(Feeling ko kulang pa yung feels na ginawa ko para sa Chapter na ito. :( Pero aayusin ko 'to pag nagka-time po ako. Game na! Sorry kung korny, pangarap ko kasi talaga yung mga naganap dito. Ha-ha-ha! lol)
I Do (Cherish You)
WINTER MAY CHLOE’S POV
Sa sobrang shock ko sa mga nangyayari, namalayan ko na lang na kinakaladkad na pala ako nitong mga taga Marriage Booth. Grabe lang? Nairita naman ako bigla kaya umapela na ako.
“Pwede niyo na akong bitiwan, don’t worry hindi ako tatakas. Please lang, kaya kong maglakad.” Ayoko mang magtaray ngunit di ko na mapigilan. Kainis ha? Ako pa nakakaladkad ngayon. Inis lang.
“Sorry po talaga, Ate Winter. May nag-utos lang po talaga sa amin. Hindi naman po namin sinasadya.” Mababa ang boses na sabi naman sakin nitong mga lower years.
Na-guilty naman daw ako bigla.
Oo nga, Winter! Kasalanan ba nila kung may loko-lokong nagbayad para ipa-marriage booth ka? Hindi naman diba? Relaks, Kool ka lang!
“Naku, okay lang. Sorry kung nairita ako kasi nagulat lang talaga ako. Hindi din naman ako mahilig sa mga gantong bagay eh. Sorry.” Nginitian ko na lang sila.
Ngumiti na lang din sila at tinanguan ako.
“Naiintindihan namin kayo ate. Wag kang mag-aalala, maganda naman yung ayos namin sa booth namin eh. Promise hindi po kayo magsisi.”
Ay jusko, akala naman nila yun ang inaalala ko lang. Ang inaalala ko lang talaga eh, alam niyo namang mahiyain ako. At kay Gray lang ako komportable na lalaki eh. Imposible naman na siya yung makakasama ko dito sa booth eh hindi naman siya hinuli ako lang. Ayy juskoo. Good luck na lang sa akin.
♪♩♬♪♬
Pagdating sa Booth, natanaw niya kaagad ang kanyang bestfriend na si JV kasama si Julianne. At anong ginagawa nitong dalawang to? Hindi kaya..
“Hoy! Kayong dalawa! Anong ginagawa niyo dito? Don’t tell me..” Nakita niyang ngumisi sakanya si JV. Ang walangya! Nginisihan pa siya?
“Sorry, bessy. Peace tayo!” At nag-peace sign pa sa akin itong babaitang ito.
“Ayy jusko! Sabi na eh! Ikaw talaga!!”
“Hoy ha! Hindi lang naman ako yung nakaisip nito, pati si Julianne din.” Siniko nito ang katabi nitong si Julianne, “Hoy lalaki, tulungan mo naman ako dito. Ginigisa na ako ng bestfriend ko oh!”
“Hahahaha! Sorry, Winter. Don’t worry mag-e-enjoy ka naman dito eh. Baka pagtapos ng pangyayaring ito, pasalamatan mo pa kami.” Malaki ang ngising sabi naman ni Julianne sakanya.
Hayy ewan ko ba kung anong trip nitong mga taong to. Go on with the flow na nga lang ako. Ayoko ng magtaray, nakakasawa eh.
Nagulat na lang ako ng bigla ulit akong hilahin ng mga tao dun sa Marriage Booth.
“Hmm, Ate halika na po. Aayusin na po namin kayo.”
“Aayusan niyo pa ako? Bakit? Hindi ba ganito na lang ako?”
“Ay nako po, ate! Yung De Luxe po na wedding yung pinili ng kaibigan niyo, yung pinakamahal po. Kaya po may ni-rent kaming wedding gown, at may mag-make up din po sa inyo. Para po talagang tunay na wedding ang mangyayari sa inyo. Nakakainggit nga po kayo eh!” Madaldal na wika naman ng isang lower year na nakilala kong si Mikki.
BINABASA MO ANG
You Are the Song of My Life
RomantizmWinter May Chloe is a graduating high school student of St. Beatriz Academy. Being in her senior year, she has this simple and yet, dull life. Though she didn't know that her non-thrilling life would change when a man namely "Ethan Summer Praga" ent...