Chapter 6

1.7K 24 7
                                    

Chapter 6

Tanghali na. Nagising si Casey. Tumingin siya sa wall clock, 10:45 am. Pakiramdam niya nanaginip siya ng fairytale. Totoo bang may nangyari sa kanila ni Vem? Isip niya.

Nakahiga ang ulo niya sa dulo ng kama at naka-upo sa sahig. Umalis siya sa pagkakasandal. Nang patayo na siya, naramdaman niya na may mabigat sa hita niya. Pagtingin niya rito, si Vem, nakahiga sa hita niya. Napangiti siya sa nakita niya.

"Vem, gising na. Papasok pa tayo," sabi ni Casey habang kina-caress ang buhok ni Vem.

"Mmmm.." ungol lang ni Vem.

"Bangon na. Baka ma-late pa tayo. Me' pasok pa tayo ng 1 pm," bulong ni Vem sa tenga ni Casey.

Bumangon na nga si Vem. Inunat niya nang wagas ang mga braso niya habang humihikab. Tumingin siya kay Casey, "Good morning," sabi niya.

Kinilig naman si Casey sa sweet na tono ng boses ni Vem. Pakiramdam niya, mag-girlfriend na sila. Well, may nangyari na nga sa kanila. Obviously, sila na nga.

Tumayo si Vem at inalalayan niya si Casey patayo.

"Tara, breakfast na tayo. For sure, dumating na sina mama," sabi ni Casey.

Bumaba na nga sila.

Ang mama at kuya ni Casey, nasa dining table, kumakain.

"Good morning, anak," bati ng mama ni Casey sa kanya.

"Ang aga n'yo naman mag-lunch," sagot ni Casey.

"Me' pupuntahan ako e. Papasama ulit ako sa kuya mo. Kain na kayo ng kasama mo. Sabay na kayo sa'min."

"Si Vem nga pala, mama, kuya. Classmate ko."

"Upo na kayo. Kuha lang akong extra plate," excuse ng kuya ni Casey na si Carson.

Umupo sina Vem at Casey sa may dining table gaya ng sinabi sa kanila ng binata.

"Good morning, tita," bati ni Vem sa mama ni Casey.

"Good morning din, hija."

"Uhm.. you look familiar po," sabi ni Vem habang nakatitig sa mga mata ng mama ni Casey.

"Nagkita na ba tayo before?" Nagtatakang tanong din ng mama ni Casey.

Flashaback

Karga-karga ng hot na midwife ang baby na duguan pa at mahaba pa ang pusod. Binalutan niya ito ng white cloth. Kung sobrang nakapikit ang mata nito ay siya namang bukang-buka ng bunganga nito kakaiyak.

"Ssssshhh.." Pinatatanahan ng hot na midwife ang baby, hinehele. Napatahan niya nga ito.

Ngumiti ang baby at himalang tumingin at nakikita ang hot na midwife na may karga sa kanya. Nagbigay pa siya ng isang kindat sa midwife.

"Your daughter.. Your daughter is a baby GAY," biglang sabi ng hot na midwife.

End of Flashback


"Hindi ko po matandaan," sagot ni Vem sa mama ni Casey. Hindi nga talaga niya matandaan.

**********

Naglalakad sina Vem at Casey sa sidewalk. Kalalabas pa lang nila ng bahay ni Casey.

"Uhm.. Vem?" tawag ni Casey.

"O bakit?"

Ngiting-ngiti si Casey bago nagsalita. "Nag-enjoy ka ba kagabi?"

"Yung kagabi? Oo naman. Hehe.."

"Talaga?" Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni Casey sa narinig niyang sinabi ni Vem. Hanggang tenga na yata ang ngiti niya. "So, tayo na ba?"

Hindi sumagot si Vem. May nakita siyang pink car na dumaan. "Uhm.. wait mo lang ako dito, ha?" sabi niya kay Casey.

Dali-daling tumakbo paalis si Vem. "Paige!" tawag niya sa kotse.

Pumara naman ang kotse.

"Oh Vem. Ikaw pala," sagot ni Paige. Nasa passanger's seat siya katabi ang same age niyang girl, ito ang nagda-drive.

"Sa'n kayo?"

"Punta sa house n'ya." Turo ni Paige sa katabi niya. "Eating lunch."

"Talaga? Pwedeng sumama?" makapal na mukhang tanong ni Vem.

Lumingon si Paige sa kasama niya. Nagtatanong ang gesture niya.

"Uhm, okey lang for me," sagot ng girl.

"Okey." Ngiting-ngiti si Vem sa pagsagot. Sumakay na siya kaagad sa back seat.

"She's Vem, my schoolmate," pakilala ni Paige kay Vem sa girl.

"Hi, Vem. I'm Phoebe. Paige's cousin," sabi nang girl na Phoebe ang name.

"Nice meeting you," sagot ni Vem. Kaya pala pareho silang English speaking, isip niya. At pareho silang maganda at kahit nakaupo pa si Phoebe, obvious pa rin na matangkad din siya.

Samantalang si Casey, hindi alam kung ano iyong hinabol ni Vem kasi hindi siya nakatingin sa kalsada habang naglalakad sila kanina. Kay Vem kasi siya naka-focus. Isa pa, nasa danger zone siya. O 'di ba ang sweat este sweet? Protective talaga siya kay Vem.

Nakatulala kung saan man si Casey. Pero nawala iyon nang makita niyang may dumaan na kotse. Nakasakay dito si Paige at sa back seat, si Vem. Sinundan niya ng tingin ang kotse hanggang lumampas ito sa kanya. Ang hinihintay niya, wala man lang siyang kamalay-malay na iniwan na pala siya.

"Wait lang sabi mo, ha?" bulong ni Casey sa sarili.

"Don't you have any class?" Si Paige. Nagtatanong siya kay Vem through the rearview mirror sa kotse.

"Uhm.. Wala," sabi ni Vem. Pero since napansin niya na naka-uniform nga pala siya. Dinagdagan niya ang sagot niya. "Kanina, me'ron."

"Aren't you classmates?" tanong ni Phoebe.

"No/Hindi," sabay na sagot nina Vem at Paige.

"Haha.. Okay," sabi ni Phoebe.

Ipi-nark ni Phoebe ang kotse sa tapat ng isang gate. Siya din ang nagbukas ng gate at ang nagpasok ng kotse sa loob. Bungalo lang ang bahay pero cute kasi color pink, girly.

"Let's go," pagyayaya ni Phoebe.

Bumaba na silang tatlo mula sa kotse. Unang pumasok si Phoebe, tapos si Paige at last si Vem.

"Take a seat, Vem," sabi ni Phoebe. Bumaling siya kay Paige. "Com' on."

"Wait a sec," sabi naman ni Paige kay Vem at sumunod na kay Phoebe na naghihintay sa kanya.

Patingin-tingin si Vem sa buong paligid. Pati sofa pink. Tapos may mga paintings sa wall, ang frames, pink din. Pero ang wall, white ang paint. Para sa kanya, ang feminine masyado ni Phoebe, innocent, ga'non.

Ang tagal nina Paige at Phoebe bumalik. Parang napansin niya na pumasok sila sa isang room. Naiinip na siya kaya pinuntahan niya ang room.

"Paige, Phoebe?" tawag ni Vem sa may pinto pero walang sumasagot.

Inikot ni Vem ang doorknob, bukas ito. Pumasok na lang siya nang kusa.

Pagkapasok niya, biglang may tumakip ng handkie sa bibig niya! Nawalan siya ng malay.

A/N

Pasensya na po kung matagal ako nakapag-update ulit. Kasi nagpo-focus po ako sa new job ko kasi yun ang gusto ng girlfriend ko.

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon