miss. Ay iba talaga? Lagim dre?

"First rule is that, wala na talagang pwedeng magpalipat-lipat ng upuan. And that's final. Kapag may nakita ako na umalis at umupo sa hindi niya naman proper chair ehh malilintikan talaga kayo sa akin..

The second one is, gumawa ako ng new seating arrangement. Every grading na nating gagawin yun para mabawasan kahit konti ang ingay niyo."

Wow ha? Bakit kayo, Miss di maingay?

Syempre, sa isip ko lang yan. GG ako kung sinabi ko yan. Di ako malakas eh, wish ko lang.

Grabe naman kasi, parang kami lang yung maingay eh siya nga pag manenermon parang machine gun yung bibig. Duhhhh! Kaya wala pa siyang asawa eh. He he joke lang.

"Since were already in 3rd grading period means 2x na lang tayo magpapalit ng arrangement ng mga upuan niyo. This grading then sa next." Sabi ni Miss Apple

"Well is that clear?" Pagtatanong niya pa sa amin.

"Yes, Miss!", Sabi naman namin ng sabay-sabay.

Mga plastik ehh. If i know, hindi bukal sa loob niyo to, parang ako. Magreklamo kayo! Ipaglaban natin ang karapatan natin bilang mag-aaral ng Paaralang ito! Sugod mga kapatid! He-he!

Pero.. Teka, TEKA LANG!! Anong sabi?

NEW SEATING ARRANGEMENT DAWWW?

NEW SEATMATES?

NEW ENVIRONMENT?

Teka.. new environment? OA ka talaga Winter kahit kailan. Parang lipatan lang ng bahay yung mangyayari ah?

Pero OMY! Nakakainis naman. Ano bang klaseng parusa to? Sanay pa naman na ako sa upuan ko pati sa mga katabi ko. Hindi kaya ako magaling sa pag-aadjust. The feels! Sobrang hirap kaya!

Tinignan ko si Venice. Aba! Cool lang ang bruha! Buti pa yun walang problema sa pakikipag-mingle sa mga tao. Bubbly kasi siya eh at di mahiyain. Unlike me.

Wahhhh na naman. Aish, ano ba yun. Bat ko ba ginagawang big deal tong arrangement na to. Bahala na po kayo, BRO sa akin! Ayy? Santino ba ito? Naging mabait naman po ako these past few days kaya please wag niyo po ako pahirapan. Pagdadasal ko sa isipina ko.

"Ms. Mendez!"

“Hoy Miss Mendez, bingi ka ba? Kanina pa kita tinatawag ah!" Si Miss Apple.

"Ay! Miss Mendez!" Sigaw ko naman sa bigla ko kaya nagtawanan ang mga kklase kong kurimaw. Pinagtitinginan na nila ako ngayon.

Hala kanina niya pa daw ako tinatawag? ‘Bat parang hindi ko alam? Sorry naman! May iniisip lang. Teka. halah! Anu ba yun siya? Ganun ba kalalim yung iniisip ko kanina?

"Miss Mendez, mamaya mo na isipin yung boyfriend mo at mag-concentrate ka nga muna sa pag-aaral mo." Sabi na naman ng adviser kong echusera. Bungaga talaga eh ayaw papigil. Kaumay lang minsan. At syempre matik, nagtawanan rin ang mga kklase kong feeling elementary. Sipsip sa advise namin, kakatawa yon?????

Napa irap na lang ako. At ako? Eto mukang tanga na namumula. Grabe lang, nakakahiya ba naman kasi! Kung anu-ano pa pinagsasabi niya sa harap ng klase.

Haist si Mam talaga! WALA nga akong lovelife eh! Alam mo yung W-A-L-A? Haist. Kaya papaano kaya ako magkakaroon ng lovelife na sinasabi niya? PSHHHHHH. Pauso din minsan eh! Gawa ng kwento?

"Sorry po Miss. Hindi ko po narinig sinabi niyo eh. Pardon po." Magalang kong sabi kahit naasar ako sakanya.

"Sure. Oh Miss Mendez, umupo ka na dun sa tabi ni Mr. Praga. Yan na yung bago mong upuan." Sabi ni Miss Apple.

"Ahh Ok po-- WHAT?"

Anu daw?

Tama ba rinig ko? Praga daw?

Praga? 

As in... 

ETHAN SUMMER PRAGA?

Mukhang totoo nga, wala namang ibang Praga dito diba???

Wahh ayako na. Ano ba naman to???

Yung mayabang na yun?

Katabi ko? Talaga bang ipagtatabi kami?????

Ng isang Whole Grading period? 

Anong gusto nilang mangyari? Magkaroon ng World War 3? Eh super yabang nung lalaking yun eh. Akala mo kung sinong hari. Akala mo kung sinong gwapo. Akala mo lahat ng tayo may gusto sakanya? Well, hello I am here! I am the only exception! Substance muna bago form!

Baka magpatayan lang kami netong moltuk na to.

At teka nga, tekaaaaa, mukhang magiging tama nga yung sinabi ko kanina ah!

END OF THE WORLD na nga talaga!!!! 

You Are the Song of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon