Chapter 1

6.2K 56 6
                                    

Chapter 1                              

“Hi, Vem,” bati ng isang girl na may kasama pang pagkaway. Kasama niya ang dalawa niyang friends na kapwa mga girls din. Ngumiti lang ang mga kasama niya kay Vem.

“Hi, Joanne,” pansin ni Veronica Manila, or Vem for short, sa kanya. “Gwen, Rica, kayo pala.” Nag-smile si Vem. Nakakahawa talaga ang ngiti niya. Nagtataglay siya ng isang smiling face.

Ibang klase talaga si Vem. Memorize niya ang mga names ng mga chicks. Kahit sa isang subject lang niya sila classmates at isa pang minor subject, sa Filipino. Iba kasi ang course niya sa kanila. Silang tatlo ay Tourism samantalang siya ay Accountancy. Minsan lang nilang napag-usapan ang lesson nila noon na tungkol sa difference ng ng at nang, na kahit anong explain nila ay hindi niya pa rin maintindihan kasi naka-focus siya sa mga mata at lips nila.

Pagkalampas ng tatlong chicks, nang nasa loob na siya ng canteen, may isang tumawag naman sa kanya mula sa isang table.

“Vem! ‘Lika dito,” tawag ng isang girl. Mga lima sila sa table. May isang boy.

“Hi, Laarni, ‘musta?” bati niya sa girl. Grabe talaga sa memorization si Vem, basta sa names ng chicks.”Hi, guys,” bati niya sa iba pang kasama nang girl.

“Kelan tayo magsha-shot? Mamaya?” pagyayaya nang girl.

“Next time na lang,” pagtanggi niya sa kanila.

“Sa bahay n’yo?” pabirong sabi nang girl.

“Pwede rin.” Medyo napatawa si Vem sa sinabi nang girl. Talaga naman kasing gusto siyang maka-jamming nang girl at sa bahay niya pa. “Pa’no? Bye muna. Do’n lang ako sa kabilang table,” pamamaalam niya sa kanila.

“Aasahan ko ‘yan, ha?” pag-confirm pa nang girl.

Tumawa na lang si Vem. Mahirap nang mangako siya kasi baka mabigo niya pa. Saka sa dami ba naman na nagyayaya sa kanya na uminom. Kung lahat ay pagbibigyan niya, baka stroke na abutin niya sa edad pa lamang niya na 18.

Sa wakas, nalapitan na rin niya ang mga tropa niya na nasa kalapit na table lang. Nagsisimula na sila mag-foodtrip ng assorted junkfoods. Naka-scatter ang iba’t ibang pouch ng chips.

“Wazzup, guys!” bulaga niya sa kanila na may kasama pang paghampas ng dalawang kamay niya sa table.

Lahat ng tropa niya ay napatitig sa kanya sa gulat.

“Walang-hiya ka, Vem! Kanina pa kami dito. Pa-VIP ka na naman,” reklamo ni Patricia Fuentes or Trisha for short.

“Sa ngayon lang natapos ang klase ko e,” pabalang na sagot ni Vem.

“Sus, ang sabihin mo, marami ka munang dinaanang mga chicks mo bago ka nakarating dito sa table namin,” explain ni Hazel Evans.

“Chicks? Wala akong chicks, ‘noh?” tanggi ni Vem. Hihila na siya ng upuan para maupo.

Pinigilan ni Casey del Valle ang paghila ni Vem sa upuan. “E sino ‘yong mga kinakawayan mo kanina?”

“Classmates ko lang ‘yong mga ‘yon.” Nag-pout si Vem. “Paupuin mo naman ako, Casey.” Pilit na hinihila ni Vem ang upuan na ayaw bitawan ni Casey.

“Bakit hindi namin sila kilala? Pare-pareho naman tayong Accountancy ang course, ah,” tanong ni Casey. Ayaw niya tantanan si Vem hanggang hindi ito napipikon. Hindi pa rin niya binibitawan ang upuan.

“Ireg (Irregular) student po kasi ako, remember?” sarcastic na sagot ni Vem. “Paupuin mo na ako, pwede ba?”

Tumitig muna si Vem nang masama kay Casey bago nito tuluyang binitawan ang upuan. Nakaupo na rin si Vem.

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon