Chapter 13

1K 16 4
                                    

A/N

Reminder lang po. Every Saturday and Sunday ang update ng The Making Out. :)

**********

Chapter 13

"Feminist ka din ba?" tanong ni Vem.

Naglalakad sina Vem at Paige palabas ng campus.

"Nope. Bakit? Feminist 'yong Paige sa panaginip mo?"

"Oo e," sabi ni Vem tapos medyo napatawa pa sya kasi naalala niya iyong Vagina Politics na book.

"Ang galing mo din managinip, 'no?"

"Bakit?"

"Kasi pati beliefs me'ron. Baka me' favorite color din s'ya."

"Oo."

"Aba me'ron nga." Natawa si Paige. "Ano naman?"

"Black," sagot ni Vem tapos naalala niya iyong eksena sa bahay ng pinsan ni Paige, nang nasa black room sila. Tapos nakagapos siya. Naka-all black kasi si Paige noon.

"Okey ka lang?" Kinaway-kaway ni Paige ang kamay niya sa harap ng mukha mismo ni Vem.

Natauhan si Vem. "Ha? Ah-eh, oo."

"Bakit me' goosbumps ka sa braso?"

Tiningnan ni Vem ang braso niya. May goosebumps nga. Hinimas-himas niya ang braso niya.

"Wala 'to. Wala 'to," paulit-ulit na salita ni Vem.

"Sure ka?" bakas sa mukha ni Paige ang pag-aalala.

"Oo, okey na ako. Tingnan mo, wala na 'yong goosebumps." Pinakita ni Vem ang braso niya. Hindi na nga nakatayo ang mga balahibo niya.

Tumigil si Paige sa paglalakad, humarap kay Vem at hinawakan ang magkabilang balikat nito. Si Vem, napatigil na rin at napatingin sa kamay ni Paige, namumula na ang pisngi niya. Ang ganda na nga ng kausap niyang chicks tapos hahawakan pa siya, that is too much.

"A-ano 'yon?" pautal na tanong ni Vem.

Medyo sumulyap pa si Vem sa lips ni Paige pero tumingin kaagad siya sa kawalan.

"Tumingin ka sa'kin, Vem." Iniharap ni Paige ang mukha nito sa kanya sa pamamagitan ng paghawak niya sa baba nito. Parang iki-kiss lang. Hehe..

Tumingin nga si Vem kay Paige, sa mga mata nito. Nagtitigan sila. Ang sweat! Ang cheesy bigla ni Paige.

Silence = Moment

"Vem," basag ni Paige sa katahimikan. "Tigilan mo na ang kakaisip mo sa panaginip mo. 'Di 'yan totoo." Ang mga mata niya, nagniningning, puno ng encouragement.

"Thank you, Paige," papiyok na sagot ni Vem. "Ehem! I mean, thank you, Paige." Napahawak siya sa bibig niya, napahiya.

Napatawa tuloy si Paige. "Tara na nga." Inialis na niya ang hawak niya sa balikat ni Vem.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad.


Nasa Pedestrian Lane sila. Maya-maya pa ay nag-green light na at tumawid na sila. Si Vem ang nauna at pumwesto sa danger zone. Nasa side niya ang mga nakatigil na sasakyan. Sa kabilang side niya naman, naglalakad si Paige. Gentlewoman ang peg.

Ngumiti si Paige kay Vem dahil sa action na ginawa nito. Si Vem naman, she smiles back.

Nag-aabang sila ng bus pero puro puno ang dumadaan. May pumara sa tapat nila. Nangangalahati pa lang ang pasahero nito pero sa dami ng papasakay pa lang, puno rin. Standing pa.

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon