Sayang
(Yan po yung theme song nitong chappie na to, kasi feeling ko relate na relate si Gray jan.Basahin niyo na lang, para ma-gets niyo. ;) PS: Wala talagang literal na nagpapatugtog ng Sayang na kanta dito sa chap. Na to, patama lang talaga kasi kay Gray yung kanta. Okay bye.)
WINTER MAY CHLOE’S POV
“Winter! Tanghali na! Bumangon ka na jan at baka sumakit na yang ulo mo dahil sa sobrang haba ng oras mo ng natulog.” Narinig kong sigaw sabay katok sa kwarto ko ni Tita Avril
Bumangon ako bigla kaya naman nahilo ko kaya humiga ulit ako. Shizz, tama nga si Tita, anong oras na ba? Ang sakit na naman ng ulo ko. Nasobrahan na naman ako sa pagtulog.
“Opo, Tita. Baba na po ako.”
“Sige, mag-handa ka na at malapit na tayong mananghalian.”
“Sige po, thank you po sa pag-gising sa akin.” At narinig ko na lang ang mga hakbang niyang palayo sa kwarto ko.
Grabe, sobrang late na ba talaga? Takte, mag-tatanghalian na tapos kakagising ko lang. Jusko, ang sakit talaga ng ulo ko. Tumayo na lang ako para maghanda, naligo na rin ako kasi inaasahan kong mawala yung sakit ng ulo ko. Buti nga, tama nga kasi pagtapos kong maligo ay nawala na siya. Pero sana masakit na lang ulit yung ulo ko, kasi ngayong wala na akong iniinda, saka ko naman naalala kung ano nga ba yung problemang kinakaharap ko. Si Gray..
Hindi ko pa din siya nakakausap matapos ang gabing yun. Dahil nga sa sobrang gulong-gulo na yung isip ko, tumakbo na lang ako palayo dun sa Kapitolyo. Iniwan ko siya, iniwan ko si JV na na-shock din dun sa sinabi ni Gray. Siguro nga, duwag ako. Hindi, oo. Duwag nga ako. Natatakot kasi ako eh. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. Parang napipi ako bigla. Ang daming gumugulo sa isip ko at isa na doon ay..
Paano si Summer?
Yes! Summer na naman! Siya na naman. Ano bang connect niya sa aming dalawa ni Gray? Diba nga dapat nagbubunyi ako? Di ba dapat masaya ako? Di ba dapat, kinikilig kilig ako ngayon dahil nagtapat na sa akin si Gray? At hindi lang sa akin, sa harap pa ng madaming tao. Siguro sasabihin niyo na ang swerte swerte ko kasi minsan lang may gumawa ng ganoon, pero wala kasi kayo sa sitwasyon ko. Hindi niyo nararamdaman yung nararamdaman ko. Matapos makalayo doon, tinadtad naman ako ng message ni JV. Kung nasaan na daw ako at kung bakit daw ako biglang umalis ng hindi ko man lang sinasagot yung tanong ni Gray sa akin. Sinabi ko na lang sakanya na sumakit bigla yung ulo ko at nahilo ako dahil sa dami ng tao. Hindi niya na naman ako kinulit at sinabi niya na lang na magpahinga ako.
At si Gray? Tinext ko na lang siya ng isang maikling mensahe..
Sorry, sumakit yung ulo ko. Usap na lang tayo sa pasukan.
Isang simpleng ganyan lang. Gulong-gulo na din kasi talaga ako. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin at kung ano ang sasabihin ko sakanya, buti na lang talaga at sembreak ngayon kaya wala muna akong problema. Hindi ko na rin muna sinasagot yung mga texts and tawag sa akin ni Summer. Nagui-guilty pa din kasi ako para kay Gray. Siya, isang maikling text lang ang ipinarating ko sakanya samantalang si Summer, kakausapin ko? Seems not fair right?
Pagbaba ko, nakita kong nanunuod ng movie sina R. Phineas and Ferb, the movie. Tuwang-tuwa naman ako kaya nakinuod na rin ako. Di ba nga, favorite ko sila? Napag-isip isip ko tuloy na sana.. Bata na lang ulit ako. Walang problema, care free lang. Napabuntonghininga na lang ako sa aking naisip.
♪♩♬♪♬
Mabilis lumipas yung mga araw, at malapit na ulit magpasukan ngunit wala pa din talaga akong naiisip kung ano ang sasabihin ko kay Gray. Sobrang nagui-guilty na nga ako eh. Kasi, araw-araw siyang nagtetext sa akin. Tinatanong niya ako kung okay lang ba daw ako, kung hindi na ba daw masakit yung ulo ko. Ngunit hindi ko na lang siya nirereplyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/697144-288-k43054.jpg)
BINABASA MO ANG
You Are the Song of My Life
RomanceWinter May Chloe is a graduating high school student of St. Beatriz Academy. Being in her senior year, she has this simple and yet, dull life. Though she didn't know that her non-thrilling life would change when a man namely "Ethan Summer Praga" ent...