Chapter 2

3.7K 48 2
                                    

“Ang tagal-tagal nila.. Nasa’n na ba sila?” reklamo ni Trisha. Nakapangalumbaba siya habang nakaupo sa upuan ng guard sa may entrance ng covercourt ng St. Angelmary College na school nila.

“Miss, bawal umupo d’yan,” mataray na sabi ng guard.

Umalis si Trisha sa kinauupuan niya at umirap pa sa guard na nakatalikod sa kanya. Ang guard nga ang pumalit sa pwesto niya.

Natawa naman si Vem sa kanya. “Tara na nga. Bili tayong yelo para lumamig ulo mo,” loko niya kay Trisha.

“Adik!” Binatukan  ni Trisha si Vem.

“Joke lang. Ito naman. Libre kitang soda,” alok ni Vem.

“Talaga? Sure. Sige, tara.” Hinila na ni Trisha si Vem papunta sa kabilang kanto para bumili ng softdrinks sa isang Sari-sari Store. 

Kahit naman parang puro kalokohan at kalandian o kamanyakan si Vem, maalaga siya sa mga babae lalo na sa mga tropa niya. Hindi kaila kung bakit kinatutuwaan siya ng mga babae. Binibigyan niya ng kani-kanilang spesyalidad ang bawat girls na friends niya.

Bumili si Vem ng tig-isang softdrinks para sa kanilang dalawa. Inuna niyang abutan si Trisha bago niya kinuha ang softdrinks na para sa kanya.

“O, tissue.” Inabutan pa ni Vem ng tissue si Trisha.

“Thanks.” Ginamit naman ni Trisha ang tissue at dinampian niya ang kanyang lips. “Nasa’n na ba sina Casey at Hazel? Ang tagal naman nila,” reklamo na naman niya.

Busy si Vem sa pagmamasid sa mga chicks na dumadaan. Mga taga ibang campus. Alam niya na hindi sila taga-school nila kahit lahat naman sila ay naka-freestyle kagaya niya pero kasi marami nga siyang kilala sa school nila.

“Ang ganda ng view,” sabi ni Vem habang nakatulala sa mga dumadaan.

Narinig ng isang girl ang sinabi niya at napangiti sa kanya.

“Hay, Vem,” pansin ni Trisha. “Hindi ka na naman nakikinig sa’kin. Saka, anong view ang sinasabi mo? E mga chicks naman ang tinitingnan mo. Nangma-manyak ka na naman e.”

“Grabe ka. Hindi ko naman sila hinahawakan ah,” pagtatanggol ni Vem sa sarili niya. Wala pa kasi si Hazel para magtanggol sa kanya kaya nagkusa na siya.

Nagri-ring ang cellphone ni Vem. Hindi naman niya naririnig. Bumalik kasi siya sa pagkatulala sa mga chicks na dumadaan habang sumisipsip sa straw ng softdrinks niya. Tumutunog pa nga ang straw niya kasi todo sipsip pa rin siya kahit wala nang laman iyong bote na hawak niya.

“Hoy, Icewoman, ‘yong phone mo,” sabi ni Trisha. “Sagutin mo. Baka sina Hazel na ‘yan.”

Icewoman na rin talaga itinawag ni Trisha kay Vem kasi naninigas na buong katawan nito sa kakatingin sa mga chicks.

“Sa’n kaya school nila? Magta-transfer na ako do’n,” sagot ni Vem kay Trisha na malayo sa sinasabi nang kaibigan niya.

“Tsk..” Medyo asar na si Trisha. Siya na ang kumuha sa bulsa ng mini short ni Vem nang cellphone nito.

“Ahihihi..” tawa ni Vem. Nakiliti pa ang loka.

“Hello, Hazel,” sinagot na nga ni Trisha ang cellphone ni Vem. “Dito kami sa kabilang kanto, sa Sari-sari Store.. Ha?.. Ang tagal n’yo kasi e. Sige punta na kami d’yan.”

Ibabalik na ni Trisha ang cellphone sa bulsa ni Vem.

“Ako na,” sabi ni Vem. At siya na nga ang nagbalik ng cellphone niya sa bulsa niya.

“Nando’n na daw sila sa entrance. Tara na,” pagyayaya ni Trisha.

Ibinalik na nila ang mga bote ng softdrinks sa tindera at pumunta na sa entrance ng covercourt. Nandoon na nga sina Hazel at Casey.

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon