~♪Chapter TWENTY-THREE

40 3 0
                                    

(Huhuhu, sorry at biglang nagkaroon ng kapatid si Summer. Hahaha. Nakuha ko kasi yung name na Troy doon sa Training to Love na story ni Jonaxx. Type na type ko siya guys! At akin lang siya! Chos, try niyong basahin maganda yun. Sweaar! Okay shattap na aketch.)

WINTER MAY CHLOE'S POV

Mabilis lumipas yung mga araw, di ko namalayan shemayy! Wednesday na pala at reporting na namin sa Eco. Emergash! Feeling ko hindi pa ako ready. Parang wala ata akong alam?

Yan kasi, di mo kasi inintindi yung report niyo nung ginagawa niyo!

Shetness naman mga dre, paano ko naman kasi maiintindihan yun kung sobrang kabado talaga ako nung andun kami sa kwarto ni ano ugh, syempre ni Summer, diba? Feeling ko nung time na yun ay humihiwalay yung kaluluwa ko dun sa katawan ko at lumilipad kung saan-saan yung isip ko. Grabe, abnormal talaga ako. E

Eh, gusto niyo bang malaman kung ano yung nangyari? Ganito lang naman ho..

Flashback:

“Anong tinatayo-tayo mo pa jan? Pasok ka na. Don’t worry hindi kita pagsasamantalahan. Tsk!”

Nanlaki naman bigla yung mata ko dahil dun sa sinabi niya, kaya kaagad akong tumakbo palapit sakanya at hinampas siya.

“Manyak ka talaga! Ugh! Manyak! Ewan ko sayo! Hindi ko nga alam bat mo ako napilit na sumama dito! Kainis!” Paulit-ulit ko siyang hinahampas, natatawa lang naman siya sa reaksyon ko. Yung totoo? Sadista ba tong lalaking to? Kainis!

“Ako pa nga yung manyak? Eh ikaw nga tong ayaw pumasok dito kasi kung anu-ano yung pinag-iisip eh gagawa lang naman tayong project.”

“Oo na, ako na. Sige na, ikaw naman tama palagi eh.”

“Joke lang, ikaw naman. Masyadong seryoso? Di ako sanay.” At nanlaki na naman yung mata ko nung hinawi niya yung buhok kong tumabing na sa may mata ko.

“A-anong ginagawa mo?” Nauutal na tanong ko naman sakanya.

“Wala, inaalis ko lang. Ang ganda mo pa naman, sayang natatabingan lang ng buhok mo.” Sabay layo sakin at punta doon sa may study table niya.

Buti na lang tumalikod siya kaagad dahil hindi niya napansin na namumula na naman ako, shemay lang diba? Parang buang lang. Jusko Winter May Chloe! Ayos nga!

Unti-unti naman akong nahimasmasan at saka ko lang natitigan ng mabuti yung kwarto niya.

Hmm, malinis sa gamit ang loko. At simple lang din ang itsura ng kwarto niya.

Sa isip-isip ko. Simpleng White and blue ang kulay nito. Masasabing simple nga ngunit masyadong malaki yung kwarto niya para sakanya. Parang kalahati lang yung size ng kwarto ko kung ikukumpara yung sakanya. Nakita ko rin na may PS4 siya, xbox at kung anu-ano pang video games sa may kabilang side.

Tsk! Nakakainggit naman yung kwarto niya. Wala eh, mayaman sya eh. May walk-in closet din siya, sariling CR at parang may library na din dahil sa mga librong maayos na nakasalansan sa isang divider.

“Oh!” Nagulat na lang ako ng may dalawang libro siyang ipinasa sa akin. Nagtatanong naman ang mata na lumingon ako sakanya.

Tinaasan niya ako ng kilay, “Para sa report natin.”

Shizz, oo nga pala. Nakalimutan ko na naman yung dahilan kung bakit ako nandito sa loob ng kwarto niya. Sira ulo talaga, Chloe! Bakit nga ba kayo andito? Ano? Para magliwaliw? Ayy jusko.

You Are the Song of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon