Chapter 20

739 13 4
                                    

Chapter 20

Bumaba si Vem ng kotse niya. Kasunod niyang bumaba si Kuya Dickson na siyang nag-drive as usual. Ang daming dala ni Vem na plastic bag. Nag-shopping siya ng gamit para sa hiking nila ng barkada. Pag-akyat nga pala sa bundok ang napagkasunduan nilang magbabarkada na gawin sa 3-day suspension nila. Never pa kasi niya nata-try iyon. Maiba naman. Ayaw din kasi niya na mag-beach ulit. Na-trauma na siya sa ginawa ni Casey sa kanya noong nag-resort sila.

"Kuya Dick, tulungan mo naman ako," reklamo ni Vem. Nauuna kasi siya sa pag-akyat sa hagdan ng mansion nila.

Naistorbo tuloy ang pag-petiks ni Kuya Dickson na nakataas pa ang dalawang kamay at nakapatong sa ulo nito. "Sorry naman, señiorita." Kinuha niya ang kalahati ng dala ni Vem.

"Veronica! Kamusta ang aking baby girl?" tanong ni Mrs. Manila sabay beso-beso sa anak.

Nalaglag ni Vem ang dala-dala niya sa sahig dahil sa pagbulaga ng parents niya sa kanya. Pati si Mr. Manila ay nandoon din.

"Akala ko po sa last week of July pa kayo uuwi?"

"Ayaw mo ba no'n, baby. Makakasama mo na kami ulit."

"Anong dala mo?" tanong ni Mr. Manila.

"Some staff," sagot ni Vem.

"Magha-hiking sila bukas." Nadulas si Kuya Dickson. Paktay!

Una si Trisha ang nanlaglag sa sarili niya mismo. Ngayon si Kuya Dickson naman nanlaglag kay Vem at pati sa sarili niya. Nakakatakot na ang grupong 'to. Sobrang honest.

Pinagdilatan ni Vem si Kuya Dickson.

"Oh-oh," sabi lang ni binata na para bang wala lang sa kanya.

"Hiking? Monday? Me' pasok 'yon, 'di ba?" pag-iimbistiga ni Mr. Manila.

"Foundation week naman."

"Pero 'di ba dapat pumapasok ka rin ng Foundation Week? Sinabihan kita na sumali ka sa mga extra-curricular activities sa school. Pumasok ka," command ni Mr. Manila.

"Hindi po s'ya pwedeng pumasok kasi suspended s'ya for 3 days." paglalaglag ni Kuya Dickson sa pinsan.

Tinapakan ni Vem ang paa ni Kuya Dickson ng bonggang-bonggang-bongga.

"Aaaarraaaayyy!!!!!" palarat ng binata.

"Suspended?! Totoo ba 'to, Vem? Hindi ka pwede mag-hiking. Grounded ka habang buhay," parusa ni Mr. Manila.

Padabog na nag-walk out si Vem. Pero bumalik muna siya at kinuha ang nabitawan niyang plastic bag. Pati iyong bitbit ng cousin niya, inagaw pa niya nang sapilitan. Halos madala na niya ang kamay nito. Hindi na siya naawat ng magulang niya. Umakyat siya sa room niya.

Si Kuya Dickson, susunod na rin sana kay Vem, paakyat na siya.

"Dickson, upo. Ipaliwanag mo lahat," command ni Mr. Manila.

"D'yos ko, Dickson. Pinagkatiwala namin sa'yo si Vem. Sabi namin bantayan mo s'ya. Anong nangyari?" mangiyak-ngiyak na si Mrs. Manila.

Umupo silang tatlo sa sala.

"Bakit hinayaan mong ma-suspended si Vem?" tanong ni Mr. Manila.

"Dahil po 'yon no'ng nag-beach sila. Akala ko, field trip. Wala pa lang field trip sa kanila. Sa university ko kasi dati kung sa'n ako nag-drop out, me'ron e. Ngayon, 'yong barkada po n'yang si Casey.. Blah blah blah blah blah blah blaaaaaaaaahhhhh..."

HUWAAAAATTTT????!!!!" sabay na hysterical ng parents ni Vem.

Napahilamos si Kuya Dickson ng mukha niya. Talsik kasi ang laway ng dalawa sa kanya.

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon