♪Chapter Two

238 7 2
                                    

FAREWELL

Hayyyss. Ewan ko ba. Napakamot nalang ako sa ulo habang tuloy tuloy na umalis. Matagal na kaming magkklase ni Ethan, yet we had a very few interactions. I think iyon na yung pinakamahaba. Magkaiba ang set of friends namin, and katulad nga sa nakita niyo, may pagka mahangin siya.

Actually hindi na nga ata mahangin e, bagyo na atang matatawag yung lalaking yun. Apakayabang, akala mo naman may bilang sa lipunan. Pang kumpleto lang naman siya sa ecosystem, tse.

Yun nga napa-walk out mode tuloy ang lola niyo. Kaya bumalik nalang ako sa upuan ko. Nasa room kasi kami. Homeroom namin kaya wala kaming klase.

My gawd! Uber much talaga yung Ethan na yun! Arghhh! Pagyabang ba na kung sinu-sinong babae yung humahabol sakanya and may lovelife siya? Sige na! Ako na wala. Kahiya naman sakanya no? Pinagduldulan niya pa talaga sa akin. Kainis lang, Grr.

Ay oo nga pala! Tanga ko talaga! Nakalipas na yung Chapter 1 ehh. Nakalimutan kong magpakilala. Bwiseet kasi na Ethan yun ehh!! Asarrrr talaga siya wahhhh.

Uhmm..

Ako nga po pala si Winter May Chloe Mendez. Mahaba ba name ko? Wag nyo ko sisihin, magulang ko po. Ako ba nagbigay niyan? Pero ok na yan. Kontento na naman ako sa pangalan ko.

I'm 16 years of age. O diba? Pang miss universe lang. Nasa Senior year ko na po ako. Im currently studying at St. Beatriz Academy. My favorite subject is History. And I really sucks in math. Wahh kaya saludo ako sa mga taong favorite ang math eh.

Damn! Alam niyo yung feeling na makita mo lang yung mga Famous X and Y's na equation sa math eh. Oh my Gawd, maloloka na ko ng bogga. Sarap sabihin dun sa mga equations na yun na, Hey, Y do you keep on searching your X? He will never come back. Ayyy? IBA. Syempre joke yon, tawa naman kayo please.

O diba? Kaya ayokong pinaguusapan yung Mathematics eh! Tara nga, matulog na lang tayo? Pwede ba? 

Uhmm. Mabalik tayo. Yun nga. Tapos yung kaninang kaaway ko eh si Ethan Summer, Classmate ko. Ayt! nasabi ko na pala yun kanina. Sige na ako na unli. Talk n text? Paulet-ulet. OKBYE

Anyways, ang yabang niya di ba? Isa lang naman kasi siya sa mga pogi dito sa school namin eh. Hindi nga siya yung pinaka-pogi pero lakas ng hatak niya eh. Hatak talaga eh nuh. Mysterious type kasi siya na kalog basta hirap explain eh. Member din siya ng band ng school.

Ang pagkaka-alam ko eh siya yung Vocalist at Lead Guitarist doon. And tumutugtog lang naman sila pag-trip lang nila. Kumbaga, weather weather lang. Ang we-weirdo no? Pero sure na tuwing Foundation Day, sure na natugtog sila dun.

Basta madami ang may crush sakanya, and oo na, alam ko, inaamin ko, habulin talaga siya ng mga babae. At may lovelife rin siya, syempre. Matikk yun. Ako nga lang ata walang lovelife dito eh. Ayt! meron pa palang loveless dito. Yung bestfriend ko. 

Speaking of...

Eto na siya. Tumabi na saken.

"Shocks bestfriend!! Ang bilis talaga ng araw nuh pagmasaya ka?! I can't belive it! Tapos na yung 2nd periodical exam. Shocks! 2 exams nalang eh graduation na natin. Huhu” With matching fake na iyak pa talaga yan ah! Ang OA OA talaga ng bestfriend ko, sarap lang sapakin.

Yan nga pala ang bestfriend ko. Si June Venice Vargas. Naku napaka-kalog at bait niyan. Magkaibang-magkaiba kami, kasi ako tahimik at mahiyain. Nag-iingay lang naman ako pag naeexcite ako eh, kagaya kanina. Ganda kasi talaga ng kantang Jetlag eh. Sige na unli na naman ako.

Anyways, bigla na naman akong nalungkot. Kasi tama ang bestfriend ko. 2 gradings nalang magkakahiwalay na ang mga 4th year- Apple. Section namin yan, Apple.

Cute no? Parang ako lang. Ge buhat sariling bangko. Kaya Apple name ng section namin kasi name ng mga advisers namin yung name ng mga sections dito sa school namin. Cool di ba?

"Oo nga best eh. Malapit na.  Huwag mo nga akong paiyakin jan! Sasakalin kita eh!”

“Tseh! Hayy! Sayang pa at ngayong year lang kita nakilala! Sana noon pala nabili na ni Mommy yung bahay namin dito sa Cavite para matagal na tayong friends!” Sabi na naman nitong bestfriend kong OA.

“Oo nga bes eh! Pero okay na din kasi nakilala kita! Yiee! Drama na natin eh! Chige na nga! Balik ka na sa proper seat mo, ayann na si Miss oh!” Mabilis kong sabi kay JV.

 Lumipat na nga siya, then nagsalita na si Miss.

"Oh hindi naman liban sa kaalaman niyo, nasa bagong grading na naman tayo. Kaya i want to implement some RULES."

Nako delikado! Rules daw! Eh pag si Miss pa naman ang bumirada...

Parang...

Parang... 

Parang...

Parang END OF THE WORLD na!

You Are the Song of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon