~♪Chapter EIGHTEEN

48 3 0
                                    

Beautiful In My Eyes

WINTER MAY CHLOE'S POV

Yeyy! Walang activity ngayon! Pwede naming enjoy-in lahat ng booth na andito sa loob ng school. Pero ang nakakabadtrip lang dito eh, tadaa!!

Ako yung nakatoka sa pagbabantay dito sa entrance. Arghh! Ako yung taga-kuha ng bayad ng mga pumapasok dito sa loob ng Horror Booth namin. Buti na nga lang eh, kasi yung iba sila yung nasa loob at naka-suot ng kung anu-anong costume na maligno, white lady at aswang. Salamat na lang talaga at hindi nila naisipan na ganon ang gawin ko kasi kung hindi, naku! Wala akong talent jan at ang dami ko pang iintindihin.

Nakakainggit nga yung sa ibang section na hindi masyadong kailangan intindihin yung booth kasi nakakagala sila eh. Samantalang ako, eto andito mukhang cashier. Actually, cashier naman talaga ako eh. Ewan, ang gulo ko na. Bangag ata ako eh?

Pero infairness ah! Sobrang patok nitong booth namin. Kami ata ang may pinakamaraming pumipila dito eh! Tsk! Kaya busy din ako ngayon, madami-dami na din itong pera na natatanggap ko. Sabi pa nga ng mga bolero kong classmate, mukha daw kasi akong mapagkakatiwalaan kaya dito nila ako nilagay kung saang may perang involve. Mga loko-loko talaga eh. Ayun, jam packed ang Horror Booth namin! Parang na-paid off na din yung pagod namin dun sa past days na pagaayos nito. Wew. Dugo at pawis kaya namin to! Waahh, Okay sige. Bye. Ang korny ko eh. Hahahaha

While doing my work, kung anu-ano nalang ang pumapasok sa isip ko. Hayy, di ko pa nga din pala nakikita si Summer. Asan na kaya yung asungot na yun?

Ayiee! Namimiss mo ano?

Gaga! Anong namimiss? Asa! Siya kaya president kaya siya dapat yung abala dito no! Sagot ko naman sa isip ko. Ge, nakakaloka talaga. Kinakausap ko na naman yung konsensya ko. Huehuehue

“Uy Winter! Tara” Nagulat naman ako ng biglang sumulpot sa tabi ko itong si Gray. Watdapak is wrong with him? Nanggugulat lang ang peg?

“Ayaw mo namang mang-gulat ano po?” Kunwari’y irita na sabi ko sakanya.

“Ay sorry nagulat ba kita?” Nagpapaawa naman na sabi niya.

Shizz, bakit ang cute niya lang talaga? Di makatarungan to, River Gray!!

“Ewan ko sayo, lol. Tigilan mo nga yang mukhang yan River Gray! Kairita! Sweaarrr!!”

“Oo na po. Sabi mo eh! Lakas mo talaga sakin, Winter! Oh ano? Tara na kasi!.Gala tayo sa mga booths! Ang daming exciting eh! I-try naman natin.” Hinila niya naman ako ngayon patayo dito sa upuan ko.

“Problema mo, dre? Kitams? Nagbabantay ako dito. Hello? Anybody hooome? Bulag lang?”

“Ayy ang sungit mo naman. Andito naman si Desiree eh! Siya na magbabantay niyan. Nasabihan ko na naman siya eh, diba Des?”

“Ahh oo, Winter. Okay lang sakin. Sige, mukhang gusto ka talagang kasama niyang si Gray eh, kinulit ako ng kinulit kanina. Sumama ka na sakanya okay lang talaga ako dito.” Sagot naman ni Des sakin, with matching pamimilit pa sakin yan na sumama ako kay Gray ha!

Grabe talaga ang convincing powers ng loko at lahat napapasunod. Ngitian ka lang ba naman niya eh. Goshhh

“Sure ka lang talaga? Naku!” Nag-aalala ko pa ding tanong kasi nakakahiya naman kung iiwan ko siya dito. Ang dami pa namang tao.

“Naku, okay lang talaga Winter. Sige na! Shoo ka na!” At talagang tinaboy pa ako nitong si Des ah!

Iniwan ko nalang yung gamit ko dun sa may booth at sumama sa nakangisi na ngayong si Gray.

You Are the Song of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon