Chapter 9

1.4K 24 5
                                    


Chapter 9

Nasa canteen sina Vem, Hazel at Trisha, nagpu-food trip ng junk food. Wala si Casey.

Tulala si Vem at hindi pa nagagalaw ang potato chips na hawak niya. Malayo ang tingin sa kawalan. Iniisip ang nangyaring horror sa kanya this past few days with Paige.

Naalala niya ang mala-anghel na ngiti ni Paige na biglang nag-transform into an evil laugh. Na tipong ang simple nitong damit na blouse and jeans ay naging all black. Lahat ay black, pati eyeliner, kuko at lipstick. Tapos sa imagination niya, ang background, from white clouds ay naging lumalagablab na apoy na sumabay pa sa evil laugh nito.

Goosebumps bigla ang naramdaman ni Vem dahil dito.

"Vem? Hello?" Kinaway-kaway ni Trisha ang kamay sa harap ng mukha ni Vem.

Walang response si Vem.

"Vem!"

Wala pa rin.

*Pak

"Aray! Tae ka Trisha! Bakit mo 'ko sinampal?" sagot ni Vem habang hawak-hawak 'yong pisngi niyang sinampal ni Trisha nang wagas.

"Tulala ka kasi. Para magising ka sa katotohanan. Ano ba kasing iniisip mo?"

Hindi na nakasagot si Vem. Padaan kasi sina Jenny at Agnes - mga friends daw ni Paige pero hindi pa naman nakikita na magkakasama silang tatlo - sa may table nila.

"Jenny! Agnes!" tawag ni Vem sa mga dumating.

"Hi, Vem," sabi ni Jenny.

"Ikaw pala," sabi ni Agnes.

"Na'san si Paige?" tanong agad ni Vem.

Gustong malaman ni Vem kung nasaan na si Paige. Syempre, suspect ito. Interesado siya kung saan ito nagtatago. Baka kasi sakaling malaman niya sa kanila KUNG hindi sila kasabwat.

"Sinong Paige?" sagot na tanong din ni Jenny. Bakas sa mukha nito ang sobrang pagtataka.

Pati si Agnes, napapaisip.

"Si Paige. Paige Allarey."

Nakakaramdam na ng kaba si Vem. Mukhang hindi Paige Allarey ang tunay na pangalan ng suspect.

"Wala akong.." Sasabihin sana ni Jenny na wala siyang kilalang Paige Allarey nang nag-interrupt si Agnes sa kanya.

"Ahhh.. Kilala ko na ang sinasabi mo," singit ni Agnes. "Sorry, ang full name nga pala ni Allarey ay Vanessa Paige Allarey."

"Ay, oo nga pala," late reaction ni Jenny. "S'ya ba? Vanessa tawag namin sa kanya e."

Napabuntong hininga si Vem. Akala niya fraud ang name na hinahanap niya. Hindi pala.

"Kasama namin s'ya," dagdag ni Jenny.

Doon nasamid si Vem. Suspect si Paige tapos parang deadma lang na tipong ang lakas ng loob at pumapasok pa sa school. Well, okay lang para sa kanya. Para masampal niya nang wagas.

May paparating na girl. Matangkad siya. Pero hindi singkit. May pagka-heart shape ang mukha. Bobcut ang hair. Morena. Naka-make up.

"S'ya si Paige," sabi ni Agnes.

"Hi, guys. Musta?" bati ni Paige daw kina Vem.

"Hello," bati nina Hazel at Trisha.

"No, hindi s'ya ang Paige na kilala ko. Ang layo ng itsura n'ya. Ang layo talaga." Pailing-iling si Vem habang sinasabi ang linya na ito.

"Imposible. S'ya lang ang kakilala naming Paige Allarey. Baka naman taga-ibang department ang sinasabi mo na kapangalan lang ng friend namin," explain ni Jenny.

"Friend n'yo nga daw s'ya e. Saka sure ako na Pol. Sci. ang course n'ya." Nakakunot ang noo ni Vem. Sobrang confuse na siya. "Sa'n ka tumutuloy dito?" baling ni Vem kay Paige daw.

"Sa bahay namin," sagot ni Paige daw.

"Dito ka lang nakatira sa Manila?"

"Oo."

"Hindi sa Davao?"

"Hindi. Wala naman akong family or relatives do'n. Lahat dito sa Manila."

"I'm sorry. Nalilito na talaga ako." Tumayo si Vem at nag-walk-out.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Hazel sa naglalakad nang palayo na si Vem at ni hindi man lang lumilingon.

"Pasensya na sa friend namin, ha? May pinaghuhugutan kasing malalim 'yon kaya minsan talaga, weird na ang dating n'ya," sabi ni Trisha. Tumayo na siya.

"Excuse us. Sorry ulit." Tumayo na rin si Hazel.

"Okey, walang problema," sagot ni Paige.

Umalis na sina Hazel at Trisha para habulin si Vem.

"Anyare do'n?" tanong na lang tuloy ni Jenny.

"Ewan," sagot ni Paige.


Malayu-layo na rin ang nalalakad ni Vem. Sina Hazel, ang layo sa kanya pero effort pa rin na habulin siya.

"Vem! Wait lang!" sigaw ni Trisha.

Diretso sa paglalakad si Vem. Mas lalo pa nga niyang binilisan. Hawak-hawak niya ang ulo niya habang pailing-iling. Litung-lito siya. Hindi niya talaga naiinitindihan ang nangyayari sa kanya.

Bakit naiba ang itsura ni Paige? Pati background niya ibang-ibang na rin. Parang totoo talaga ang Paige na nakilala ni Vem last time.

Baliw na ba si Vem? Isip siya nang isip sa mga katanungan sa nangyayari.

"Please, Vem. Pagod na kami kakahabol sa'yo," makaawa ni Hazel.

Narinig ni Vem ang sabi ni Hazel. Tumigil nga siya sa paglalakad.

Naabutan din nina Hazel si Vem.

"Bakit ka umalis bigla?" tanong ni Hazel.

"Infairness, ha? Kahit bi ka, talo mo pa ang haba ng hair ko kanina," sabi ni Trisha.

Biglang may dumating. Si Casey. "Guys, sorry late ako. Na-late ako nang gising e," sabi niya.

May na-realize bigla si Vem.

*Pak pak pak

Tatlong sampal sa mukha ni Casey ang natamo niya galing kay Vem.


The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon