Chapter 11

1.1K 20 3
                                    


Chapter 11

"Pa'no mo naman nasabi na ginawa n'ya 'yon e sabi mo nga 'hindi mo namamalayan'?" tanong ni Sir Basa.

"Uhm.. Me' nakakakita. Me' witness ako."

"Sino?!" sabay na tanong nina Sir Basa at Casey.

Yumuko si Hazel. Kasi sa totoo lang, siya ang nakakita nang ginawa ni Casey. Habang nag-iinuman sila sa seashore, nakatulog siya. Si Trisha naman ay nag-CR. Sina Vem at Casey ang naiwang gising. Sila ang nag-one on one sa tagayan. Pero, walang kaalam-alam si Casey na noong nilagyan nito ng drugs ang tagay ni Vem, nagkamalay siya. Kitang-kita niya kung paano ito ginawa ni Casey. Nagtulug-tulugan lang siya hanggang maihatid siya sa cottage nila ni Trisha.

Sinabi ni Hazel ang tungkol dito kay Vem pero hindi ito naniwala. Na-realize lang ni Vem na nagsasabi siya nang totoo, noong ibang Paige ang humarap rito.

"Hindi ko sasabihin," sagot ni Vem.

Napatingin si Hazel kay Vem.

"Pa'no magiging kapani-paniwala ang sinasabi mo, kung 'di mo sasabihin kung sino ang witness?" tanong ni Sir Basa.

"Kami na lang ni Casey ang maghaharap. Ayo'kong mandamay ng iba," paliwanag ni Vem.

"Hindi pwede 'yon. Lalabas na ikaw ang nagsimula ng away. Lalabas na gawa-gawa mo lang ang kwento mo. Hindi biro ang sinabi mo dahil me' involve na drugs. Kahihiyan ng St. Angelmary College ang nangyaring ito. Pwede ka ma-expelled kapag 'di mo pinakilala ang witness," explain ni Sir Basa.

"Ako po ang witness," biglang salita ni Hazel.

Nanlaki ang mga mata ni Casey sabay tingin din kay Hazel. Noong ginagawa palang niya ang masamang balak kay Vem, ang inaakala niyang tulog na si Hazel ay gising pala.

"Sige, i-kwento mo ang nangyari," utos ng officer.

"Kapag sinabi ko po ba, si Casey ang pwede ma-expelled?" tanong ni Hazel, kinakabahan na siya. Natatakot na rin kay Casey na masama ang tingin sa kanya.

"Oo."

"Pero, outside the campus naman ang nangyari."

"Students pa rin kayong lahat ng school na ito kaya gano'n pa rin 'yon. Example, kung may ni-rape na student ng school na ito. Ang mga nang-rape ay taga-same school, pero sa labas naman ginawa ang rape. Hindi ba dapat i-expel ang mga rapists? Different situation, same misconduct."

"Pero kawawa naman si Casey."

"Madadamay ka na rin sa mae-expel kung 'di ka magke-kwento. Sinabi mo nang witness ka tapos hindi ka magsasalita. Ikaw ang mae-expel or si Casey?"

"Pwede po bang wala na lang? Tayu-tayo lang naman po ang nakakaalam. Pwede po bang suspension na lang? Kahit kami na lang lahat."

"Hay naku, Hazel, you're so weak. Sabihin mo na ang nakita mo. Mahirap ba 'yon? Saan ka ba? Sa tama o mali?" interrupt ni Trisha.

"Sa tama."

"O, 'yon naman pala e. Why so hard to decide?"

"Everyone, shut up! Ako na lang aalis. I quit this school. And this is final, I quit this group!" sigaw ni Casey at nag-walk out. Binangga niya pa sa balikat si Ma'am Zamora.

"Casey, wait," pigil ni Hazel.

Pinigilan din si Hazel ni Trisha. "Pwede ba girl, be real. Hindi s'ya talaga mabuting kaibigan. Let her go."

Hindi na in-attempt ni Hazel na sundan pa si Casey palabas.

"Tsk.. pathetic, kid," react ni Sir Basa sa action ni Casey. Okay, since nagkusa na s'ya. It doesn't mean na makakalusot na kayo sa punishment," dagdag pa niya. "Nanggulo kayo sa labas ng canteen kaya suspended kayo ng 3 days. At bago kayo pumasok dapat kasama n'yo ang parents n'yo."

"What?! Pati ako?" protest ni Trisha. "Tagaawat lang ako. Saka si Hazel."

"Uhm, okey na po 'yon, sir. Sige po, salamat." Tinutulak ni Hazel si Trisha at Vem palabas ng office. Bumulong siya sa kanila. "Tama na. Let's go."

Nagtataka tuloy sina Sir Basa at Ma'am Zamora sa action ni Hazel.

Sa labas ng office, inalis ni Trisha ang pagkakahawak ni Hazel sa balikat niya.

"Ano bang ginagawa mo? Dinadamay mo ang sarili mo," react ni Trisha.

"Pabayaan mo na. Friends tayo. All for one, one for all. Paraan na lang ng pagdamay natin kay Vem. Tingnan mo nga s'ya." Tumuro si Hazel kay Vem na nakatingin sa malayo.

Nakaramdam naman ng awa si Trisha kay Vem, nilapitan ito. "Okey ka lang?" Hinawakan niya ang kaibigan sa braso.

"Don't worry. Ayos lang ako. Hindi ko lang lubos maisip na sagad na pala ang kasamaan ni Casey. Dahil sa ecstasy na pina-take n'ya sa'kin, kung anu-anong hallucinations at nightmares ang nakita ko. Si Paige Allarey, napagkamalan ko pang rapist. Para tuloy akong sira-ulo," kwento ni Vem.

"Ano? Pa'no naman na pati sa hallucinations at nightmares mo lumabas si Paige? Kilala mo ba s'ya?" nagtatakang tanong ni Trisha. Kasi pati siya, hindi niya kilala si Paige.

"Not personally. Narinig ko lang siguro 'yong name n'ya somewhere," sagot ni Vem. "Ke'langan kong mag-apologize kay Paige sa attitude ko kanila. Hay.."

**********

A/N

Pasensya na po kung anu-ano nang kinahinatnan ng kwento. Baliw kasi si Ms. Author. Bwahahaha.. Ayaw nyo ba nun? Hindi sya cliché? Naiiba. Hehe



The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon