My One and Only You
WINTER MAY CHLOE’S POV
Ayun Thursday na din! Last day na ng pag-open ng mga booths ngayon. Grabe ang bilis lang ng araw no? Yung pinaghirapan namin na booth, last na ngayon. Pero grabe talagang paid-off naman yung nagawa nun sa efforts namin.
Balita kasi namin, sa ranking nga mga booths eh nauuna yung Horror Booth namin. Base pa sa mga comments na naririnig namin, hindi daw corny yung ginawa namin at nakaka-enjoy daw. Parang sa StarCity nga daw eh, kaya bilib na bilib yung iba. Paulit ulit na daw silang nakapasok dun sa booth namin. Grabe, nakakataba lang ng puso. Aba! Ako ata ang nag-isip ng ibang concept dun! At ako din ang bumili ng mga supplies! Lol.
Tapos sumunod naman daw sa ranking eh yung Marriage Booth na sobrang bongga. Grabe lungs! Hahahaha. And speaking of that booth, tae yan! Natatawa pa din ako pag naaalala ko yung nangyari kahapon. Di ba nga pinagtrip-an kami nina Julianne at Venice? Kaya hayun! Pinagtulungan din namin sila ni Summer na magpakasal din. Pero grabe lang, namulubi ako dun sa binayad ko sa Marriage Booth, pero okay lang nagpaka-gentleman naman si Summer kahapon at 25% lang yung binayaran ko tapos siya na lahat nagbayad. Galante nga siya kahapon eh, atsaka parang mas bumait siya ewan ko ba.
Ang nakakatawa pa kasi ang ingay ingay ng bestfriend ko. Kahit inaayusan na siya ni Fretzie, daldal pa din siya ng daldal, sabi niya bakit daw hindi namin ginantihan pati sina Leo at Adrienne eh nag-ambag din naman daw silang dalawa dun sa kunwariang kasal-kasalan namin. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.
Si Summer naman, andoon kay Julianne na , naririnig kong nagtatawanan din sila kasama si Leo dun eh. Si Adrienne naman, andito din pinapanuod namin na ayusan itong si JV, baka kasi biglang tumakas eh kaya marami kaming nagbabantay. Mukha ngang nasstress na sakanya si Fretzie eh, kasi kanina pa siya daldal ng daldal. Nung matapos naman siyang ayusan, at isuot na din yung gown na kakasuot ko lang kanina, napanganga naman siya sa sarili niya.
Infairness ha, ang ganda nga ng bestfriend ko. Nang makita naman siya ni Julianne, takte! Parehas sila ng reaksyon ni Summer! Kaya lakas ng tawa ko ng biglang sigaw ni Summer na, “Oy, Julianne. Sara mo naman yang bibig mo, tol. Baka pasukan ng langaw yan eh!”
Takteng yan! Tawanan yung mga tao eh. Tapos si Julianne halata mong naasar pero mukhang nahimasmasan na rin kakatitig kay JV. Grabe, magkaibigan nga itong dalawang to. Parehas na parehas sa lahat eh.
Nung matapos yung, kasal-kasalan nila halata mong kilig na kilig yung bestfriend ko. Pero ang KJ lang dun sa nangyari eh hindi nagkiss yung dalawa. Ewan ko ba, madaya tong bestfriend ko eh. Ayaw niyang magpahalik kay Julianne kahit sa cheeks samantalang ako! Aish! Kaya ayun! Hinagis niya nga din pala yung bouquet niya, pero sayang kasi hindi si Adrienne yung nakadampot taga-ibang section.
Nakakaloka diba? Pagkatapos ng kahapon, parehas na kaming nakasal nitong bestfriend kong baliw. Hahahaha. Feel na feel niya nga eh, ewan ko ba dun. Ako naman? Wala eh, heto. Yung puso ko, pati yung mga insekto sa tiyan ko. Patuloy pa din sila. And yung sparks kay Summer? Ewan ko ba, pagnagkakadikit kami kahit saglit lang, nararamdaman ko yun. Kaya nga medyo umiiwas ako sakanya eh.
Pero mukhang di naman ako maka-iwas kasi hindi ko pa nakikita si Gray ngayon at heto na naman si Summer nasa harap ko. Nagbabantay ulit ako dito sa may Horror Booth. Shizz, grabe lang, puso ko ano ba? Ano? Wagas lang maka-tibok? Wala ng bukas? Aishhhh.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko na sakanya. Hindi ko na lang pinansin yung dug dug nung puso ko.
“Bakit masama na ba ako dito? Ako kaya yung president ng class.”
“I know, tinatanong ko lang naman ah?”
“Tsk! Highblood ka na naman, Winter eh. Tara na nga, gala tayo.”
![](https://img.wattpad.com/cover/697144-288-k43054.jpg)
BINABASA MO ANG
You Are the Song of My Life
RomantikWinter May Chloe is a graduating high school student of St. Beatriz Academy. Being in her senior year, she has this simple and yet, dull life. Though she didn't know that her non-thrilling life would change when a man namely "Ethan Summer Praga" ent...