Chapter 3

2.4K 39 14
                                    

Warning: Get ready for the SPG part. :DDD


P.S. Slight lang. :DDD


Chapter 3

"It's dark," sabi ni Paige habang nakatingin sa langit.

Tumingin din si Vem sa langit. Hindi madami ang bituin. Half moon pa lang kaya hindi ganoon kaliwanag. Tapos, konti pa ang mga poste ng ilaw kaya madilim nga naman.

Binuksan ni Vem ang application na flashlight sa cellphone niya. Itinapat niya ito sa daanan nilang dalawa. "Ayan, okey na ba?"

"Much better," sabi ni Paige.

Wagas sa pagngiti si Vem. One pogi point. Pero hindi iyon nagtagal. Kasi ang KJ ng cellphone niya, lowbat kaagad.

"What happen?" tanong ni Paige.

"Lowbat na phone ko," sagot ni Vem. Dismayado si pogita.

"It's okay. We're.. Ouch!" Hindi natapos ni Paige ang sasabihin niya. Ang sasabihin sana niya We're near.

"Bakit? Anong nangyari? Okey ka lang?"

"My foot. I think I step on something." Hawak ni Paige ang paa niya. Hindi tuloy makalakad.

"Kaya mo bang maglakad? Akayin kita," alok ni Vem na may kasamang evil smile sa isip niya. Tyansing moment.

Umakbay si Paige  kay Vem. Papilay-pilay ang lakad niya.

"Malapit na tayo. Don't worry," sabi ni Vem. Nasa street na kasi dormitory ni Paige.

Binabagalan ni Vem ang paglalakad para mas matagal ang favorite moment niya na ito. Enjoy na enjoy niya ang akbay ni Paige sa kanya. Kahit pang-forever na ito, kakayanin niya pa rin.

Sana makayanan nga ni Vem. Ang bigat pa naman ni Paige.

"Wait," sabi ni Paige bigla. "We're here."

Pinilit ni Vem na itulak ang gate. Imagine, ang liit lang ni Vem compare kay Paige. Bigat na bigat siya talaga.

"Sa'ng floor?" tanong ni Vem.

"Third floor."

"What? Pwede bang pahinga muna tayo?" request ni Vem. Pagod na siya.

Umupo sila sa may hagdan.

Puro sarado ang pinto ng room sa dormitory. Dim lang ang light sa hallway. Ang creepy ng dating. Parang sila lang ang tao sa buong building. Pero, okey na rin para kay Vem para masolo niya si Paige.

"You may go," sabi ni Paige.

"Okey ka lang? 'Yang lagay mong 'yan? No way."

"It's embarrassing. You're friend's waiting for you."

"No," sagot ni Vem. "Patingin nga ng sugat mo?" Hinawakan niya ang paa ni Paige.

"Ouch!"

"Oops. Sorry." Dahan-dahang inangat ni Vem ang paa ni Paige.

May bubog ng basag na salamin, nakabaon ito sa sapatos ni Paige. Nakabaon hanggang paa niya.

Hindi tinitingnan ni Paige ang paa niya. "How does it look?" tanong na lang niya.

"Uhm.. 'Di naman severe ang sugat mo. Malayo pa sa puso."

"Really? That's good."

"Pero, ke'langan mahubad na ka'gad ang sapatos mo. Akyat na tayo. Akayin kita para mabilis tayo."

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon