WINTER MAY CHLOE’S POV
Goodmorning Philippines! Goodmorning Cavitee! Hayy mukhang maganda ang gising ko ano po? Hahaha! Ang totoo niyan, maganda talaga kasi alas diyes na po ng umaga at kakagising ko lang. Hahah! Ako nalang ata ang tulog sa bahay ehh! Buti hindi ako pinagalitan ni Tita Avril. Meheheh.
Eniweys, I got a busy day ahead! Tutal Sabado naman ngayon, napagpasyahan kong bumili na ng mga kakailanganin para sa Horror Booth namin for Foundation Day. Bumangon na ako mula sa higaan ko then naisipan ko na tawagan si JV para samahan ako sa pamimili.
Nakausap ko naman siya, kaso sabi niya may practice pa din daw sila hanggang ngayon para dun sa Dance Battle kaya malungkot ko nalang sinabi na God Bless sakanila and mag-iingat siya. Sabi ko pa dapat lang na manalo sila jan sa contest kasi grabe yung practice na ginagawa nila. Nagpasalamat na lang siya sa akin.
Pagkababa ko ng telepono, lumabas na din ako ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto, nakasalubong ko si Tita Avril. Binati ko nalang siya ng Goodmorning then pumunta na akong banyo para maligo.
Pinagalitan pa nga ako ni Tita kasi di man lang daw ako kumain muna. Sabi ko naman di pa ako busog kaya ligo muna ako. Di na siya nagreklamo.
Kailangan ko pa bang ikwento yung ginawa ko sa banyo? Hahahah! Wag na. SPG na yun. -___________-
Ayun, pagtapos ko maligo nagbihis na ako and nagpaalam kay Tita Avril na aalis na. Palabas na sana ako ng bahay ng marinig ko na nag-ri-ring yung celphone ko.
“Hello? Sino po ito?”
“Hmm hello? Winter? Ikaw ba yan?”
“Y-yep! Si Winter n-nga ito. Who’s t-this po?” Ano ba yan? Tama bang mautal ako habang kausap ko tong nasa kabilang linya? Nakakahiyaa!
“Ahh Winter, Si Gray nga pala to!” Sagot niya.
Anlaa, Si Gray daw? Gosh! Tinawagan niya ako! Totoo ba ito? Hindi ba ito isang panaginip? Emehgad! Nakakakilig naman! Shomaay! AnakNgKapKeykMiniKeyk.
“Ahmm, Oh Gray? Ikaw pala? Anong masamang hangin naman ang sumapi sayo at napatawag ka? Hahahah! Joke lang! :p”
“Grabe ha? Masamang hangin talaga na nagdala? Hindi ba pwedeng namiss lang kita?”
Ha? Ano daw? Nabingi ako bigla. Totoo ba yuun? Namiss niya ako?
“Hoy Christian Grey, Este River Gray pala! Ako nga’y wag mong pinaglololoko ha! Ano nga at napatawag ka?”
Syempre, kunwari taray-tarayan ang lola mo para hindi masyadong obvious na halos mamatay na ako sa kakiligan diba? Technique ang tawag jan mga dude. Technique!
“Ang sungit mo talaga, Winter! Hmm, wala naman talaga particularly kung bat ako napatawag. Namiss lang talaga kita.”
Ano ba Graaay! Weg me nemen ekeng penepekeleg.
“Ahh ganon ba? Okay! Sabi mo eh.”
“Ahmm ano, Winter, tanong ko lang pala sana sayo kung ano.. ano..”
“Ano ng ano na may ano?”
“Hahahah! Winter maloko ka talaga. Hmmm, ano kasi, gusto ko lang sana tanungin sayo kung ano.. Kung pwede ka ba ngayon? May gagawin ka ba? Busy ka ba? May lakad ka ba?”
“Teka lang Gray, hinay hinay lang sa tanong okay? Don sa tanong mo kung may gagawin ako, busy ako at kung may lakad ako ang sagot ko lahat jan ay Oo.”
![](https://img.wattpad.com/cover/697144-288-k43054.jpg)
BINABASA MO ANG
You Are the Song of My Life
RomanceWinter May Chloe is a graduating high school student of St. Beatriz Academy. Being in her senior year, she has this simple and yet, dull life. Though she didn't know that her non-thrilling life would change when a man namely "Ethan Summer Praga" ent...