Chapter 8

1.4K 22 6
                                    

Chapter 8

Sa police station..

"Sir, excuse me. Me' ire-report lang po kami," approach ni Trisha sa isang police officer na naupo sa may table.

"Ano 'yon, mga miss?" tanong ng police.

"Ito po kasing friend ko in-attempt na i-rape," sagot ni Trisha.

"Natatandaan mo ba ang itsura n'ya?" baling ng police kay Vem.

"Opo, sir. Tanda ko rin po kung sa'n 'yong lugar. Samahan ko po kayo papunta do'n," sagot ni Vem.

"Gano'n ba? Sige, papuntahan natin," sabi ng police. "Surge.." May tinawag siyang isa pang police.

Lumapit ang surgent. May kasama pa itong isa pang police.

"Samahan mo sila. Hulihin n'yo 'yong rapist," command ng police officer.

"Yes, sir," sagot ng surgent. Bumaling siya kina Vem. "Tayo na po."

Nanguna ang mga police papunta sa mobile nila at sumunod ang tatlong babae.

**********

Nakarating na sila sa pink house. Ang tahimik. Patay pa ang ilaw.

Bumaba na silang lahat ng mobile. Nanguna ang mga police na nakahanda na ang mga baril.

"Dito lang kayo. Kami na ang bahala," sabi ng police sa mga babae.

Pumunta na ang mga police sa bahay. Iniwan nila ang mga babaeng nanonood sa kanila. Inikot ng isang police ang doorknob, bukas ito.

"Okey ka lang, Vem?" tanong ni Hazel.

"Oo. Thank you," sagot ni Vem.

Si Trisha, nanatiling tahimik.

Dahan-dahang pumasok ang mga police sa loob ng bahay. Binuksan ng isang police ang ilaw.

Nagkalat ang mga gamit na pinaghahagis ni Vem kanina para lang makatakas mula kay Paige. Pinasok nila nang magkahiwalay ang mga kwarto. Lumabas sila ng walang nakikitang Paige. Iyong isang police, nakarating sa room kung saan ginapos si Vem. Ganoon pa rin ang itsura ng place, creepy. Pero wala ni anino ni Paige na makikita.

Sabay na lumabas ang dalawang police sa magkaibang room. Lumabas na sila ng bahay.

Nakaabang sina Vem sa natuklasan ng mga police, feeling hopeful. Pero naging hopeless sila ng makitang wala silang nahuling Paige.

"Nasa'n na po s'ya?" tanong ni Vem na puno ng pagtataka.

"Wala nang tao do'n. Nakatakas na s'ya," sagot ng isang police. Itinatabi niya ang baril niya sa kanyang belt.

"Mukhang nahuli na tayo. Pa'no po 'yon?" tanong ni Hazel sa mga police.

"Balik tayo sa station. Pa-illustrate n'yo ang mukha n'ya. Tapos 'tong bahay, ipapa-investigate natin para makakuha ng evidence laban sa kanya."

Iyong isang police, may kinausap sa radyo niya. "Attempted rape dito sa Kamuning. Nakatakas 'yong suspek, over."

"Sige, papunta na kami d'yan, over," sagot noong lalake sa kabilang line.

Naiwan ang police na may kinausap sa radyo. Iyong isa naman sumakay na sa mobile para ihatid ang mga babae pabalik ng station.

Mabilis silang nakarating sa station.

"Dito tayo," pagyayaya ng police at inihatid ang mga babae sa isang room na puno ng mga police.

"Bok, attempted rape," sabi ng police sa investigator.

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon