~♪Chapter TWENTY-FOUR

42 3 0
                                    

If I'm James Dean, Then You're Audrey Hepburn

(You can click sa gilid para sa song, maganda yan. SWS yan eh! Hihihi. Sorry kung kulang sa feelings, di ko na alam kung anong lalagay pa eh. Huhu. Yun lang, okay byee!)

WINTER MAY CHLOE’S POV

“Winter! Attend ka sa battle of the bands na sasalihan namin ah? Hindi ata kita pormal na nasabihan pero ngayon, sinasabi ko na. Kasi gusto ko talagang makita ka doon habang nagpeperform kami. Kung hindi ka papayagan, hayaan mo ako na ang magpapaalam sa tita mo.” Nagulat ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Gray.

Shizz, oo nga pala. Bukas na nga pala yung Battle of the Bands na sinalihan nila. Ang pagkakaalam ko kasi ay sa end ng October yun magaganap at tunay nga, last day na ng buwan ng Oktubre bukas. Sobrang bilis ng panahon talaga. Nasabi na din naman sa akin yun ni Gray ngunit hindi niya naman ako inaya nong time na yun eh.

At oo, ang bilis no? Patapos na kaagad yung buwan na ito. Parang kailan lang nung kakaumpisa lang ng 3rd grading at hayy, ayan malapit na naman kami mag periodical exam. 4th Grading na, at pagtapos nun.. Graduation na. Pero teka nga muna, bakit ba yan ang iniisip ko? Di ba’t inaaya ako ni Gray?

Nagdadalawang isip ako kung pupunta ako sa Battle of the Bands, kasi naman.. masyado ng gabi yun. Pero nahihiya din naman ako kay Gray kasi these past few days, alam ko, sa sarili ko na hindi ko na siya gaanong nasasamahan. Feeling ko tuloy ang user ko, kasi nung mga panahong magkaaway kami ni Summer ay siya ang anjan at pinapasaya ako. At syempre, crush ko din naman siya no? Ang bait bait niya kaya. Wala na akong makakahanap ng katulad ni Gray.

Wala nga din pala siya nung nagreport kami ni Ethan, absent pa din siya non, whole week siyang absent at last week lang siya pumasok. Kasi yung Lolo niya pala na nasa hospital nun ay namatay na. Kaya ayan tuloy, natuloy na sa lamay. Halata mo ngang malungkot siya eh, kasi ang sabi niya sa akin favorite lolo niya daw yun. Tapos dumagdag pa ako, kasi hindi ko na siya nasasamahan minsan pag inaaya niya ako, kasi mas lalo na kaming mas close ni Ethan Summer ngayon.

Kumbaga, hati na yung oras ko. Nakakahiya no? Dati.. panay si Gray at JV lang ang kasama ko, tapos ngayon nung naging close sa akin si Summer.. Biglang parang naiiwan ko na sila, kaya etong Battle of the Bands na lang talaga ang tanging naiisip ko na paraan para makabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko bilang isang kaibigan ni River Gray eh.

“Ahhm, Oo naman Gray. Punta ako. Para naman makabawi ako sayo sa mga pangi-injan ko diba?”

Nakita ko namang napangiti siya nung sinabi ko yun, “Talaga Winter? Naku! Hindi mo lang talaga alam kung paano mo ako napasaya!” Sabi niya sa akin ngunit nabigla ako ng niyakap niya ako bigla.

Nanigas ako bigla. Parang iba na kasi yung feeling eh.. Bakit parang.. wala na yung kilig? Hindi na ako kinakabahan. Basta.. hindi na tulad ng dati pag niyayakap niya ako ay kinakabahan at the same time ay natutuwa ako. Ughh.

Dapat ina-analyze lahat ng nararamdaman, Winter May Chloe?

Uhh-kay. Sabi ko nga hindi. Niyakap ko na lang din siya pabalik. At ng kumalas na siya sa yakap, agad naman siyang humingi ng paumanhin, “Uhh, sorry sa yakap, Chloe ah? Natuwa lang kasi talaga ako.”

“Sus, wala yun Gray. Ikaw pa. Hayaan mo, magpapaalam na ako kay Tita mamya para sa Battle of the Band bukas. For sure naman papayag yun eh.”

“Osige, sige. Nga pala, sama mo na din si JV para may kasama ka ah?”

“Oo naman, isasama ko yun. Yun pa, enjoy pa naman yun sa mga banda.”

You Are the Song of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon