Chapter 4

2.2K 34 14
                                    

Chapter 4

"Sa'n ka ba talaga pumunta kagabi?" tanong ni Casey.

"Oo nga. Hindi mo na nga kami sinundo sa house, hindi mo pa kami hinatid pauwi. Anong silbi ng kotse mo? Hindi mo naman lagi ginagamit," sabi ni Trisha.

Nasa McDonald's silang apat na friends. Kumakain ng bestfriends size na fries.

Napatingin si Vem kay Hazel. Dito niya nalaman na hindi pala sinabi ni Hazel sa kanila kung saan talaga siya pumunta, na pumunta siya sa dorm ni Paige.

"Hindi ba sabi mo na-bored ka, kaya umalis ka na?" paliwanag ni Hazel na gets kaagad ang ibig sabihin ng tingin ni Vem sa kanya. Alam na alam niya talaga ang gestures ni Vem.

Pero si Vem, hindi ma-gets kung bakit hindi pa talaga dineretsa ni Hazel kina Trisha at Casey ang buong kuwento ng pag-alis niya. Wala kasi siyang tinatago tungkol sa lovelife niya, if me'ron man. Saka aware naman ang dalawa na crush niya si Paige.

Imbes na sagutin si Casey, pinili na lang ni Vem na si Trisha ang sagutin. Pang-asar lang ba para kay Casey. "Nakakailang kasi magkotse. Tinitingnan ng mga tao."

Umirap tuloy si Casey sa kawalan.

"Ayaw mo no'n? Para sikat. Para center of attraction. Alam mo naman sa school natin. Makakita lang ng may kotse, natutulala na," sabi ni Trisha.

"Ang exagg naman ng natutulala," react ni Vem sabay subo ng fries.

"Totoo naman, 'di ba? Bakit ka kasi nag-aaral dito? Dapat sa exclusive schools ka nag-aaral. Mayaman naman ang family mo," sabi ni Trisha.

"Bakit? Private din naman ang St. Maryangel College ah. Ayaw ko nga sa exclusive schools. Redundant na. Exclu na nga ako e," sagot ni Vem.

"Iba nanan 'yon. Tsk.." sabi ni Trisha.

"Tama na nga 'yan," awat ni Hazel. "Look." Tumuro siya sa entrance. Si Paige pumasok.

"Vem, you're here," bati ni Paige at lumapit kina Vem. "Hi Hazel."

"Hi," sagot ni Hazel.

Nakatingin lang sina Trisha at Casey na hindi pinansin ni Paige.

"Kamusta 'yong meeting n'yo ng classmates mo?" tanong ni Vem.

Flashback

"Taga-saan ka nga pala? Lumaki ka ba sa America?" sa wakas na tanong ni Vem.

"Oh no! Haha.. Dito lang sa Pilipinas."

"Sa'n dito?"

"Sa.."

Biglang nag-ring ang cellphone ni Paige na nasa side table. Kinuha niya ito at sinagot.

"Hello?" sagot ni Paige sa tawag. "Really? But it is only Saturday.. Oohh.. Okay."

Natapos na usapan nina Paige at nang nasa kabilang line.

"We have an activity in my major subject. I thought it'll be on Sunday."

End of Flashback

 

"Oh no, hindi pa tapos. I'll be busy next week."

Kumuha si Vem ng chair. "Paige, upo ka. Kumain ka na ba?" tanong ni Vem na obvious naman ang sagot kasi kaya nga siya pumasok ng McDonald's para kumain e.

"Not yet. Ngayon pa lang," sagot ni Paige habang umuupo sa binigay ni Vem sa kanya na chair.

"Ano? Past 12 na. Malilipasan ka ng gutom n'yan. Wait lang. Order ako." Ang bilis tumayo ni Vem kaya hindi na naka-react sa kanya si Paige.

Para matigil ang dead air, nagsalita si Hazel. "Paige, sina Casey at Trisha nga pala."

"Hi," sa wakas na bati ni Paige sa kanila.

Well, hindi naman sa snobby si Paige, shy-type lang.

Ngumiti si Trisha sa kanya at si Casey naman, ngumiwi.

"Can I ask you a question?" tanong ni Paige.

Umirap na naman si Casey. This time, dahil naiirita siya sa English ni Paige, para bang para sa kanya, kaartehan iyon.

"Ano 'yon?" willing na tanong ni Hazel.

"Why is Vem too nice to me?" deretsyahang tanong ni Paige. Amoy pagtataka at pagdududa.

"Kasi.." simula ni Hazel. Actually, wala pa siyang naiisip isagot.

"Kasi bi si Vem at type ka n'ya," deretsyahang sagot ni Casey sa deretsahang tanong ni Paige.

"What?" Bakas ang pagtataka sa buong pagmumukha ni Paige.

"Bi as in bisexual. Hindi mo ba alam 'yon?" sarcastic na tanong ni Casey.

"Casey.." tawag ni Hazel bilang pag-awat sa friend.

Tuloy pa rin sa pagsasalita si Casey. "Bisexual, 'yong gender na pwede sa boy, pwede sa girl."

"Tsk.." sabi ni Hazel, naiirita na siya sa bunganga ni Casey, wagas sa kadaldalan.

Natulala si Paige at sandali pa ay nagsalita na siya. "I'm sorry. Alis na 'ko." Tumayo siya at lumabas ng McDonald's.

Saktong dating ni Vem na may dalang pagkain para kay Paige sana. Napatingin siya sa pwesto ni Paige at napansing wala na ang crush niya. "Nasa'n si Paige?"

"Umalis na," sagot ni Casey nang walang tinginan kay Vem.

"Bakit?"

Walang sumasagot.

Since, kakampi lagi ni Vem si Hazel, si Hazel ang tinanong niya. "Hazel, bakit?"

"Ah.. eh.." Kaso nabara nang  bigla ang dila ni Hazel. Hindi niya masagot si Vem.

"Na-ultrashock," sagot ni Casey finally at nakatingin na siya kay Vem.

"Ano na namang ginawa mo, Casey?" Pabagsak na ibinaba ni Vem ang dala niyang food. Medyo tumalsik pa nga iyong Coke sa tray.

"Aba, makapagbintang ka naman, wagas," defense ni Casey. "Nagtanong s'ya. Sinagot ko lang."

"Anong tanong?"

"Sabi n'ya: Why is she too nice to me?" Gayang-gaya niya pa ang arte at accent ni Paige sa pagsabi niya ng line nang girl. "And sinabi ko ang totoo."

"Anong totoo?"

"Sus naman, Vem. Tanga lang? NA BISEXUAL KA!!!" Sa pagsigaw ni Casey, naglingunan sa kanila ang mga tao sa kabilang mga table. Sina Trisha at Hazel parang lulubog na sa kinatatayuan nila sa kahihiyan.

"P*tang ina mo, Casey!" Aabutin na sana ni Vem si Casey para sabunutan pero tumayo si Hazel at pumagitna na sa kanilang dalawa.

"Tama na, guys. Ayusin natin 'to. 'Wag n'yong daanin sa init ng ulo," sabi ni Hazel.

"Hindi na ke'langan." Tumayo si Casey. "I quit this group," sabi niya sabay walk-out.

The Making Out (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon